Chapter 26

18K 760 139
                                    

UNIQUE

"MOM, I joined a contest." Nakayukong imporma ko sa kanya habang nakaupo siya sa kama at ako naman ay nakatayo sa gilid niya.

Gabi na at ngayon ko lang nasabi sa kanya ang tungkol dito. Mamaya pa naman papasok si dad dito sa kwarto nila at ayoko siyang makita o makausap man lang, kaya si mom na lang ang sinabihan ko. Hanggang ngayon din kasi ay naaalala ko pa ang sinabi ni dad tungkol kay Ma'am. Tsh.

"What contest?" She asked that made me gulp in nervousness. I'm not used to this.

"A-Art contest. It will be held next month in Tagaytay." Pabulong halos na sagot ko pero sapat lang para marinig niya.

Nag-angat siya ng tingin sa akin mula sa pagkakayuko sa librong binabasa niya. Hindi ko rin alam kung dapat ko bang salubungin ang mga titig niya o mag-iwas na lang ng tingin dahil medyo naiilang ako. I'm not used to be this close to mom.

"You really love arts," komento niya at natigilan na lang ako nang makita ang bahagyang pag-ngiti niya. It looks gentle. "If that's what you want, I'll support you."

Naalala ko na naman bigla na hindi ko naman talaga gustong sumali. Pinilit lang talaga ako ni Ma'am kaya kahit na medyo nakakainis siya at wala akong magawa ay bahagya na lang din akong ngumiti kay mom. Itatanong ko na lang sa kanya kung bakit niya ako pinasali.

She'll support me, huh? Parang ngayon ko na lang ulit narinig ang salitang 'yon matapos ang ilang taon. I kinda felt overwhelmed as I hear those words. I really appreciate even the smallest things. Mom has never told me about anything like this from before.

"That is nice. You also love arts?"

I looked up to see the kid with a smirk on her innocent face. Inosente siyang nakatingin sa akin na parang walang gagawing masama pero hindi ko na siya pinansin pa. I want to be alone for awhile. I need to think but here she is, in front of me, holding a huge and sharp sword.

"Leave me alone." I whispered. Tinuloy ko na ang pagpipinta dito sa lugar malapit sa isang falls.

Ang tahimik ng lugar at mapayapa kaya dito ko napili na pumwesto, pero kahit kailan talaga ay may sarili siyang paraan para mahanap ako kung gugustuhin niya.

"Well, if that will make you happy," napapaisip na tugon niya habang nakahalukipkip sa harapan ko at matalim ang mga matang nakatitig sa akin. "I'll support you."

Then I just found her patting my head like I am someone who's younger than her. Natulala pa ako sa mga mata niyang may kislap ng tuwa habang nakatitig sa akin bago ako iwanan nang mag-isa.

Natahimik pa ako at napaisip sa sinabi niya. Ni hindi nga kami magkaibigan kaya bakit? She's just a stranger. More like, my enemy. So, why? May kailangan ba siya sa akin?

Support... what I love?

"Thank you." Bahagya pa akong yumuko bilang paggalang at aalis na sana nang matigilan ako at napatigil sa paghakbang.

"Need anything?" She asked while staring gently at me.

Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya ang card na nakuha ko kanina o hindi na. I received a death threat and I don't know from who it is. Sa pagkakaalam ko naman ay wala akong ginagawang masama these past few years because I want peace in my life.

So, why? And who?

"N-Nothing. Have a good night." Paalam ko at nagmamadaling lumabas ng master's bedroom.

Alluring Innocence (Seven Deadly Sinners #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon