Chapter 12

5 3 0
                                    

Nagulat kami ng biglang naging abo ang dalawang bampirang humawak samin dahil ng iligtas kami ng dalawang lalaki ay napatay nila ang mga bampirang ito, at sabay nagtakbohan naman ng iba pang natirang bampira at sabay kinausap kami ng dalawang lalaki na tumulong samin.

"Cherry, Candy ayos lang ba kayo? Nasaktan ba kayo?sambit ng dalawang lalaki.

"Teka bakit kilala niyo kami sino kayo, sambit ko.

"Kami ito Cherry, Candy hindi niyo ba kami nakikilala kami ito ang mga kuya niyo, sambit nila Kuya D.O at Kuya Chen.

"Teka kuya D.O? Kuya Chen? kayo nga ba yan, sambit ko.

"Kuya Chen, Kuya D.O Kayo nga, sambit ni Candy.

"Oo Cherry, Candy kami nga ito, sambit nila Kuya D.O at Kuya Chen.

Sila kuya D.O at Kuya Chen ang tumayong mga magulang samin simula ng mamatay ang mga parents namin, sila na ang tinuring naming Mama,papa, ate at kuya, dahil lahat ng mga ginagawa ng mga nanay, tatay, ate at kuya ay ginagawa din nila samin, sila ang nag pa aral samin simula elementary hanggang sa makagraduate kami ng highschool, pero dumating yung araw na hindi na namin sila nakita kaya ganun na lang ang saya namin ng makita namin sila ulit.

At dahil sa sobrang saya namin ay niyakap namin ng mahigpit sila Kuya D.O at Kuya Chen at sabay sabing.

"Kuya D.O ang tagal niyong nawala, ang tagal naming kayong hinintay sobrang namiss namin kayo, sambit ko.

"Oo nga, Kuya Chen sobrang namiss namin kayo, saan ba kayo pumunta, sambit ni Candy.

At saka bumitaw na kami sa pagkakayap namin kala Kuya D.O at Kuya Chen.

At bigla namang sumabat sila Chanyeol at Baekhyun.

"Teka Kuya D.O? Kuya Chen? Sambit nila Chanyeol at Baekhyun.

"Mga Prinsipe finally nahanap di namin kayo ilang araw na kayong hinahanap ng reyna at hari, sambit nila Kuya D.O at Kuya Chen.

"Huh? mga prinsipe? Ano pong ibig niyong sabihin kuya D.O at Kuya Chen? Takang sambit nila Chanyeol at Baekhyun.

"Mabuti pa umalis na muna tayo dito baka mamaya may mga dumating pang mga itim na bampira dito, sambit ni Kuya D.O.

"Mabuti pa nga, sambit ni Kuya Chen.

"Tara doon na lang po tayo sa bahay mag usap usap, sambit ko.

At saka hinawakan kami sa kamay nila Kuya D.O at Kuya Chen at saka tumakbo kami ng mabilis at umuwi na nga kami sa bahay.

Sa Bahay:

Naka uwi na kami at pinaupo muna namin sa sofa sila Kuya D.O at Kuya Chen, habang nakaupo sa sila sa Sofa ay nagbihis muna kami ni Candy at saka lumabas na kami at kinausap naman namin sila Kuya D.O at Kuya Chen.

"Ah kuya D.O, kuya Chen kamusta na nga pala kayo, sambit ko.

"Ayos naman kami, kayo ba kamusta kayo? Alam niyo bang proud na proud kami sa inyo sulit na sulit ang pagod namin sa pagpapa aral sainyo, sambit ni kuya D.O.

"Oo nga sobrang saya namin ng makita kayong umaakyat ng stage at tumatanggap ng medal at diploma, sobrang pinasaya niyo kami, sambit ni Kuya Chen.

"Teka po nandun po kayo nung graduation namin nung highschool? Takang tanung ko.

"Oo naman nandun kami, nakasilip lang kami sainyo nun pumapalakpak pa nga kami nun eh, sambit nila kuya D.O at kuya Chen.

"Talaga po akala po talaga namin kinalimutan niyo na kami, sambit ko.

"Oo nga po halos tumulo ang luha ko nun kasi hinihintay ko kayong dumating, sambit ni Candy.

"Bakit naman namin kayo kakalimutan, sadyang pinagbawalan lang talaga kami ng reyna at hari na makipag kita na sa inyo, sambit ni Kuya D.O.

"Ah ganun po ba sambit ni Candy.

"Ibig niyo pong sabihin mga bampira din po kayo?Tanung ko.

"Oo Cherry mga bampira nga kami, di muna namin nasabi sa inyo ang totoo dahil masyado pa kayong mga bata noon, pero ngayon dahil malalaki naman na kayo siguro naman kailangan niyo ng malaman ang totoo kung bakit namatay ang mga magulang niyo, sambit ni Kuya D.O.

"Po? Ano po ang totoo? Tanung ko.

"Teka lang Kuya D.O, Kuya Chen di niyo pa sinasagot ang tanung namin tinawag niyo kaming mga Prinsipe kanina anong ibig sabihin nun? Sabat nila Chanyeol at Baekhyun.

"Ito na nga ikukwento na namin, sambit ni Kuya Chen.

"Ang totoo niyan Yeol at Baek ang papa niyo ay dating hari ng lahi natin, pero nung dumating ang araw na nakilala ng papa niyo ang mama niyo dun niya sinuway ang batas natin mga bampira na hindi pwedeng umibig o magmahal ng di natin kalahi, pero dahil labis ang pagmamahal ng papa niyo sa mama niyo ay napilitan siyang sumuway sa batas natin, pero wala ng nagawa ang lola at lolo niyo ng magkaroon ng bunga ang pagmamahalan ng papa at mama niyo kaya hinayaan na lang ng Lola at Lolo niyo na manatili sa piling ng mama niyo ang papa niyo, hanggang sa nalaman ng dating hari ng mga itim na bampira ang tungkol dun, dahil ang dating hari ng mga itim na bampira ay may pagtingin din sa mama niyo pero binasted siya nito kaya galit na galit ang dating hari ng mga itim na bampira, kaya nang malaman niyang nagmamahalan na ang papa at mama niyo ay inutusan niya ang mga alagad niyang bampira na sugurin at patayin ang papa niyo ngunit ang mama niyo ay nais niyang mapasakanya para gawing kalahi niya pero di siya nagtagumpay sa pagkuha sa mama niyo dahil napatay ng mga itim na bampira ang mama niyo, mahabang kwento ni Kuya Chen.

"Pero paano po napatay ng mga bampira sila Mama at Papa? Tanung nila Chanyeol at Baekhyun.

"Nang sugurin sila mama at papa niyo ng mga itim na bampira ay nagpasya ang papa niyo na umalis at itakas kayo sa tinutuluyan niyo noon, nagpunta sila Bahay nila Cherry para doon magtago pero ng papunta na sila sa bahay nila cherry ay nakasalabung sila ng papa ni cherry at papa ni Candy sa daan kaya tinulungan nila ito, ng makapunta na kayo sa bahay nila Cherry at doon muna kayong pansamantalang tinago ng papa niyo at ang papa niyo pati na rin ang mga papa nila Cherry at Candy ay nakipaglaban sa mga itim na bampira, hanggang sa natalo nila ang ilan sa mga itim na bampira kaya naisipan na nilang pumasok sa loob ng bahay nila cherry pero nasundan parin sila sa bahay nila cherry kaya nagpasya naman sila na pumunta sa bahay nila candy para doon magtago, sambit ni Kuya D.O.

The Vampires(Chanbaek)(Completed✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon