Chapter 1

58 6 0
                                    

Chanyeol POV:
"Sa mansion kami nakatira malapit sa gubat ng bunso kong kapatid na si Baekhyun at ako naman si Chanyeol ang panganay samin magkapatid, dalawa lang kaming magkapatid, at maaga kaming naulila, dahil maagang namatay ang aming mga magulang, kaya mas lalong naging mahigpit samin ang reyna at hari ng mga bampira, ayaw nila kaming palabasin at ayaw nila na makipag halubilo kami sa mga tao, ngunit dahil matigas ang ulo namin sinuway namin ang kanilang ipinag uutos, eh sa mas gusto namin makipaghalubilo sa mga tao eh, lalo na nung simulang nakilala namin ang dalawang babae na nagpatibok ng aming mga puso.

Baekhyun POV:
"Ala singko ng hapon naglalakad lakad ako sa may gubat, at habang naglalakad lakad ako sa may gubat napapansin at nararamdaman ko na parang may sumusunod sa akin, kaya tumakbo ako ng mabilis, hanggang sa may nakabangga akong babae, sisigaw na sana siya pero tinakpan ko ang bibig niya at inilayo ko siya kung saan kami nagkabangga, at ng ma ilayo ko na siya tinignan ko muna kung wala na yung mga humahabol sakin at saka ko na siya binitawan, at iniwan, paalis na sana ako ng bigla niya akong pinigilan at kinausap.

"Sandali lang, sambit ng babae sa akin.

"Bakit? ,Tanung ko sa kanya.

"Sino ka? Bakit parang ngayong lang kita nakita dito?, sunod sunod na tanung niya.

"Wag mo ng alamin kung sino ako, kailangan ko na umalis at baka madamay at mapahamak ka  pa, sambit ko sa kanya, at tumakbo na ako ng mabilis.

"Nang maka alis na ako ay agad akong umuwi dahil alam kong kanina pa ako hinahanap ng reyna at hari, pag uwi ko sa mansion sinalubong ako ng kuya ko na si kuya Chanyeol.

"Oh baekhyun saan ka galing?, kanina ka pa hinahanap ng reyna at hari, pinahanap ka na nga nila sa ibang mga bampira eh, sambit ni kuya Chanyeol.

"Naglakad lakad lang ako sa labas kuya, sinasabi ko na nga ba may mga bampira na humahabol sakin kanina, sambit ko.

Magsasalita na sana si kuya ng biglang dumating ang reyna at hari.

"Oh Baekhyun nakauwi ka na pala, kailangan pa pala kita ipahanap sa mga ibang bampira dito bago ka umuwi, galit na sambit ng reyna.

"Pasensya na po mahal na reyna, naglalakad lakad lang po ako sa gubat, sambit ko.

"Naglalakad lakad! Mana ka talaga sa tatay mo, wala ng ibang ginawa kundi ang maglakad lakad sa gubat, hanggang sa may nakilala siyang babae at inibig niya at sa kanilang pag iibigan ay sinuway ng tatay niyo ang batas nating mga bampira na hindi pwedeng umibig sa hindi natin kalahi, galit na sambit nito.

"Pero mahal na reyna hindi naman po masama ang umibig sa mortal, sabat na sambit ni kuya Chanyeol.

"Anong hindi masama, nahihibang na ba kayo, pag umibig kayo sa isang mortal, mapapahamak tayong lahat dito lalo na pag nalaman nila ang tunay niyong pagkatao, galit na sambit ng reyna.

"Ngunit reyna.. Hindi na tuloy ni kuya Chanyeol ang kanyang sasabihin, dahil biglang nagalit ang reyna.

"Kung ano man ang sasabihin mo wag mo nang ituloy, wala akong panahon paki pag usap sa inyo ng mga wala namang kwentang usapan, galit na galit na sambit ng reyna.

"Mas mabuti pa, maghanda na lang kayo at ng makakain na tayo, iinom kayo ng dugo sa ayaw at sa gusto niyo!! sambit pa ng reyna.

At tsaka umalis na ito, at ng maka alis na ang reyna ay nag usap naman kami ni kuya Chanyeol

"Kuya Chanyeol, may sasabihin ako sayo, sambit ko kay kuya.

"Ano naman yung sasabihin mo? Tanung ni kuya.

"Kuya alam mo ba may nakabangga akong babae kanina, sambit ko kay kuya.

"Talaga saan mo naman siya nakabangga, sambit ni kuya.

"Dyan sa gubat kuya, napakaganda niya kuya, hay sayang di ko natanung ang pangalan niya, sambit ko.

"Talaga... teka nga ang hina mo naman eh, bakit naman di mo tinanung ang pangalan niya, sambit ni kuya.

"Eh kasi naman kuya nagmamadali ako kanina, kasi diba sabi ko sayo may mga humahabol sakin kanina, baka mapahamak pa yung babae kaya umalis ako agad, sambit ko.

"Sabagay tama ka naman dyan, tama na rin yung umalis ka agad kaysa mapahamak pa yung babae, sambit ni kuya.

"Ang totoo nyan kuya, siya pa itong nagtanung sakin kung sino daw ako, kaso di ko na siya sinagot pa at umalis na lang ako agad, sambit ko.

"Hayaan mo malay naman natin magkita kayo ulit diba, sambit ni kuya.

"Sana nga kuya, gusto ko siya ulit makita, sambit ko.

"Mabuti pa halika ka na, at baka mapagalitan na naman tayo ng reyna, sambit ni kuya.

tumango na lang ako at sumunod kay kuya.

Pumunta kami sa may hapagkainan at doon ay nakita namin ang mga kalahi naming mga bampira na umiinom ng dugo, samantala kaming dalawa ni kuya ay parang nasusuka habang tinitignan namin ang mga kalahi naming bampira na umiinom ng dugo na para bang ginagawa pa nila itong alak, sa ganun sitwasyon namin ni kuya para bang di kami mga bampira o baka nasanay lang kami sa mga pagkain ng mga mortal o tao kaya siguro ganun na lang ang naging reaksyon namin sa mga kalahi naming bampira, kaya ang ginawa namin sa halip na makisama kami sa kanila na uminom ng dugo pumunta na lang kami sa kwarto namin at natulog.

Cherry POV:
"Ako nga pala si Cherry nagtatrabaho ako sa isang restaurant, isa akong waitress.
At ang pinsan ko naman na si Candy ay nagtatrabaho din sa restaurant kung saan ako nagtatrabaho, pareho kaming waitress, kami na lang pala ni Candy ang magkasama sa buhay, kasi maagang namatay ang mga magulang namin kaya nagpursige kami pareho na makapagtapos ng pag aaral at makakuha ng magandang trabaho kaso sa hirap ng buhay at dahil sa naulila na kami agad hindi namin natapos ang Collage hanggang 1st year Collage lang natapos namin.

Mag gagabi na ng umuwi si Candy , nauna kasi ako sa kanya umuwi bihira lang kami magsabay pa uwi dahil minsan 2nd shift ako sa restaurant at 3rd Shift siya kaya kung minsan nauuna na ako sa kanya umuwi, minsan naman siya ang nauuna sakin umuwi kasi minsan nagkakapalitan kami ng shift minsan nasa 2nd shift siya sa restaurant at ako naman ay 3rd shift.

The Vampires(Chanbaek)(Completed✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon