Kabanata 27

22 17 0
                                    


Hindi ko alam kung anong oras at hindi ko na rin naitanong. All I know is that I need to prepare myself.

Katulad ng sabi ko, hindi ko alam kung para 'yon saan o tungkol kanino. Masama ang kutob ko pero pilit pa ring iniiwas ang mag isip ng kung ano.

Nagdatingan na rin ang iba hanggang sa makumpleto na kami kaya kahit papaano, nawala na 'yon sa isip ko.

Hindi naman kami tinambakan ng maraming gawain. Siguro'y dahil kababalik lang.

"Nakita niyo ba?"

"Oo, grabe, ang tagal niya na ring hindi nakakabisita rito."

"Nagkita na kaya sila ni Sir?"

Rinig ko ang bulungan ng mga kasamahan. Sadyang tahimik lang ang buong silid kaya kahit mahina ang kanilang usapan, klaro kong naiintindihan.

Kinulbit ako ni Amery dahilan nang paglingon ko sa kaniya. Kasalukuyan kasi akong nag aayos ng files ng mga bagong aplikante. Binabasa ko rin at itinatama kung mayroon mang mali.

"Told you." She winked.

Hindi ko agad nakuha ang ipinapahiwatig niya. Pero nang tumayo ang halos kalahati ng mga tao sa buong silid, natanto ko ang nais niyang sabihin.

"Ma'am Kaij?" aligagang lumapit si Arly sa kaniya. Yumakap naman sa kaniya ang babae.

Agad ang baling ng iba sa 'kin. Tila sinusuri ang magiging reaksiyon ko. Nanatili akong nakaupo kaya siguro'y hindi niya 'ko agad agad na mapapansin.

Hindi katulad noong una ko siyang nakita, mas mukha siyang istrikto ngayon. Iyon nga lang ay mas nadedepina ang kalmado at inosente niyang itsura. Nakapuyod din sa mataas na paraan ang kaniyang buhok at nakasuot pa ng teacher uniform.

"Dumaan lang ako. Nandito pa si Jec?" tanong niya.

Mas lalo lang akong tiningnan ng iba. Tila naguguluhan sila't sa paraan ng titig ay nais ng sagot mula sa 'kin.

Tumayo ako dahilan nang pag agaw sa atensiyon niya. Gulat siya nang makita ako na napabitiw pa siya sa hawak niya kay Arly.

"May meeting siya. Anong kailangan mo?"

Hindi ko na napigilan ang sarili. Kalmado naman ang tono ng pananalita ko pero ramdam ko ang tensiyon sa buong paligid. Nanahimik din nang tuluyan ang lahat at nagpapabalik-balik na ang tingin sa 'ming dalawa ni Kaij.

"Ah," panimula niya. "About sa application ng kapatid ko." She smiled, sa tipid na paraan.

Tumango ako. "You can ask Ma'am Arly about that naman."

Napakurap siya.

"Besides I don't think Jec will be here any minute from now. He's busy," mataman at pinal kong sinabi.

Hindi ko na siya nilingon, gano'n din ang ibang tao rito. Wala akong pakealam kung isipin nilang mali ang pagkakakilala nila sa 'kin o ang masungit ako't masama ang ugali. Napipikon at napupuno na lang talaga ko sa babaeng 'yon. Hindi ko na kayang i-kontrol ang sarili ko lalo na't wala na siyang ibang ginawa kundi paglapitin ang landas nila ng sarili kong nobyo.

"Angas mo kanina!" puri ni Amery.

Kanina niya pa 'kong kinukulit. Kung ano anong sinasabi tungkol sa naganap kanina. Hindi ko alam kung paano umalis si Kaij pero nang mag lunch break naman ay wala na siya roon.

"Nabigla talaga 'ko, Diyos ko! Ang tapang ng Ate Rain mo," sabi naman ni Mira.

Tatlo lang kami ngayon dito sa CR. Nakaharap ako sa salamin habang nasa pinto naman ang dalawa, naghihintay sa 'kin.

Enduring The PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon