Chapter 13

22.4K 979 334
                                    

UNIQUE

"MA'AM." MAHINANG pagtawag ko at nag-angat ng tingin para makita siya.

Tahimik ang buong paligid. Bahagyang magkasalubong ang mga perpektong hugis ng kilay niya at nagbaba rin sa akin ng tingin. Kahit na saang anggulo tignan ay ang ganda niyang tignan at ramdam na ramdam ko rin ang malambot na katawan niya sa akin. Dito na siya natulog at magkatabi talaga kami magdamag.

Napalunok ako nang magkasalubong ang mga mata namin. Ang higpit pa rin ng yakap niya sa akin kahit na umaga na. May kuryente na rin at maliwanag na ang paligid dito sa kwarto ko.

Ramdam ko ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko dahil sa pagkailang. Ngayon lang ako natatauhan sa ginawa ko kagabi! That's stupid! Gusto ko na lang magtago mula sa kanya dahil sa kahihiyan. Lamunin na lang ako ng lupa.

Mahigpit na nakayakap sa baywang ko si Ma'am at magkadikit ang mga katawan namin. Iisa lang ang gamit naming comforter at nasa ilalim pa rin kami nito. Mukhang kanina pa siya gising at may pakiramdam talaga ko na binabantayan niya ako. Napalunok na lang ulit ako nang m-maramdaman ang dibdib niya sa akin. W-Wala siya suot na---ugh! Basta! T-Tapos ang nipis pa ng suot niyang nightie!

Hindi ko na alam kung saan ba dapat ako tumingin kaya pinanatili kong sa makinis at maputi niyang leeg ang paningin ko. Naiilang ako dahil nakakulong ako sa loob ng mga bisig niya. Ang kamay ko rin ay mahigpit na nakakapit sa suot niya sa bandang baywang niya. Mukha na siguro akong kamatis dito.

"What is it?" Malambing niyang tanong at bahagya pa akong napaigtad nang maramdaman ang kamay niyang humahaplos sa likod ko!

"O-Okay na po a-ako." Wala sa sariling sagot ko at napalunok ulit. "P-Pwede na po kayong bumitaw." Dagdag ko pa at sinalubong ko pa ang mga titig niya---na sana ay hindi ko na lang ginawa dahil masama siyang nakatingin sa akin!

"No. Hindi ka pa maayos." Matigas niyang sambit at niyakap ako lalo ng mahigpit kaya m-mas naramdaman ko 'yung ano! B-Basta, malambot!

Para akong lalagnatin sa sobrang init na ng mukha ko. Napasiksik ako sa leeg niya. Kahit na anong oras ay ang bango ni Ma'am. She feels soft and warm. B-Bakit ba ganito? Maayos naman na talaga ako lalo na't maliwanag na---pero naririnig ko pa rin ang malakas na buhos ng ulan. May bagyo ba?

"M-May pasok---"

"It's suspended." Pagputol niya sa dahilan ko.

S-Suspended? Gano'n ba kalakas ang bagyo? So that means, walang pasok at kasama ko mag-isa dito sa bahay si Ma'am?! P-Pero baka may gagawin siya sa office niya, pwede naman 'yon---

"Ma'am," pagtawag ko ulit. "Maayos na po talaga.. a-ako." Pahina nang pahina na sagot ko dahil nagsalubong na rin ang mga kilay niya.

M-Mananahimik na nga lang ako.

"Stop being stubborn. Hindi ka pa maayos." Pagpupumilit niya pa.

Gusto kong sumimangot dahil sa naging sagot niya. Hindi maayos? Bakit ba mas alam niya pa kaysa sa akin na nakakaramdam? Naman eh. Baka naman tsansing lang 'tong si Ma'am kaya nakayakap pa rin hanggang ngayon.

"What? Gusto mo ng kiss?" Alok niya pa nang mapatitig ako sa kanya. Hindi ko rin naman sinasadyang mapasimangot nang marinig ang sinabi niya.

Alluring Innocence (Seven Deadly Sinners #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon