Chapter 7

23.8K 1K 120
                                    

UNIQUE

"I DON'T F*CKING care who did it, but do as I say. Are you that stupid that you cannot comprehend a simple command?"

"Parixi---"

"Don't f*cking call me with my name."

"Calm do---"

"I'll behead you."

Naalimpungatan ako nang makarinig ng ingay sa paligid na parang may mag-uusap. Pamilyar din ang boses pero nanatili akong nakapikit. Ramdam ko ang pagkirot ng bandang noo ko pero hindi na nahihilo ang pakiramdam ko tulad kanina.

I groaned in pain as I tried to open my eyes, pero agad din akong napapikit nang masilaw sa liwanag na nagmumula sa bumbilya. Mariin kong pinikit ang mga mata ko. Narinig ko rin ang pagbukas at sara ng pinto na parang may lumabas.

Malamig ang paligid pero napalunok na lang ako nang mapagtanto kung kanino nanggaling ang galit na boses na 'yon. B-Bakit siya nandito?

Inangat ko ang kanang kamay ko para hawakan ang ulo ko at may nakapa akong gauze sa parte ng noo ko. Mahapdi rin kaya hindi ko na ginalaw pa. What happened? Hindi ba't naglalakad lang naman kami kanina ni Sunny?

"How do you feel?"

Unti-unti akong nagmulat ng mga mata at hinayaan ang paningin ko na masanay sa liwanag. Nang luminaw na ang paningin ko ay nakita ko ang magkasalubong na kilay ni Ma'am Cohen pero bakas na bakas ang pag-aalala sa mga mata niya.

"M-Miss---" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang muling kumirot ang noo ko kaya napadaing ako sa sakit.

"Hush, honey. Don't force yourself." Masuyong bulong ni Maiss at naramdaman ko na lang ang mainit niyang palad sa pisngi ko at hinahaplos 'yon sa paraan na pinapakalma ako.

Napatitig ako kay Miss na malambing ang boses habang pinapatahan ako mula sa sakit. Her expression suddenly became gentle and soft, as though being careful to not scare me. She don't feel to be intimidating right now, rather, it feels safe.

Patuloy siya sa paghaplos sa pisngi ko at namalayan ko na lang ang sarili kong kumakalma kahit na magkalapit kami, hindi tulad noon. Ngayon ay nag-iba ang reaksyon ng katawan ko dahil sa pinapakita niya. Surprisingly, my body is not rejecting her vicious presence.

Napakurap ulit ako at nilinga ang paningin sa paligid. Ngayon ay nasa clinic kami. S-Sandali, ano bang nangyari at nandito ako? Hindi ba't naglalakad lang talaga kami kanina ni Sunny? Anong nangyari?

"You were hit by a baseball." Sagot ni Miss kahit wala pa akong tinatanong habang nakaupo sa gilid ko. "How do you feel?" She asked with such a sweet tone, like a soft gentle wind trying to embrace me in its warm solace.

Kalmado rin ang itsura niya ngayon kahit na bakas ang pag-aalala. Ang amo ng itsura ni Miss kaya nakakapanibago pero ang ganda niyang tignan.

"M-Maayos---m-masakit po pala." Agad na pagbawi ko nang makitang tumalim ang mga titig niya sa akin sa isang iglap.

Gusto kong ngumiwi pero paano ko gagawin 'yon kung gan'yan ang mga titig na binibigay niya sa akin? Hindi ko maintindihan ang mood ni Miss. Parang kanina lang ay maayos, tapos ngayon ay matalim na.

"A-Anong oras... na po?" Alanganin na tanong ko kaya napatingin siya sa wrist watch niyang mamahalin na sa tingin pa lang.

"Six-thirty in the evening." Parang walang gana niyang tugon kaya nanlaki ang mga mata ko at bumangon---! "What do you think you're doing?!" Napaigtad pa ako nang magtaas siya ng boses kaya napasandal ako sa pader sa likod ng higaan.

Alluring Innocence (Seven Deadly Sinners #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon