Kabanata 12

27 20 9
                                    


"'Yun, oh!"

"Sana all!"

"When kaya?"

"Low-key relationship ba 'yan?"

Kantyaw ng mga ka-trabaho. Namumula na ang pisngi ko't ramdam na ramdam ko ang init na nag mumula ro'n. Bakit ba kasi ginawa ni Jec 'yon? Kainis.

"Tumahimik nga kayo," suway ko sa kanila. Mas lalo lang tuloy nang-asar ang mga ito. Ang iba pa'y hindi na natapos katatanong kung kami na raw ba o ano.

Buong mag hapon tuloy na ganoon ang nangyari. Titigil lang sila kapag may ginagawa at kapag nababakante, ayon at hindi matahimik. Imbes na umimik ay nanahimik na lang ako, mas lalo lang kasi silang natutuwa kapag naiinis ako. Ani pa ng mga ito'y ang bilis ko raw maubusan ng pasensiya.

"Nanliligaw, Rain, 'no?" sinundot sundot ni Amery ang tagiliran ko. Sa lahat ng narito, bukod sa mga kaibigang kasama ko sa bahay, malapit din talaga siya sa 'kin. Kaya naman nang tumango ako dahil may tiwala naman ako sa kaniya'y gulat din ako sa naging reaksiyon niya. Napa-taas pa ito ng palad para makipagkamay sa 'kin. Naguguluhan man ay ginawa ko na lang din.

"Mas OA ka pa pala kay Neya." Iiling-iling na puna ko sa kaniya. Pumikit siya't umikot ikot na animo'y sobra siyang masaya. Ni hindi na nga niya pinansin ang sinabi ko.

Hindi naman lumabas ng opisina si Jec kaya hindi siya matanong, isa pa'y takot din ang mga itong mapagalitan kahit pa anila'y nakikita nilang nag babago na si Jec, hindi na raw ito gano'n kasungit at natututo na ring makisalamuha.

"Kayo ba talaga ni Sir, Rain?" natigilan ako nang mag tanong si Rion. Nasa loob kami ng tricycle ngayon, kami lang dalawa dahil nasa labas sila Neya at Clair. Si Sam, Kier at Belle naman ay sa ibang tricycle.

Umiling ako, "Hindi, walang kami."

He sighed in relief. Hindi ko na lang pinansin 'yon dahil pagod din ako. Gusto ko na lang kumain at matulog. Maaga pa naman kami bukas para mag decorate.

Dahil pagod na ang lahat, matapos kumain ay dumiretso na kaming agad sa kwarto. Pati ang pag ha-half bath ay hindi na nila nagawa.

Maliban sa 'kin dahil hindi ko kayang matulog nang pawisan. Ayon at tulog na si Neya nang lumabas ako para mag tungo sa CR. Habang nando'n ay pa-kanta-kanta pa 'ko na parang hindi malamig. Kapag talaga yumaman ako, bibili ako ng hot shower at bath tub.

Ilang minuto ang itinagal ko roon bago lumabas. At dahil tulog na ang lahat, sobrang tahimik ng paligid. Dumiretso na lang din ako sa kwarto, inilagay ko ang damit na nagamit sa lamugan. Isinampay ko rin muna ang towel at saka ko naman inabala ang sarili sa pag lalagay ng lotion at sa huli'y ang alcohol.

Nang alam ko sa sariling ayos na 'ko ay humiga na 'ko sa kama para matulog.

Hindi na rin ako nag karoon ng oras para ma i-check ang phone ko dahil chinarge ko na agad 'yon. Pag gising tuloy ng umaga'y nag labasan ang sunod sunod na missed calls mula kay Jec, mayroon din doong mga text na nag sasabing kumain na 'ko, tulog na ba 'ko, good night at sleep well.

Kinusot-kusot ko muna ang mata ko bago nag unat ng braso. Nakaligo na si Neya at nag lalagay na ito ng lotion.

"Bilisan mo na, wala naman na atang tao sa CR," muli nitong utos. Kanina pa niya 'kong sinasabihan na mag intindi na 'ko pero dahil nilalamig at tinatamad, nanatili akong nakahiga.

"Rain!" pagalit na nitong tawag.

At dahil wala na 'kong magawa, tumango na lang ako sa kaniya't kinuha na ang tuwalya at pampalit na damit. Hindi na kami mag u-uniform ngayon dahil mag aayos lang naman at wala nang trabaho.

Enduring The PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon