Chapter 10

5 3 0
                                    

Cherry POV:
At sabay hinawakan niya ako sa kamay at saka umuwi na kami sa bahay.

Sa bahay:

Pag uwi namin ay nadatnan namin sila candy at baekhyun sa bahay, napansin ko na parang takot na takot si Candy kaya nilapitan ko siya.

"Candy ok ka lang ba, sambit ko.

"Ok lang ako ate, sambit ni Candy

"Sigurado kang ok ka lang, ano bang nangyari sayo, sambit ko.

"Ok lang ako ate, natakot lang ako kanina nung pauwi na ako, sambit ni Candy.

"Ha bakit anong nangyari, pag aalalang sambit ko.

"May sumusunod daw kasi sa kanya kanina, buti na nga lang eh naisip kong lumabas ng bahay kanina tapos nagkabanggaan kami, sabat ni Baekhyun.

"Ah ganun ba, actually ako din eh, may sumusunod sakin kanina bago ako umuwi, buti na lang naka salabung ko tong si Chanyeol, sambit ko.

"Ah ganun ba buti na lang talaga, sigurado akong mga itim na bampira ang mga humabol sa inyo kanina, sambit ni baekhyun.

"Sigurado yan, lalo't hindi lang ito ang unang beses na inataki ng mga itim na bampira sila Cherry at Candy, kaya dapat mag ingat na kayo sa susunod, sabat ni Chanyeol.

"Oo promise mag iingat na kami, sambit ko.

"Btw matanung ko lang bakit ba gabi na kayo umuuwi, minsan si Candy ang umuuwi ng ganitong oras, minsan ikaw naman Cherry, sambit ni Chanyeol.

"Kasi palit palit kami ng shift ni Candy sa work, kung minsan 2nd shift ako, si Candy naman 3rd Shift, bihira lang din kami magsabay na umuwi, sambit ko.

"Ah ganun ba kaya naman pala delikado na pa naman pag ganitong oras ang uwi niyo, dahil pag ganitong oras mas nagsisilabasan ang mga itim na bampira at doon sila umaatake, pero pag mga 6 konting mga itim na bampira pa lang ang nagsisilabasan, sambit ni Chanyeol.

"Ganun ba, natatakot na tuloy ako umuwi ng ganitong oras,sambit ko.

"Mas lalo naman ako ate Cherry, may trauma na ako sa mga bampirang yan kaya ayoko na ulit makaingkwentro ng mga itim na bampira, sambit ni Candy.

"Don't worry hangga't kasama niyo kami walang mangyayaring masama sainyo at hinding hindi kayo masasaktan ng mga itim na bampirang yan, sambit ni Chanyeol.

"Oo nga promise namin sainyo yan, sambit ni Baekhyun.

"Wait para mas safe kayo, sabihin niyo samin kung anong oras kayo umuuwi, dahil minsan sabi niyo nga nag iiba iba kayo ng shift diba, sabihin niyo samen kung anong oras kayo umuuwi, susunduin na lang namin kayo, sambit ni Chanyeol.

"Ah hindi na Chanyeol baka mamaya kung ano pang mangyari sa inyo dyan sa labas kung susunduin niyo pa kami, sambit ko.

"Don't worry walang mangyayaring masama samen, basta susunduin na lang namin kayo kahit dyan lang sa labasan aabangan namin kayo kasi delikado na umuwi kayo ng kayo kayo lang lalo't bago kayo makarating dito sa bahay niyo nadadaanan niyo pa ang gubat, sambit ni Chanyeol.

"Oo nga, ganun na lang ang gawin natin ako magsusundo sayo Candy si Kuya naman ang susundo kay Cherry para safe kayo,ano ok ba sainyo, sambit ni Baekhyun.

"Sige mas maganda nga siguro kung ganun ok na saken yun atleast mapapanatag na ang loob ko, sambit ni Candy.

"Ano ka ba naman Candy nakakahiya kaya sa kanila ikaw talaga kahit kailan wala kang hiya, sambit ko.

"Ito naman si Ate eh wag ka ng Chossy gusto mo den naman, sambit ni Candy.

At napangiti naman sila Chanyeol at Baekhyun.

"Ewan ko sayo Candy, mabuti pa magluto ka na, anong oras na di pa tayo naghahapunan, sambit ko.

"Ah di na kailangan Cherry, nagluto na ako habang nasa trabaho pa kayo, sambit ni Chanyeol.

"Nag saing na rin ako dyan, sambit ni Baekhyun.

"Ah talaga naku nakakahiya naman sa inyo, kayo pa ang nagluto,sambit ko.

"Ok lang Cherry kami nga ang nahihiya sainyo, kasi pinatira niyo kami dito sa bahay niyo ito na lang ang paraan para makabawi kami sa kabaitan niyo samen, sambit ni Chanyeol.

"Ah hehehe, ano ba kayo ok lang yun di niyo naman kailangan bumawi eh pero salamat sainyo, sambit ko.

"Sige na Candy maghanda ka na ng hapunan natin, magbibihis lang ako, sambit ko.

"Hindi na kami na ang maghahanda magbihis na kayong dalawa, sambit ni Chanyeol.

At tumango na lang kaming dalawa ni Candy at sabay nagbihis na kami, maya maya ay natapos na kaming magbihis kaya lumabas na kami ng kwarto at paglabas namin ay nakapaghain na sila Chanyeol kaya umupo na kami at kumain.

Maya maya ay natapos na kaming kumain kaya niligpit ko na ang pinagkainan namin at tinulongan ako ni Chanyeol na iligpit ang pinagkainan namin, habang sila Candy at Baekhyun ang naghugas ng mga pinagkainan namin.

Habang naghuhugas ng plato sila Candy at Baekhyun, kami naman ni Chanyeol ay nag ayos na ng mga higaan namin.

Makalipas ang ilang oras ay natapos ng maghugas ng plato sila Candy at baek at saktong natapos na rin kami ni Chanyeol na mag ayos ng mga higaan namin kaya nagsitulog na kami.

Kinabukasan:
Maaga akong nagising at pag gising ko ay nagluto agad ako, habang nagluluto ako ay nagising naman si Chanyeol.

"Hello Cherry goodmorning, bati ni Chanyeol.

"Oh Chanyeol gising ka na pala Goodmorning den, sambit ko.

"Tulungan na kita dyan sa niluluto mo, sambit ni Chanyeol.

"Ah hindi na kaya ko na toh, mabuti pa ihain mo na lang ang mga plato sa lamesa, sambit ko.

"Sigurado ka, sige ako na bahala sa mga plato, sambit ni Chanyeol.

At inihanda na nga ni Chanyeol ang mga plato sa lamesa, maya maya ay natapos na akong magluto kaya tinulungan ako ni Chanyeol na ihain sa lamesa ang niluto ko.

Habang hinahain namin sa lamesa ang niluto ko ay sakto naman nagising na  sila Candy at Baekhyun.

"Hello Ate Cherry at Chanyeol Goodmorning, sambit ni Candy.

"Goodmorning Kuya Chanyeol at Cherry, sambit ni Baekhyun.

"Oh mabuti naman at gising na kayo, alam niyo kayong dalawa lagi na lang kayong tanghali kung gumising, sambit  ko.

"Oo nga, ito talagang si baek kahit kailan senorito ka talaga, gumising ka naman ng maaga para naman makatulong ka dito, di ka na nahiya kala cherry, sambit ni Chanyeol.

"Hay tama na nga yan umupo na kayo para maka kain na tayo, sambit ko.

At nagsiupuan na nga sila at pati ako ay umupo na rin at saka magsikainan na kami.

Maya maya ay natapos na kaming magsikain kaya hinugasan na namin ang mga platong pinagkainan namin at tinulungan ako ni chanyeol na maghugas, habang sila Candy at Baekhyun ay nagwawalis sa labas ng bahay namin.

The Vampires(Chanbaek)(Completed✔)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon