A Love That Defies The Odds

22.2K 724 265
                                    

UNIQUE

"PROFESSOR, SORRY talaga. I didn't know you're her fiancée." Rinig kong paumanhin ni Jill kaya bahagya akong natawa dahil tinitigan lang siya ni Parixia na walang reaksyon.

Fiancée. Naalala ko tuloy bigla na hindi kami naging mag-girlfriend. Well, mas maigi na ang diretso kasal para wala siyang kawala sa akin. How I love to make her mine for the rest of the time we have.

"That's.. fine." Parang labag pa sa loob na sagot niya kaya napakagat ako ng labi para pigilan ang pagtawa habang nakaupo malapit sa may bintana. "But, are you really sure about my cousin?" Pag-iiba niya sa usapan habang nakataas ang mga kilay kaya ang sungit niyang tignan, as usual.

Napahinga na lang ako nang malalim habang prenteng nakaupo sa loob ng private plane nila Parixia. We're going to Palawan as what they planned, to have a short vacation. Kasama namin si Jill pero nauna na ang boyfriend niya sa destinasyon. Pati na rin si Evion ay nandito at tahimik lang na nagbabasa ng magazine. Even Finnly is here.

I've been staying in Parixia's house for the past two weeks, but even if that's our situation, I can't still get enough of her. There's always a way for her to make me crave and yearn for her. Her presence, her touch, her kisses, her hugs and all. I just love her so much that I can never thought of a life without her.

"Hello, am I late?" Hinihingal pa na tanong ni ate Avery na kapapasok lang sa loob ng eroplano.

Lahat kami ay napatingin sa kanya na nakangiti ng tipid. Ngayon lang din kasi natuloy ang plano nilang pagpunta ng Palawan dahil magkakaiba sila ng schedule. Good thing that she's able to come with us, at hindi drawing lang ang plano nila. Nakulayan naman na.

"You're late." Rinig kong sabi ni Evion na hindi tinataas ang tingin mula sa magazine na binabasa.

"Yeah. May inasikaso pa ako sandali." Kibit-balikat pa ni ate at bumeso sa akin nang makita ako.

Lumapat ang pisngi niya sa akin at natigilan naman ako nang maamoy siya, pero kaagad din naman siyang kumalas. She squeezed my shoulder lightly and smiled a bit. Sandali lang na naglapat ang mga pisngi namin pero parang naiwan sa akin kung ano ang amoy niya. Sa upuan siya sa harapan naupo, katabi lang ni Evion.

I frowned as I thought of it. Pamilyar sa akin 'yung amoy niya pero hindi ko matandaan kung saan. I feel nostalgic at that sweet and lemon-like scent. Sinundan ko siya ng tingin at nakikipagkwentuhan siya kay Evion sa harapan ko pero nanatili akong nakatitig kay ate.

We're seeing each other once in a while for the past years. Kinukumusta niya ako at pinupuntahan kung saan ako nags-stay, pero sinasabi ko sa kanya na 'wag sabihin sa kahit na sino. I don't want them to look for me.

But, that smell.. saan ko nga ulit 'yon naamoy? Pamilyar kasi talaga at pilit kong inaalala.

"You okay?"

Nabalik ako sa realidad nang marinig si Parixia na marahang tumabi sa akin ng upo. Agad naman siyang sumiksik sa akin kaya hinapit ko siya sa baywang palapit pa sa akin. Magkasalikop ang mga kamay niya kaya bahagya akong napangiti. How I love her warmth and everything about this woman.

"Hm-mm." I hummed while trying to remember that scent.

"I love you." She whispered that immediately put a smile on my lips.

Kapag talaga malapit siya sa akin ay hindi kumakalma ang tibok ng puso ko.

"I love you." I answered back and leaned closer to gently kiss her forehead.

Alluring Innocence (Seven Deadly Sinners #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon