Chapter 2

31.2K 1.2K 890
                                    

UNIQUE

"KAKAIBA! Na-miss kita!" Masayang salubong sa akin ni Sunny nang makarating ako sa loob ng room at makita niya ako.

Kaklase ko pala siya?

We're taking up Bachelor of Fine Arts major on Industrial Design. This program will provide the students with an experience to design new products in the field of arts, business, and more. Ang first choice ko talaga ay Architecture, pero hindi na natuloy dahil marami ang kumuha no'n kaya naubos ang slot. Bawat program pa naman ay may limit.

And, this cheerful woman who's hugging me tightly right now is none other than Sunny Lazaro. My trusted friend since high school days, and now, we're a second year college student. Lumipat ako ng university para mas malapit sa bahay namin. 'Yung una kasi ay ilang minuto pa ang byahe bago makarating.

Kumalas siya sa yakap pero napangiwi na lang ako nang maalala ang tinawag niya sa akin. "Sabi ko naman sa'yo, Heaven ang itawag mo sa'kin." Pagtatama ko bago kami naupo.

Maaga pa naman at wala pa ang professor para sa first subject. Inayos ko na rin ang suot kong puting polo at jeans. This school doesn't require any uniforms, but I heard that they're strict.

Ang laki, malawak, at masyadong organisado ang university na 'to. Strikto rin sila sa mga estudyante at hindi basta nagpapapasok. Kanina nga ay hinanapan pa ako ng ID ng guard sa may gate kasi nasa loob ng bag ko. Ang advance din ng technology nila. May nakita akong elevator at mga automatic na pinto. 'Yung may remote sa bawat office pa.

No wonder why it is one of the best school in Philippines. Harmonia University. Parang dati lang ay nababalitaan ko lang kung gaano 'to kaganda, tapos ngayon ay nag-aaral na ako rito.

I smiled at the thought.

"Ikaw naman, parang hindi pa nasanay sa tawag ko sa'yo." Biro niya pa at natawa na parang nakakatuwa ang sinabi niya. "Balita ko, nag-bar daw kayo ni ate Avery!" She exclaimed then suddenly pinched my cheeks!

Napanguso ako pero tinawanan niya lang ako. Hindi kami magkaklase sa lahat ng subject pero karamihan naman sa subjects ay kaklase ko siya.

"So? Anong ganap? May nabingwit ka ba?" Pag-uusisa niya kaya inalis ko ang mga kamay niya sa pisngi ko.

I stared at her and scoffed. Ang ganda ni Sunny at bagay sa kan'ya 'yung pangalan niya. She has this bright comforting smile that gladly embraces the people with her amiable personality, and her sweet smile is honestly contagious that brings out the hidden smiles of people.

Hanggang balikat lang ang itim at bagsak niyang buhok na bumagay sa maliit niyang mukha. Maputi at makinis siya dahil conscious siya sa pags-skin care. All in all, ang ganda niya. Magkasing-tangkad lang din naman kami.

"At saka bakit iba 'yang salamin mo?" Nagtatakang tanong niya kaya lumabi ako.

"Andami mo namang tanong."

"Madami nga, wala ka namang sinasagot ni isa." Kunot-noong pagpuna niya kaya napaisip ako.

Dapat ko bang sabihin 'yung nangyari sa bar? Muntikan na akong mapahamak noon. Ayoko naman na maulit pa ang nangyari. I-I don't want to.

Alluring Innocence (Seven Deadly Sinners #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon