"S-Salamat..."Saglit akong natulala sa kaniya. O siguro nga'y hindi na 'ko makakabawi kung hindi niya kinuha sa 'kin ang hawak kong laptop para siya na mismo ang mag dala.
"Tara, samahan na kita." Humawak siya sa braso ko para akayin ako palabas do'n. Dahil tapos na ang oras ng trabaho'y wala na ring tao roon bukod sa mga kaibigan kong abala pa rin sa pag aayos ng mga gamit nila at pag hihintay sa 'kin.
"Sige na, una ka na, baka mamaya pa kami." Ngiti ko kay Jec, nag dadalawang isip siyang tumango.
"Ingat kayo, subukan kong mag text mamaya."
Nang mawala ito sa harap ko'y lumapit naman ako sa mga kaibigan para yayain na silang umalis.
Gabi na pero hindi pa kami nakakauwi dahil nag yaya pa si Clair na pumuntang 7/11, gusto niya raw kasing kumain ng cup noodles. P'wede namang sa bahay na lang pero dahil makulit ito'y pinagbigyan na namin.
Nang makarating doon ay napag-alaman naming may gusto lang siyang makita. Talaga kasing inayos niya pa ang buhok niya at nag tanong pa sa 'min kung maayos daw ba ang kaniyang itsura. Na-confirm kong may gusto ito sa lalaki sa cashier dahil kung makangiti siya'y akala mong aabot na ang bibig niya sa kaniyang tainga.
"Harot mo, 'te," pasaring na ani Belle. Inerapan lang siya ni Clair at nagsimula na itong kumain ng binili niyang noodles.
Hinihipan ko ang akin nang tumunog ang cellphone ko. Hindi ko na sana iyon papansinin dahil gusto kong kumain pero dahil si mama ang tumatawag ay tinakpan ko na muna ang noodles.
"Rain," panimula nito, "Uuwi ka ba sa pasko?" mahihimigan sa boses niya ang lungkot.
Tumayo rin akong agad at saka sumenyas na lalabas muna, "Hindi pa po sigurado, Ma. Bakit po?" nag aalala kong tanong.
Narinig ko siyang huminga nang malalim, "Namimiss lang kita, madalas din kasing wala si Ryz."
"Bakit? Saan pumupunta?"
"Busy sa school, ang dami nilang projects nitong nakaraan kaya nag pupumilit ding mag part time job."
"Ma naman, kaya ko pa naman."
Mahina siyang tumawa, "Siyempre, Rain. Pero nahihiya na rin 'yon sa 'yo, dapat nga nag aasawa ka na pero siya pa ang inaatupag mo."
Uminit ang pisngi ko nang maalala ko si Jec sa sinabi niya, "Wala pa 'yan sa isip ko, Ma. Kumusta si Papa?" pag iiba ko sa usapan.
Muli siyang bumuntong hininga, "Ayon, busy din sa trabaho. Lahat kayo'y busy kaya wala akong makausap manlang dito."
"Susubukan ko pong umuwi."
Iyon lang ang nasa isip ko habang naglalakad pabalik sa kung nasaan sila Neya. Siguradong matutuwa si Mama kung makakauwi ako, isa pa'y masaya rin naman talaga kung kumpleto kami sa pasko. Kung sakali kasing uuwi ako, siguro'y hindi na 'yon aabot ng bagong taon kaya baka ilang araw lang din ako ro'n.
Pag balik ko sa mga kaibigan ay halos paubos na ang kinakain nila. At dahil malamig na rin naman ang akin ay mabilisan ko na rin iyong kinain. Ayon din kasi kela Clair ay gusto talaga nilang uminom, kahit 'yon na lang daw ang munting celebration.
Pag dating tuloy sa bahay ay kaniya kaniya na sila sa pag timpla ng soju. Dahil yakult lang ang meron sa ref na p'wedeng ilahok do'n ay iyon na ang iminix nila. Nag palit lang din muna ako ng damit bago muling bumalik sa sala para sa munting inuman.
Ako na ang nag bukas ng nabiling pulutan. Tanging sisig at chicken andoks lang 'yon dahil nag titipid din kami. Meron din naman kasing mga chichirya kaya ayos lang.
BINABASA MO ANG
Enduring The Pain
Teen FictionThey say, we don't meet people by accident. They are meant to cross our path for a reason. For the past years of enduring the pain after breaking up with his ex boyfriend, Rain Cueria finally got over. It made her believed that love doesn't exist...