Chapter 36

16.3K 644 191
                                    

UNIQUE

"P-PROFESSOR, PWEDE bang mag-CR muna?"

Alanganing tanong ko dahil nakita nakita kong ang daming kulay pulang ink sa kamay ko! Kainis. Hindi ko alam kung saan ko nakuha, sa may hagdan yata nung bumaba kami at ngayon ko lang napansin!

Nakakainis. Kulay pula pa ang tinta, base na rin sa amoy. Nandito pa naman kami sa opening remarks ng contest at ilang minuto na lang ay mag-uumpisa na ang contest. Patapos na kasing magsalita ang Dean.

Sino naman kasing nagtapon no'n? Hindi nag-iingat. Nakakaasar. Baka ma-late pa ako nito nang dahil sa ink. Buti nga at hindi na kumalat pa.

We're sitting on a bench here in the gym of this university. Katabi ni Parixia ang ibang mga professor na coach din ng ilan. Apat kaming participants mula sa university namin at lahat sila ay nakaayos na.

"You want me to accompany you?" Alok niya pero umiling lang ako at tumayo na.

Napatingin din siya sa kanang kamay ko na may ink. Buti na lang at hindi na basa dahil baka mas kumalat pa lalo. Para tuloy akong may nahawakan na dugo dahil dito.

"Kaya ko na."

"Sure?" She asked and I nodded my head as an answer. "Be sure to be back. Malapit na mag-start. Take care." Bilin niya at tumango na lang ulit ako. Mukha ring abala 'yung mga kasama ko na nasa gilid niya.

Nagmamadali akong tumakbo palabas ng gym, wala rin naman akong ibang nakakasalubong. Buti na lang at may napagtanungan ako kung nasaan ang mga CR nila dito, para hindi na ako mahirapan na maghanap pa.

Marami ang mga estudyante na naglalakad pa sa paligid. Kahit may event kasi ay may pasok pa rin sila, pero hindi naman nakakaabala. Hindi rin gano'n kaganda ang panahon dahil makulimlim na mukha pang uulan. Good thing that we're staying in a hotel.

Malawak ang university at matataas din ang mga building, pero kung ikukumpara sa Harmonia University ay higit na mas malaki ang pag-aari nila Parixia.

Pumasok na ako sa isang CR at agad na nagpunta sa sink para maghugas ng kamay. Inayos ko rin ang salamin ko na nahuhulog pababa. Napansin ko rin na mag-isa lang pala ako dito.

Habang naghuhugas ay tunog lang ng pag-agos ng tubig ang naririnig ko, pero sukat doon ay nakarinig ako ng mahinang tawanan na nagmumula sa labas papalapit dito.

Hindi ko na lang pinansin at tinuloy na ang pagsasabon sa kamay ko. Mukhang mahihirapan pa yata akong tanggalin dahil sakop mismo sa palad ko. Ang hirap din tanggalin!

Wala sa sariling napatingin ako sa wrist watch at nanlaki ang mga mata nang makitang halos sampung minuto na lang bago mag-umpisa!

Kinakabahan at nagmamadaling kinuskos ko ang kamay at hinugasan. I feel pressured. Ugh! Siguradong hinahanap na rin ako ni Parixia. Salubong na naman ang kilay no'n. Ilang minuto pa lang kasi akong nawawala sa paningin niya, hinahanap na ako agad. But, that's not it! Hindi ako pwedeng ma-late dahil madi-disqualified ako.

"Bilisan mo nga, mag-uumpisa na. Papagalitan na tayo!"

Nanahimik na lang ako sa isang gilid habang naghuhugas ng kamay nang biglang pumasok dito sa loob 'yung mga naririnig kong maingay mula sa labas. Ang aga-aga, ang ingay na agad. Dinaig pa 'yung speaker.

Alluring Innocence (Seven Deadly Sinners #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon