Chapter 10

24.2K 951 101
                                    

UNIQUE

HINDI KO NA alam kung matutuwa ba ako o hindi sa nangyari no'ng isang araw. It's.. bothering me.

Mabuti ba na maayos na ulit kami ni Ma'am? I mean, hindi na siya galit sa akin dahil sa ginawa ko, but I feel bothered. Hindi ko na talaga siya maintindihan. Ako ba talaga ang may problema o siya? Sa pisngi ko lang naman hinalikan si Elise, eh. At bakit siya lang ang pwedeng halikan? Ugh.

Napabuntong-hininga na lang ako dahil sa mga naiisip at bahagyang hinilot ang sentido ko para kumalma naman ang pakiramdam ko. Nakakapagod nang mag-isip ng sobra.

"Ano bang meron at parang malalim na naman 'yang iniisip mo?" Taas kilay na tanong ni Sunny.

Muntik ko nang makalimutan. May klase nga pala kami ngayon kay Ma'am Cohen pero mamaya pa. Kung pwede lang na 'wag umattend ay ginawa ko na pero tulad nga ng sinabi ko, bantay-sarado ako sa kanya. Walang kawala. I am trapped. Daig pa si ate kung bantayan ako. Para siyang guwardiya sibil. Daig ang 24 hours na CCTV.

"Nothing. May naalala lang." I dismissed the topic then yawned.

Hindi rin ako gaanong nakatulog kagabi kakaisip sa nangyari. Dapat ba akong matuwa o hindi? Aish! Hindi ko na talaga alam. This feels frustrating. Si Ma'am naman ang tuwang-tuwa dahil sa nangyari.

"Sigurado ka ba?" Paghihinala pa ni Sunny at tumango naman ako para hindi na siya mag-alala pa.

"Oo. Naalala ko lang kung bakit mo ako binubudol." Pagbibiro ko at agad namang nanlaki ang mga mata niya.

"Grabe ka sa'kin, Kakaiba! Hindi ako nambudol!" Pagkontra niya na akala mo ay may kaaway kaya tumango na lang ako kahit na hindi ako sang-ayon. Gusto niya 'yan eh.

But seriously, what happened still hunts me.

_____

"B-BAKIT KA po galit, Ma'am?" Lakas loob na tanong ko ulit kay Ma'am na hindi na ako pinansin.

Napanguso na lang ako. Dumiretso na siya sa counter kaya sumunod ako sa kanya. She seems to be mad. As in! 'Yung tipo na hindi mo na kailangan pang tanungin---katulad ng ginagawa ko---dahil nararamdaman ko na ang galit niya. Something was off about her mood.

I heaved a deep sigh. Grabe talaga. Ano naman kung humalik ako sa iba? Sa pisngi lang naman 'yon at saka wala namang nakakagalit sa ginawa ko. Hindi ko rin talaga siya maintindihan. Hindi naman kami magkapatid at mas lalong walang malisya ang ginawa ko. Nakakainis.

Hanggang sa natapos kaming mamili ay tahimik siya. Pinaparamdam niya talaga sa akin na mali ang nangyaring halik sa pisngi. She's making me feel guilty and I don't know why. Kinakain talaga ako ng guilt ngayon at kay Ma'am lang ako na-bother ng ganito.

Siguro dahil na rin sa mga tingin niya na nag-aakusa sa akin. O sa mga buntong-hininga niya na naririnig ko, pwede rin na sa mabibigat niyang hakbang. Basta, ramdam ko talaga na naiinis o galit siya.

Hanggang sa nakapasok kami sa loob ng kotse niya ay gano'n pa rin. Tahimik lang siyang nagd-drive at diretso sa daan ang tingin. Para akong hangin lang dito sa gilid. Dati naman nang tahimik si Ma'am, pero ngayon ay dumoble lalo.

Alluring Innocence (Seven Deadly Sinners #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon