Chapter 12

21.4K 885 275
                                    

UNIQUE

"K-KAYA KO naman po maglakad." Pagpupumilit ko pa rin nang makarating kami sa bahay at talagang buhat niya pa rin ako hanggang ngayon. Kanina pa talaga ako naiilang.

Naaamoy ko 'yong natural sweet scent ni Ma'am. Parang amoy vanilla. Ang bango niya talaga at ang lambot ng balat niya. Bumagay rin sa kanya ang nakikita kong suot niyang kwintas sa mahaba at makinis niyang leeg lalo na't hindi lahat ng butones sa polo niya ay nakasara.

Nakakapit pa rin ako sa batok niya at talagang hindi niya ako binibitawan o pinapansin man lang. Nakakailang na ang ganito. Kaya ko naman talaga, eh. Ni ayaw niya nga akong tapunan ng tingin simula pa kanina.

I could also feel her soft and smooth skin on mine. Her warm body that gives me the comfort, somehow. P-Pero ang bango talaga, nakaka-addict ang amoy. Amoy vanilla si Ma'am. Parang ang sarap amuyin.

"Ma'am---"

"One more word, Ms. Vander, and I'll f---f---freaking devour that lips of yours." Bakas ang gigil sa tono ng boses niya.

Parang pinipigilan niya pa ang sariling magmura. Natahimik ako at wala sa sariling napahigpit ang kapit sa suot niyang puting polo. I gulped. Hindi na ako nagtangkang magsalita. She seems to be mad. Dahil siguro sa nadagdagan ang gawain niya kaya siya nagagalit. H-Hindi ko naman kasalanang mahulog sa hagdan, ah?

M-Madulas kaya.

Tapos narinig ko na naman 'yang kiss. Kiss na naman. Puro na lang kiss naiisip ni Ma'am. Hindi ba siya nagsasawa? Naman, eh. Nakahalik na nga siya sa akin ng dalawang beses sa labi, tapos gusto niya ulit? Aba, matindi.

Napanguso ako dahil sa mga naiisip. Kung pwede lang magreklamo, ginawa ko na. Kaso wala naman akong lakas ng loob para gawin 'yon. Baka mamatay pa ako sa kahihiyan.

Nang makapasok sa loob ay dumiretso na si Ma'am sa mismong kwarto ko para doon ako dahan-dahang ibaba sa kama. Napalunok pa ako nang makaupo ako at makitang yumuko siya, sakto naman kasi na maluwag 'yung suot niyang polo k-kaya m-may ano! May nakikita!

Nag-iwas ako ng tingin nang umayos na siya ng tayo sa harapan ko. Ramdam ko rin ang pag-iinit ng magkabilang pisngi ko dahil sa hiya. Nakahinga pa ako ng maluwag nang umalis na siya. Pero galit ba siya sa akin? Hindi ko na alam---

Napalunok ako. B-Bumalik kasi ulit si Ma'am na may dalang ice pack. "Take a bath first." Utos niya pero nanatili akong nakatitig sa maganda niyang mukha. Napakurap na lang ako nang tumama ang dulo ng index finger niya sa noo ko na parang tinapik. "You want me to carry you?"

Dali-dali akong umiling. "H-Hindi na po. Kaya ko na." Nagmamadaling paalam ko at kumuha ng mga damit ko para makaligo.

Napabuntong-hininga ako. Ang lamig ng tubig dahil malamig din ang panahon, half-bath lang ang ginawa ko. Sa tingin ko nga ay mukha pang uulan. May bagyo kaya?

Nang matapos ay naabutan ko pa na si Ma'am na nakaupo sa gilid ng kama ko na mukhang hinihintay pa ako. Nagkatitigan kami pero ako na ang unang nag-iwas ng tingin at napalunok.

Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya nang makaupo rin ako sa kama na medyo malayo sa pwesto niya. "What happened here?" Seryosong tanong niya at nilagay na sa paa ko 'yung ice pack.

Nakasandal ako rito sa headboard ng kama habang siya naman ay nasa bandang paanan ko at nilalagay 'yon sa maingat na paraan.

Ramdam ko pa na bahagya niyang hinahaplos 'yon. Ang sarap sa pakiramdam no'ng malambot na kamay ni Ma'am at mainit. It eases away the cold that I'm feeling.

Alluring Innocence (Seven Deadly Sinners #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon