Chapter 13

2 2 0
                                    

"Pagkatapos po anong nangyari? Tanung nila Chanyeol at baekhyun.

"Nang makapagtago na sila doon, lumabas ulit ang mga papa niyo para makipaglaban sa mga itim bampira, natalo nila ulit ang ilan sa mga bampirang nakasunod sa kanila, pero pagbalik nila sa bahay nila candy ay wala ng buhay ang mga mama niyo, sambit ni Kuya Chen.

"Po? Paano po namatay? Tanung namin ni Candy.

"Dahil sinipsip na ng mga itim na bampira ang mga dugo ng mga mama niyo, hanggang sa pag aakala ng mga papa niyo na kinuha kayong apat ng mga itim na bampira pero ang totoo ay itinago kayo ng mga mama niyo sa kusina nun kaya sobrang saya ng mga  papa niyo ng makita kayong buhay, hanggang sa naisipan ng papa niyo na dalhin na lang kayo sa mansion para mas ligtas kayo, habang naglalakad sila papunta sa mansion nakasalubong namin sila, kaya inutusan kami ng papa niyo na dalhin kayo sa mansion ng madala namin kayo sa mansion ay nagpasya kaming balikan ang mga papa niyo pero pagbalik namin, nag aagaw buhay na ang mga papa niyo cherry at candy samantala ang papa niyo Chanyeol at Baekhyun ay naging abo na, mahabang kwento naman ni Kuya D.O.

At napaluha kami ni Candy sa kwento nila Kuya Chen at Kuya D.O.

"Sandali bakit nakikipaglaban din sa mga itim na bampira ang mga papa nila Cherry at Candy?tanung ni Chanyeol.

"Dahil ang Papa ni Cherry at Papa ni Candy ay mga slayers, mga magagaling silang slayers kinikilala silang mga bayani nung nabubuhay pa sila dahil sa galing nilang makipaglaban at pumatay ng mga masasamang bampira, nagkataon lang na nakaharap nila ang dating hari ng mga itim na bampira kaya sila namatay, sambit ni Kuya D.O.

"Po? mga Slayers ang mga papa namin? Sambit ko habang tumutulo parin ang luha ko.

"Oo Cherry mga slayers ang mga papa niyo, ang totoo nga niyan bago sila tuluyang namatay may ibinilin sila sa amin, sambit ni Kuya D.O.

"Ano po yun? Tanung ko.

"Gusto ng mga papa niyo na paglaki niyo ay matuto kayong lumaban sa mga itim na bampira, maging mas magaling na mga slayers, kaya binilin nila samin na kami na ang bahalang magturo sa inyo kung paano niyo gagamitin ang mga armas na pinanglalaban nila sa mga masasamang bampira, sambit ni Kuya Chen.

"Kung ayos lang sainyo na matutong makipaglaban sa mga masasamang bampira at matutong gamitin ang mga armas na pinanglalaban sa mga masasamang bampira, magsabi lang kayo samin dahil handa namin kayong turuan, sambit nila kuya D.O.

"Pag iisipan po namin Kuya D.O at Kuya Chen, sambit namin ni Candy.

"Sige Cherry, Candy take your time pag isipan niyong mabuti yan, sambit nila kuya D.O at kuya Chen.

"Sige po, ahm mabuti pa candy magluto ka na ng makakain natin, sambit ko.

"Sige ate, sambit ni Candy.

"Teka lang kami na ang magluluto para sainyo, namiss kasi namin kayong paglutuan eh, sambit nila Kuya D.O at Kuya Chen.

"Ah sige po hehehe, nasa ref lang po ang mga lulutuin pili na lang po kayo dun kung anong gusto niyong lutuin, sambit ko.

At saka tumango na lang sila Kuya D.O at Kuya Chen at saka pumunta na sila sa kusina para magluto.

Samantala habang nagluluto sila Kuya D.O ay nagbukas naman ako ng TV, pagbukas ko ay nabalita na naman sa TV ang tungkol sa mga napatay ng mga itim na bampira, habang nanonood ako narinig ni Candy ang balita kaya lumapit siya sakin at nanonood din kasama ko, habang nanonood kami ni Candy ay tumabi naman samin sila Chanyeol at Baekhyun para manood din.

After few hours ay natapos ng magluto sila Kuya D.O habang hinahain nila kuya D.O sa lamesa ang mga pagkain namin ay napansin nila na masyadong dikit sila Chanyeol at Baekhyun samin habang nanonood ng tv at nakalagay pa sa sofa malapit sa likod namin ang mga kamay nila.

"Ehemm.. Ehemm.. Yeol, Baek hindi naman ata kayo masyadong dikit dyan sa mga kapatid namin ano, nanonood lang kayo ng TV dyan grabe naman kung makadikit kayo sa mga kapatid namin, baka gusto niyong umisod malawak naman ang sofa, sambit ni Kuya D.O.

"Kaya nga naman, di ba kayo makapanood ng tv ng di dumidikit masyado sa mga kapatid namin, sambit ni kuya Chen.

"Ito talagang sila kuya D.O at kuya Chen panira, bulong ni Chanyeol.

"Hay patay tayo dyan napaka strict pala nila kuya grabe ah, bulong ni baekyun.

"Oh mga kuya tapos na pala kayo magluto, tulungan na namin kayo dyan maghain, sambit namin ni Candy.

At saka tinulungan na nga namin sila Kuya D.O na maghain.

Maya maya ay nakapaghain na kami, pero bago kami kumain ay pinaghanda mo namin sila kuya D.O ng makakain nila.

"Ah sandali lang kuya D.O, Kuya Chen ipaghahanda lang namin kayo ng makakain niyo, actually may binili nga pala kami na pwede niyong kainin alam kasi namin na hindi kayo pwedeng kumain ng mga pagkain ng tulad samin, actually pagminsan pinapakain din namin tong sila baek at yeol ng fresh meat, sambit ko.

"Ah sige, buti na lang napapakain niyo yang sila Chanyeol at Baekhyun ng fresh meat, sambit ni Kuya D.O.

"Oo naman kuya kaso ang aarte talaga, ayaw nilang kainin kahit nga yung dugo na binili ko sa hospital ayaw nilang inumin eh need pang pilitin, sambit ko.

"Teka lang mga kuya ah, sambit ko pa.

At saka pumunta na ako sa kusina para ihain ang pagkain nila kuya D.O.

Maya maya naihain ko na kaya ibinigay ko na sa kanila at saka umupo na ako sa lamesa para sumabay na kala candy kumain.

Habang kumakain kami ay naisip kong sa lamesa na rin kumain sila kuya D.O kasama namin.

"Ah kuya D.O, kuya Chen, baka gusto niyong dito sa lamesa kumain, sambit ko.

"Hindi na dito na lang kami sa sofa, baka mawalan pa kayo ng gana kumain dyan ng dahil sa kinakain namin, sambit ni Kuya Chen.

"Hindi yan, dali na mga kuya dito na kayo kumain, sambit ko.

At wala na ngang nagawa sila kuya D.O at kuya Chen kaya sa lamesa sila kumain kasama namin.

Pagpunta nila sa lamesa ay napansin nila na magkakatabi kami nila Chanyeol, katabi ni Candy si Baek at katabi ko naman si Chanyeol.

The Vampires(Chanbaek)(Completed✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon