Chapter 6

24.7K 965 87
                                    

UNIQUE

IT'S THE DAY.

Bahagya akong napanguso nang maalala na may PE kami ngayon. Ito pa naman ang subject na pinaka-ayoko dahil mapapagod na naman ako at kailangang magbanat ng buto. Magpapawis nang sobra. It's not that I'm not allowed to or I'm sick. Hindi ko lang talaga gusto.

Mamaya pa namang hapon 'yon pero ngayon palang na umaga ay nanlulumo na ako. Paano na 'yan? Mayroon naman akong dalang damit pampalit dahil siguradong tagaktak na naman ang pawis ko nito.

"Bakit ka ba nakasimangot?" Takang tanong ni Sunny habang naglalakad kami papuntang library. May tatapusin daw kasi siyang assignment at talagang isasama pa ako. For reference daw. Tsh.

Napalabi ako nang balingan ko siya ng tingin. Walang assignment pero panay ang pa-cute sa mga babae sa paligid. Sabagay, she's famous but still, nadadamay ako. Hindi ko rin siya gets. Minsan masipag, madalas tamad. Ginawang hobby ang procrastination.

Yumuko na lang ako habang naglalakad. Hindi rin naman kasi ako sanay sa atensyon ng mga tao. Madalas akong nauutal at kinakabahan sa harapan nila kaya mas gusto kong mag-isa. Hindi ko na rin alam sa sarili ko, nakaka-bother na nga minsan.

Tinignan ko ang pambisig na relong suot ko. It's just 7:40 am at mamaya pang 9 am ang klase namin pero kailangang maaga. Si Miss Cohen din ay alas-sais palang yata ay nandito na sa university. Routine niya na ang maagang pumasok. Buti na lang para hindi kami nagkakasalubong.

"Kakaiba, kumusta pala 'yung---"

BLAG!

Hindi pa man natatapos ang sinasabi ni Sunny nang---!

"What the?!"

May nakabungguan ako!

Sakto na muntikan na akong madapa kaya napakapit ako sa suot nung nakabangga ko para maibalanse ang sarili ko!

"S-Sorry po---"

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang kabuuan niya dahil sa nangyari. H-Hala! Nataranta ako bigla. N-Nahatak ko 'yung suot niyang polo kaya---kaya---natanggal ang mga butones at... n-nakikita ko 'yung suot niyang itim na brassiere! Hindi naman lahat ng butones ay natanggal, pero nakikita 'yung cleavage niya.

Napakurap ako nang matauhan at nag-angat ng tingin sa kan'ya dahil mas matangkad siya sa akin. Nagkatitigan kami sandali pero unti-unting nawala 'yung pagsasalubong ng kilay niya nang makita ako. Pamilyar din siya sa akin na parang nakita ko na noon.

Dumadami na ang tao sa paligid kaya agad niyang inayos ang suot na polo kahit na natanggal ang ilang butones no'n. Napalunok ako. Gusto ko na lang magpalamon sa lupa dahil sa kahihiyan. What have I done? Bakit ba naman kasi ang lampa!

"A-Ano... s-sorry po. I didn't mean it. M-May extra na damit po ako." Utal-utal at namamawis sa kaba na paumanhin ko.

Ang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Parang may nagkakarera sa loob ko. Nag-umpisa na rin akong pawisan. Ang maglakad pa nga lang dito sa quadrangle ay malaking hamon na sa akin, ang makakuha pa kaya ng atensyon ng maraming tao?

"Come with me." Seryosong utos niya kaya para akong nanlumo.

Sino ba siya at parang kagalang-galang naman siya dito sa school? Nakakapanlumo talaga. Anong gagawin niya sa'kin? What should I do? Parang hindi sapat ang paumanhin ko. Parang hindi rin sapat ang sinabi kong may extra akong damit na totoo naman. P-Papahiramin ko naman siya.

"Pres., hindi niya naman sinasadya." Pagpigil ni Sunny nang hawakan ako nitong babae sa braso at hilahin palapit sa kanya.

Anong pres? Magkakilala sila? Bakit hindi ko alam?

Alluring Innocence (Seven Deadly Sinners #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon