Chapter 24

20.1K 723 200
                                    

"MY LORD?" Henry asked with respect as he bowed his head to greet Mr. Vander, the man he's been loyal to, since then.

"My daughter..." Mr. Vander whispered gently with his deep voice while remembering his daughter's expression the last time they talked with each other.

Hindi na muling nagkausap pa si Unique at kanyang ama matapos ang usapan nila tungkol sa hindi matutuloy na kasal ni Unique. Alam nila na hindi ito papayag kaya nag-isip na lang sila ng ibang kapalit para sa anak.

Tahimik lang ang anak niya lagi at iniiwasan na kausapin ang ama. Para lang hangin na dumadaan ito sa paningin niya. Maging ang pagbati ay hindi na magawa ni Unique dahil sa sinabi ng kanyang ama. Hindi niya talaga nagustuhan ang sinabi nito.

Prenteng nakaupo sa swivel chair si Mr. Vander at nilalaro sa kanang kamay ang wine glass na kanina niya pa iniinom. Naka-dekwatro siya at iniisip ang ekspresyon na pinakita ng kanyang bunsong anak. Nababalot din ng kadiliman ang buong silid at tanging liwanag lang na nagmumula sa buwan sa labas ng bintana ang nagbibigay sa kanila ng ilaw.

Unique looks like his father. Parang nakita ni Mr. Vander ang sarili niya nang ipakita ni Unique ang ekspresyon nito nang magalit sa kanya dahil sa binanta niya. He saw her daughter's rage, and the devil inside her eyes. And, he admits, that he didn't expect to see that for the first time, while looking at him.

It's as if he finally had an eye contact with the devil that he didn't expect. Her eyes burning with rage, ready to destroy anyone in its way. In a moment, he feared his daughter.

He knows his daughter to be obedient all the time. Wala siyang utos noon na hindi nito sinusunod, pero nang magkausap sila ay kita niya ang determinasyon sa mga mata nito na sumuway sa kanya. His daughter has changed a lot.

Napahinga nang malalim si Mr. Vander at bahagyang natawa nang maalala ang dahilan kung bakit siya binantaan ng sariling anak. Kita sa mga mata niya na natutuwa siya kapag naaalala ang nangyari, maging ang ngiti niya ay hindi pilit. He looks proud, to be Unique's father. Unique became mad and threatened him because of a woman, who happened to be his daughter's professor.

He didn't expect that. But, he realized that his daughter has grown. It's been years since they last saw each other and he can say that, his daughter is learning. She's growing and that's what matters to him.

"Papatayin kita, dad."

Hanggang ngayon ay naaalala niya pa rin ang linya na 'yon nang magalit ito. He knows that he has never been a good father to his child, but, he was still surprised that she could say that to him.

He chuckled again at amusement while remembering what his daughter did to his butler, Henry. A woman can make her crazy and hurt other people. They are indeed a father and a daughter. There's no doubt about it. It runs in their blood.

"Are you just weak, or my daughter is just too strong that even you, can't handle?" May himig ng pang-aasar sa tono na tanong nito kay Henry habang nilalaro ang wine glass.

Nag-iwas ng tingin si Henry dahil sa pagkapahiya nang maalala ang nangyari at sinapit niya sa anak nito. Naging mailap ang mga mata niya at hindi makatingin ng diretso kay Mr. Vander na natawa na lang dahil sa naging reaksyon nito. He felt amused towards his daughter.

Naalala pa rin ni Henry kung gaano kasakit ang ginawa sa kanya ni Unique, na nag-iwan ng malaking pasa sa sikmura niya. Henry has never fought Unique for real, he only heard the rumors about how painful it is to be hit by her, and he didn't expect that the day will come and he'll experience that.

Inakala pa man niya na hindi na tulad ng dati ang mga galaw nito, ngunit nagkamali siya. She's fast and strong. He also remembered that Unique isn't respected for nothing.

Alluring Innocence (Seven Deadly Sinners #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon