Chapter 20

22.1K 860 207
                                    

UNIQUE

I FELT DRAINED.

It's been a week since I met my parents and up until now, I can't forget their freaking announcement. But, how can I do that? It's hunting me even in my sleep.

Binaon ko ang mukha ko sa malambot na unan habang nakadapa dito sa kama. I groaned in helplessness. Naalala ko bigla na hindi pala ako sa bahay nakatira. Nandito ako sa bahay nila Sunny nakikitira sa nakalipas na linggo.

Masama ang loob ko, pero hindi ko alam kung kanino. Siguro sa kanilang lahat. Kay ate na hindi sa akin sinabi 'yung announcement, samantalang alam naman niya. Kay mom and dad na wala man lang pinagbago. They're still cruel in their own way. They can still see me as a disappointment in our family. Kay Ma'am Cohen naman? Hindi ko alam sa kanya. Ayoko nang maalala pa 'yung bigla niyang sinabi sa harap nilang lahat.

The thing is, hindi nila sinabi kung para saan ang kasal. Ang sinabi lang ni Mr. Villamor ay para sa ikabubuti namin pareho dahil kailangan ko ang anak niya. Sa paanong paraan? Marami akong tanong sa isip ko na sila lang ang makakasagot, pero ayoko pang magpakita sa kanila.

They're not even bothering to look for me. Tsh. Sigurado ay alam nila kung nasaan ako dahil wala din naman akong ibang mapupuntahan bukod kay Sunny. Nakaka-drain lalo ng energy kahit na wala naman akong ginagawa. I feel tired and exhausted for some reason.

"Unique can't marry someone she doesn't love. She has all the rights to refuse. She's not a kid anymore. You can't always dictate your child, sir."

I groaned in annoyance then buried my face on the pillow even more. Ma'am Cohen defended me from my parents but in the end, sila ang nagkaroon ng misunderstanding ni ate Avery, nang matapos ang dinner.

My sister—I mean, my cousin, wants me to marry the SC president. Hindi ko lang alam kung bakit gusto niya rin, at ang sinasabi niya lang ay para daw sa ikabubuti ko. Paanong naging mabuti 'yon? At bakit kasal agad? I'm just nineteen!

"Unique has her own will, and if you'll just be able to see it, you'll see how amazing your daughter is."

Natawa na lang ako ng pagak at dahan-dahang bumangon at naupo na lang sa malambot na kama. Napasuklay ako sa buhok gamit ang mga daliri ko at tumingala sa malinis at malawak na puting kisame.

I admit, I'm missing Ma'am Cohen. Ilang araw ko na siyang hindi nakikita at ang balita ko ay nakatira na ulit siya sa bahay niya na medyo malayo sa bahay ni ate. Ayoko rin namang bumalik sa mansyon namin. I can't feel that I'm welcome over there. Sila mom and dad lang naman ang nandoon.

But, maybe, I should really do something to get an answer. Even if it means by force.

Dali-dali akong tumayo mula sa pagkakaupo sa kama at nagbihis ng pang-alis. A simple white t-shirt and black pants. This will do, gabi na rin naman kaya hindi na mapapansin ang suot ko.

"Sunny?" Pagtawag ko sa kanya habang bumababa ng hagdan. Ramdam ko ang lamig ng paligid pero hindi ko ininda.

"Ano 'yon?" Bungad niya sa akin nang makarating ako sa living area at naabutan siyang nanonood.

Inabot niya ang remote ng TV at ni-pause ang pinapanood para sa akin ibaling ang atensyon niya. Tumaas ang mga kilay niya nang makita ang kabuuan ko at hinagod pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa kaya napahinga ako ng malalim. Nagulat na naman siya dahil sa nakikita. Nakataas ang isang kilay at naghihinalang nakatitig sa akin.

Alluring Innocence (Seven Deadly Sinners #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon