Chapter 25

20K 656 123
                                    

UNIQUE

"NOPE, YOU will join."

Napasimangot na lang ako dahil sa narinig mula kay Ma'am Cohen. Mukha pa siyang natutuwa habang nakatitig sa akin at talaga namang nakakaasar ang ngisi sa mga labi niya. Kumikislap din ng kasiyahan ang mga mata niya na parang inaasar ako dahil wala akong magawa.

"Ma'am, ayoko nga kasi." Ungot ko at pakiramdam ko ay konti na lang ay magta-tantrums na ako. Kainis.

Nasa loob na kami ng opisina niya matapos niya akong sunduin sa SC office. Kanina pa ako kumokontra na ayoko nga sumali, pero ayaw niyang pumayag na parang inaasar pa ako. Wala na ba akong karapatan na tumanggi? Kainis naman. Pakiramdam ko ay dina-daya ako ni Ma'am.

"Ma'am naman, eh. Bakit ba bawal akong tumanggi? What should I do?" Nanlulumong tanong ko at napanguso nang tumaas ang mga kilay niya sa masungit na paraan.

"Kiss me." Tinaas-taas niya pa ang dalawang kilay habang mapungay ang mga mata na nakatitig sa akin.

I groaned in annoyance and stared at her. Mukha pa siyang nagpipigil ng tawa kaya mas lalo akong naaasar. Seryoso ang mukha niya pero nakikita ko sa mga mata niya na parang gusto na niyang matawa dahil sa reaksyon ko. Wala namang nakakatawa, eh.

"Just kidding." Pagbawi niya at tinaas pa ang dalawang kamay na parang sumusuko na. "You're cute."

"Hindi nakakatuwa, Ma'am Cohen." Pagdidiin ko sa apilyedo niya kaya natatawang tumango siya sa akin at umayos na nang pagkakaupo sa swivel chair niya.

"I want to squeeze you." She whispered in a low tone but I still heard it given our distance.

Napalabi na lang ako dahil sa narinig. Hindi ko alam kung matutuwa ako na nakikita ko ang ganitong side ni Ma'am, o maaasar dahil mukha talaga siyang nang-aasar.

"Gusto rin kita sakalin." Mahinang bulong ko at nag-iwas ng tingin. Ayaw ko talagang sumali.

"Oh, really, Ms. Vander?"

Eh?

Agad na nagbaling ulit ako sa kanya ng tingin at nakitang seryoso siyang nakatitig sa akin. Ang kaninang ngisi niya sa labi ay biglang nawala at napalitan ng pagka-seryoso ang aura niya. Nabalot ng katahimikan ang buong silid kaya napalunok ako dahil parang biglang nanuyo ang lalamunan ko. She's staring intently at me, as if those stares were piercing through my soul.

N-Narinig niya ba?

Mukhang hindi ko na kailangan na sagutin ang tanong na 'yon dahil mga titig niya pa lang ay sinasabi nang narinig niya nga ako. I gulped again. Wrong move, Unique. Seryoso na siya at bakas sa mukha na hindi nagustuhan ang narinig. Bakit ba ang bilis magbago ng mood niya? Siya 'tong nang-aasar, eh.

"S-Sorry po." Paumanhin ko at napakamot na lang sa pisngi dahil sa hiyang nararamdaman.

"I'm not mad." She reassured me, her expression suddenly became gentle. "Well, as if you can hurt me."

Ako naman ang napaisip dahil sa sinabi ni ma'am at bahagya na lang akong umiling. She's wrong in that part where I can't hurt her.

"I can always hurt you," I started that raised both of her eyebrows. "But, I won't."

Parehas kaming naiwan na tahimik dito sa loob ng opisina niya. Pakiramdam ko tuloy ay may dumaang anghel sa sobrang tahimik at saglit pa kaming nagkatitigan bago siya na ang naunang mag-iwas ng tingin. Naningkit pa ang mga mata ko nang makitang... parang namumula ang magkabilang pisngi niya. Wow, she looks stunning as ever. Nagb-blush ba siya?

Alluring Innocence (Seven Deadly Sinners #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon