Chapter 29

16.4K 656 275
                                    

WARNING: This chapter contains VIOLENCE / BRUTALITY that is not suitable for young readers. Please proceed with caution.

READ AT YOUR OWN RISK.

_____

"RUNNING IS absolutely useless. Don't you get it?"

Nanginginig ang mga tuhod at napapa-ungol sa sakit na pinipilit pa rin ni Shan na makagapang papalayo mula sa abandonadong bahay na pinanggalingan niya. She's crying endlessly and looking helpless. Puno na ng pasa ang katawan niya at kung ano-ano na ang hiwa na natamo ng katawan niya, lalo na ang parte ng paa na halos matanggal na sa kanya.

Tumutulo ang malapot na dugo sa paanan niya na nagmumula sa mga sugat na nakabukas at nakikita ang laman. Makikita ang ilang malalalim na sugat at mga nahiwang laman sa katawan niya. Naaamoy rin ang masangsang na amoy na nagmumula sa mga dugo. Magulo ang buhok. Gutay-gutay na ang school uniform na suot niya pa hanggang ngayon at puno ng pawis at luha ang magandang mukha.

She's in an awful state. Crawling desperately to save her life from someone she don't even know.

Hindi rin siya makasigaw nang malakas dahil sa sakit ng lalamunan niya mula sa pagkakasakal ng taong gumawa ng ito sa kanya. She was beaten up by someone, and she's certain that this someone holds a grudge against her.

Ilang beses at puno ng takot na siyang nagmakaawa pero hindi ito pinapansin ng taong dumukot sa kanya. Pauwi na sana siya kanina nang biglang may dumukot sa kanya at pagkagising niya ay nandito na siya sa isang luma at abandonadong bahay.

It was a huge and creepy house. Marurupok na ang kahoy sa paligid at konti lang ang ilaw na mayroon kaya binabalot sila ng dilim. Ni hindi niya nga alam kung nasaan sila ngayon. Wala rin siyang makitang mga taong dumadaan sa paligid na mahihingian niya ng tulong.

Nakarating na siya hanggang sa gate ng nasabing bahay, pero kung kailan naman malapit na siyang makalaya ay saka naman bumalik ang taong dumukot sa kanya.

"A-Ah! P-Please!" Hiyaw niya sa sakit nang walang habas na may humila sa buhok niya na sanhi para matigil siya sa paggapang papalayo at marahas na mapatingala.

Hinihingal siya at hindi na makilala dahil sa nakakaawang kalagayan. Sigurado siyang babae ang dumukot sa kanya dahil sa boses nito at kurba ng katawan.

This someone is worse than a devil. Hindi niya lang makilala dahil nakasuot ito ng itim na mask na tumatakip sa kalahati ng mukha nito, mula sa ilong hanggang sa bibig. She's also wearing something she haven't seen before. A black coat looking like a robe with different kinds of accessories and symbols.

May dala din itong isang mahabang espada at alam na alam niya kung gaano ito katalim, lalo na sa bawat pagbaon at paghiwa nito sa laman at balat niya. She looks like a female version of death.

"I'm not yet done with you."

Simpleng pangungusap lang pero kakaibang kilabot ang dumaan sa sistema ni Shan. Tumayo ang mga balahibo niya sa takot. Lalong dumagundong ang kaba sa dibdib niya at mas lalong nanginig ang kalamnan. Ramdam niya sa bawat salita ang galit nito.

Kanina niya pa nararamdaman ang galit nito. It's not just a simple anger, but wrath. Ilang beses na rin niyang tinatanong ang sarili kung ano ang kasalanan na ginawa niya dito pero hindi naman nasasagot. Sinasaktan siya nito sa paraan na pakiramdam niya ay malaki ang galit nito sa kanya.

Sa paraan na isang tao lang ang kayang gumawa.

"A-AHH!" Napahiyaw na lang ulit siya sa sakit nang walang salita na basta siya nito kinaladkad papasok sa loob ng bahay habang hawak siya sa buhok.

Alluring Innocence (Seven Deadly Sinners #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon