Napatulala ako. Kung hindi pa nga namatay ang tawag ay hindi na rin ako makakagalaw sa upuan."Bakit?" tanong ng kaibigan.
Tila nawalan ako ng gana dahil matapos maipaliwanag ang dahilan ng call na iyon ay hindi na 'ko muling kumain. Naging tahimik din kami, hinayaan ko na lang si Neya na ipagpatuloy ang kaniya samantalang nanatili na lang akong nakaupo.
I have no idea. Tanging 'yon ang nasa isip ko hanggang sa makauwi sa bahay. Kung ano mang dahilan ng pagtawag niya, hindi ko inaasahan na nais niyang makipagkita. Don't get me wrong. Of course I want to see her, who wouldn't? Pero... hindi ko maiwasang hindi pansinin ang tono ng pananalita niya at kung gaano iyon ka-seryoso.
"Andito na pala ang ating dalawang kaibigan!" Sam announced. Tumakbo rin tuloy ang lahat palapit sa 'min.
"Nakakainis kayo!" Hinampas ni Belle ang braso ko, nakasimangot siya. Tipid ko siyang nginitian, inginuso ko rin si Neya na ipinaparada ang motor ng boyfriend niya para siya ang sisihin nila. At dahil 'yon nga ang nangyari, nakatakas ako. Agad akong pumunta sa kwarto para magpalit ng pambahay na damit.
Madilim na sa labas, hudyat na hapon na. Hindi ko pa rin nakakausap si Jec at sigurado akong pagod na rin 'yon para sa araw na 'to. Kung ako nga na kung tutuusin ay walang ginawa kundi gumala ay gusto na lang matulog. Ano pa kaya siyang nagta-trabaho talaga?
Hindi ko na tuloy na-kwento sa kaniya ang sinabi ng Mama niya. Hindi na rin naman kasi kami nakapagcall. Palitan lang ng text at matapos no'n ay nagpaalam na siyang mauuna na sa pagtulog.
Ako naman ay tinawag na ni Kier para kumain. Sa totoo lang ay busog pa 'ko dahil kumain naman kami ng shawarma bago umuwi kaya namapak na lang ng ulam. Hindi na rin ako nag abalang tumulong sa pag-iimis nila ng lamesa nang matapos. Sa halip ay nag toothbrush na lang ako't hilamos para makapaghanda na sa pagtulog.
"Upo ka muna, Rain," tawag ni Clair.
Kasalukuyan akong nagsusuklay ng buhok. Simpleng manipis na sando at pajama ang suot ko. Nakaupo silang lahat sa sofa at ang iba'y sa lapag habang may movie sa laptop. Hindi naman sila nanonood dahil halos lahat ay abala sa cellphone.
Pagkapatong ko ng suklay sa lamesa ay umupo ako sa tabi ni Rion. He looked at me immediately and smiled. Ginantihan ko 'yon. Isinandal ko rin ang likod para kahit papaano'y makapahinga.
"Walang bebe time?" mapang-asar na tanong ng lalaki. Naituro ko pa ang sarili kung ako ba ang kinakausap niya dahil hindi naman na siya nakatingin. Abala ang mga mata nito sa paglalaro ng mobile legends.
"Tulog na," sagot ko. He only nodded so I focused my attention on what movie are they watching.
"Si Neya?" pabulong kong tanong. Napansin ko kasing wala ang babae samantalang kumpleto kami rito. Nagkibit balikat lang si Belle kaya hindi ko na siya inabala.
They are all typing whatever word it is on their phones. Ako lang nga ata ang nanood hanggang sa matapos ang movie. Lahat kami'y humihikab na.
Bago pa 'ko makatayo para bumalik sa kwarto ay napalingon ako sa pinto nang pumasok do'n ang kaibigan. Naka-jacket siya't halatang kagagaling sa labas. We looked at her with confusion. Hindi naman kasi siya nagpaalam kung saan pupunta.
Itinuro niyang muli ang pinto, "Kinuha ni Jord 'yung motor niya."
Nagulat ako sa tono ng boses niya, it's like she cried. Mas lalo kong napag-alaman na gano'n nga nang mabilis siyang dumiretso sa kwarto.
"Sundan ko lang," I excused myself, too.
Pagpasok ko pa lang ay bumungad na siyang nakaupo habang sapo ang noo. Pumapatak pa rin ang luha. Nag aalala akong lumapit at agad na tumabi sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Enduring The Pain
Fiksi RemajaThey say, we don't meet people by accident. They are meant to cross our path for a reason. For the past years of enduring the pain after breaking up with his ex boyfriend, Rain Cueria finally got over. It made her believed that love doesn't exist...