Chapter 26

4 2 0
                                    

At hindi na ako nakapagsalita pa.

Hanggang sa bumalik na kami sa tent kasama sila Candy at baekhyun, pagbalik namin ay nagsimula na kami ulit magsanay, lumipas ang buong maghapon namin sa pagsasanay at pagkatapos ay umuwi na kami sa bahay nila Jenny, pag uwi namin ay dumiretso agad kami sa kwarto at nagpahinga agad kami.

Sa Kwarto:

"Habang nakahiga kami ni Candy ay di ako mapakali at napapailing naman ako dahil sa hindi mawala sa isip ko ang nangyari kanina at ang sinabi ni Chanyeol sakin, samantala ay napansin ko naman si candy na walang ibang ginawa kundi ang magtakip ng unan sa mukha niya at di rin mapakali kaya kinausap ko siya.

"Oi Candy ano bang nangyayari sayo at parang di ka mapakali dyan, sambit ko.

"Ah eh ano kasi.... ah-ah eh ano kasi... sambit ni Candy.

"Anong ano kasi? Sambit ko.

"Ano kasi di ko makalimutan yung sinabi ni baekhyun sakin kanina pero ang mas hindi ko makalimutan ay yung ginawa niya sakin kanina hayyy ano ba yan selpp plsss kumalma ka hayy Arrrggg, sambit ni Candy.

"Huh bakit ano bang sinabi at ginawa ni baek sayo, sambit ko.

"Ano kasi sabi niya mahal niya daw ako tapos hinalikan niya ako kanina, sambit ni Candy.

"Hah! Talaga hay pareho pala tayo, sambit ko.

"Oum,  huh? Anong ibig mong sabihin ate cherry, sambit ni Candy.

"A-ahm..... ano kasi eh hinalikan ako ni chanyeol kanina at sabi niya pa mahal niya daw ako hayyyyyyy...... ano ba yan anyayari saken.... whoo... selpp chillax ka lang okie Arrrrhgg.. sambit ko.

"Oww shitt pareho nga tayo pano yan ate, sambit ni Candy.

"Haysst ewan bahala na if mahulog tong hart ko wala naman akong magagawa hayyyy bahala na, sambit ko.

"Hayyyy bahala na den di ko na alam kung anong nararamdaman ko para sa kanya (Reffering to Baekyun), sambit ni Candy.

At sabay natulog na kami ni Candy.

Kinabukasan:

Sabay kaming nagising ni Candy, habang tulog pa sila Jenny ay pumunta agad ako sa kusina para magluto ng almusal namin habang si Candy ay inihahanda ang mga plato sa lamesa.

Sa kusina:

Habang nagluluto ako ay kinuha ko muna ang asin na nasa taas ng nilulutuan ko, dahil sa taas nito ay di ko ito maabot nagulat na lang ako ng biglang may nag abot nito at pagharap ko ay si chanyeol ang nasa likod ko at hawak niya ang asin.

"Ah chanyeol ikaw pala, sambit ko.

"Oum ito na ang asin masyadong mataas ang pinaglagayan nito, next time tawagin mo ko para di ka mahirapan abotin ito, sambit ni Chanyeol.

At saka ibinigay niya na sakin ang asin, habang binibigay niya ito sakin ay unti unti siyang lumalapit sakin hanggang sa hahalikan na niya sana ako ng biglang dumating si Kuya D.O

"Ehem.. Ehemm.. baka nakakalimutan niyong nasa kusina kayo at wala kayo sa hotel, Pabirong sambit ni Kuya D.O

"Kuya D.O naman eh anong bang sinasabi mo dyan, sambit ko.

"Wala asikasuhin mo na yang niluluto mo, sambit ni Kuya D.O

At saka bumalik na nga ulit ako sa pagluluto.

Samantala habang inihahanda ni Candy ang mga plato sa lamesa ay kumuha naman siya ng mga baso sa platohan, pagharap niya ay nagulat siya ng makita niya si baekhyun sa likod niya.

"Anak ng... baekhyun ano ba ginulat mo naman ako, sambit ni Candy.

"Ah heheh sorry nagulat pala kita, sambit ni Baekhyun.

"Ahm tutulungan na kita dyan, sambit pa ni Baekhyun.

Kinuha niya ang basong hawak hawak ni candy at habang kinukuha niya ito ay nahawakan niya naman ang kamay nito at sabay nakatitigan silang dalawa,  hanggang sa unti unti nitong inilalapit ang labi niya kay candy ngunit hindi ito natuloy dahil biglang dumating si Kuya Chen.

"Ehem.. Ehem baka naman mabasag yang mga basong hawak niyo, tsaka baka nakakalimutan niyong wala kayo sa hotel, Pabirong sambit ni Kuya Chen.

"Ah kuya naman anong sinasabi mo dyan, sambit ni Candy.

At sabay kinuha ni candy ang mga basong hawak ni baekhyun at siya na ang naghanda nito sa lamesa, maya maya ay lumabas na kami sa kusina dala ang niluto ko at sakto namang nagising na sila Jenny, Myra at isabel at saka nagsikain na kami.

Makalipas ang ilang oras ay natapos na kaming magsikain kaya umalis na kami ng bahay nila Jenny para magsanay ulit, kasama namin ulit sila dict at jas na magsanay pati na rin ang mga boyfriend ng mga kaibigan namin halos araw araw ganun ang ginagawa namin, lumipas ang buong maghapon namin at inabot kami ng gabi sa pagsasanay kaya nagsi uwian na kami at habang naglalakad kami pauwi ay bigla na lang may umatakeng mga itim na bampira sa amin, buti na lang at hawak hawak namin ang mga armas namin at nakipaglaban kami sa mga bampira, nung makita kong papalapit ang isang bampira sa kaibigan ko ay kinuha ko agad ang pana ko at sabay pinana ko ito at naging abo naman ito.

"Salamat sis hay kinabahan ako dun, sambit ni Jenny.

"Walang anuman sis, sambit ko.

At saka naki paglaban na ulit ako sa mga bampira hanggang sa natalo namin ang ibang mga bampira habang iba naman ay nagsi takbuhan na, pagkatapos namin makipaglaban sa kanila ay umuwi kami agad at nagpahinga.

Kinaumagahan:

Maaga kaming nagising para maghanda dahil magsasanay ulit kami, makalipas ang ilang oras ay nag simula na ang aming pagsasanay hanggang sa pinagpahinga muna kami nila kuya habang nagpapahinga kami ay wala na naman kaming ibang ginawa nila Dict at Jas kundi ang magtawanan at magkwentohan, hanggang sa napansin namin na biglang umalis sila yeol at baek ngunit hindi na namin ito pinansin at nagpatuloy lang kami sa pagkukwentohan at tawanan, makalipas ang ilang oras ay nag simula na ulit kaming magsanay ngunit hindi parin nakakabalik sila yeol at baek hanggang sa natapos na kaming magsanay at pagabi na kaya umuwi na kami ngunit hindi parin namin nakikitang bumalik sila Yeol at baek, at di nagtagal ay nakauwi na kami at pag uwi namin ay nagluto agad sila Jenny ng haponan namin, maya maya ay nakapagluto na sila at kakain na sana kami ngunit napansin namin na wala parin sila yeol at baek kaya naisipan namin na hanapin na sila.

The Vampires(Chanbaek)(Completed✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon