Chapter 3

26.1K 1.1K 674
                                    

UNIQUE

THIS IS driving me insane.

'Yung babaeng humalik sa akin sa bar ay professor pala namin. At ang mas masama pa ay best friend ni ate na titira ngayon sa bahay namin para raw mas malapit sa university. Seryoso bang titira siya sa bahay? Ang balita ko ay mayaman, billionare nga, kaya bakit makikitira? This is insane.

Ang sarap umiyak dahil sa naiisip ko. I suddenly felt frustrated at the restless thoughts of those. Gabi na at nandito ako sa kwarto ko nagkukulong para hindi siya makita. Hindi ko matanggap 'yung mga pangyayari kanina.

Kanina lang nung ipakilala siya sa akin ni ate at dito nga siya titira. What should I do? Bakit ba kasi dito siya titira? Ang sabi ay para daw malapit sa school pero parang hindi naman totoo. Pakiramdam ko tuloy ay wala akong takas sa kan'ya.

Pamilya ni professor ang may ari nung university na pinapasukan ko ngayon. Hindi ba dapat ay may sarili siyang room doon? Pero bakit nandito?

S-Sinusundan ako?

Hindi naman siguro. Ang creepy kaya kapag gano'n lalo na't hindi naman kami magkakilala. Sa pagkakaalam ko naman ay wala akong atraso sa kan'ya kaya bakit? Baka dahil tinakasan ko siya nung nasa bar kami?

K-Kasalanan niya kaya 'yon! Bakit siya basta-basta manghahalik, 'di ba? Tapos professor pa siya. It should be done with consent. Hindi siya pwedeng basta manghalik dahil lang gusto niya.

"Heaven, dinner's ready!" Rinig kong pagtawag sa akin ni ate mula sa baba.

Napabuntong-hininga ako at dahan-dahang bumangon mula sa pagkakahiga. Inayos ko rin ang favorite na unan ko at sinuot ang salamin na nasa bedside table.

Bumaba na ako at habang bumaba ako sa hagdan ay ramdam ko ang kaba na unti-unting kumakain sa buong pagkatao ko. Parang gusto ko na lang na magstay sa loob ng kwarto at 'wag nang lumabas pa. Pero, nagugutom naman ako.

"Come here." Masayang pag-aaya ni ate na nakaupo sa kabisera kaya naupo ako sa gilid niya, sa tapat mismo ni Miss Cohen at ramdam ko na naman ang mga titig niya sa akin, pero hindi ako nag-abalang salubungin ang mga titig niya.

Si ate na mismo ang nagsandok sa akin at nanonood lang ako sa kanila. Ang bango nung niluto at bigla akong nakaramdam ng gutom. Beef steak.

Nag-umpisa na kaming kumain pero tahimik lang ako para mag-ingat. Ayokong magsalita dahil kinakabahan ako. Makasama ko ba naman 'yung professor ko sa harap ng pagkainan at iisang bahay? Just how awkward is that? Pero, parang siya ay normal lang, eh. Ako lang ba talaga ang apektado? Kasama ko na nga siya sa university, pati ba naman sa bahay?

Pakiramdam ko din ay pinapanood niya ang bawat galaw ko kaya medyo nanginginig ang mga kamay ko dahil sa kaba.

Nagk-kwentuhan sila ni ate tungkol sa business at kung ano-ano na hindi ko maintindihan. Sa mga naririnig ko naman ay ang talino niya. Marami siyang alam na mga bagay-bagay na pinapaliwanag niyang mabuti. At, naaamoy ko rin ang natural scent niya kahit na katapat ko siya. Ang bango, idagdag pa na ang ganda ni Ms. Cohen.

"Anyway, how's your day, Heaven?" Baling sa akin ni ate nang matapos niyang kausapin si Miss at ramdam ko na naman ang mga titig sa akin niya. Para akong nasa hot seat.

"O-Okay naman po. Uh... magkaklase kami ni Sunny." Kwento ko kaya napatango siya.

"Hmm. Si Ms. Lazaro? You're her greatest fear, Avery." Rinig kong kwento naman ni Miss kaya tinignan ko si ate na natatawa.

"Marami kasing kalokohan 'yon at minsan ay nadadamay 'tong si Heaven. Anyway, if Sunny is your student, and Heaven is in the same class as her, then...?" Taas kilay na tanong ni ate kaya ngumisi at tumango naman si Miss. She looks proud and confident with that devilish smirk of hers.

Alluring Innocence (Seven Deadly Sinners #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon