maya maya ay nakapagluto na sila at kakain na sana kami ngunit napansin namin na wala parin sila yeol at baek kaya naisipan namin na hanapin na sila.
"Ah mga sis sandali lang ah hahanapin lang namin sila yeol at baek, sambit ni Candy.
"Oo nga kanina pa kasi sila hindi bumabalik eh, sambit ko.
At tumango na lamang sila Jenny, Myra at isabel.
Saka hinanap na nga namin sila yeol at baek, halos mag iilang oras na kaming naglalakad sa may gubat ngunit hindi namin makita kita sila yeol at baek.
"Haystt ...saan kaya pumunta yung dalawang yun (Reffering to Chanyeol and Baekhyun) , sambit ko
"Hayy... kaya nga eh kanina pa tayo naglalakad pero kahit konting presensya man lang nila hindi natin maramdaman, sambit ni Candy.
"Kaya nga eh haystt.... halika maghanap tayo banda doon, sambit ko.
At nagpatuloy pa rin kami sa paghahanap kala yeol at baek hanggang sa may nakita kaming dalawang lalake at dalawang babae na nakatayo malapit sa may malaking puno, laking gulat namin ng makita namin sila yeol, baek, amber at thana na magkakasama pupuntahan sana namin sila ngunit di na kami tumuloy ng biglang halikan nila amber at thana sila yeol at baek, sa nakita namin ay parang nadurog ang mga puso namin na para ba itong pinupukpok ng martilyo sa sobrang sakit ng nararamdaman namin ni candy, kaya sa halip na tawagin namin sila ay umalis na lamang kami ni candy at naglakad palayo sa kanila hanggang sa may naramdaman kaming prensensya ng mga bampira ngunit hindi namin ito pinansin at nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa hindi namin namalayan na nasa pinaka gitna na pala kami ng gubat, sa sobrang layo ng nilakad namin ni candy at dahil hindi na rin namin alam ang daan pabalik ay nakaramdam kami ng pagod sa paglalakad kaya umupo muna kami sa ilalim ng malaking puno para magpahinga, habang nagpapahinga kami ni candy ay may bigla kaming naramdaman na presenya ng mga bampira kaya napatayo kami ni candy at pagtayo namin ay may bampira na nagsilabasan at pinalibutan kaming dalawa, lalaban sana kami ng biglang may dalawang lalaking bampira ang lumabas at tila ngayon lang namin sila nakita.
"Sino kayo?, lakas loob na sambit ni Candy.
"Oo nga sino kayo at anong kailangan niyo samin, matapang na sambit ko.
"Hindi ba kayo ang mga taong mahal ng dalawang prinsipe ng mga puting bampira, sambit ng isang lalaki.
"By the way ako nga pala si Alaric ang prinsipe ng mga itim na bampira, sambit pa nito.
"At ako naman si Vladamir ang isa pang prinsipe nga mga itim na bampira, sambit ni Vladamir.
"Kayo sila Alaric at Vladamir ang mga prinsipe ng mga itim na bampira?, takang sambit namin ni Candy.
Sa mga oras na iyon matapos sabihib ng dalawang lalaking bampira kung sino sila ay bigla namin naalala ang sinabi ng samin nila kuya chen at kuya D.O
"Eh ano naman ngayon kung mga prinsipe kayo ano naman paki namin, matapang na sambit namin ni Candy.
"Hindi ba kayo natatakot samin, sambit nila Alaric at Vladamir.
At sabay inilibas nila ang mga pangil nila at nagsi ilaw ang mga mata nila.
"Mga bampira dakpin sila!!! Pasigaw na sambit nila Alaric at Vladamir.
At sabay hinawakan kami ni ng mga alagad nilang bampira.
"Ano ba bitawanan niyo kami!! sambit ko habang pinipilit kong pumiglas sa kanila.
"Oo nga ano ba bitawan niyo kami!!, sambit ni Candy habang pinipilit niyang pumiglas sa mga bampirang humawak sa kanila.
"Masyado kayong maiingay!! Galit na sambit ni Alaric.
"Vladamir ikaw na ang bahala sa mga yan, sambit ni Alaric.
At sabay tinitigan kami ni Vladamir sa mga mata namin na naging dahilan ng pagkawala namin ng malay.
Chanyeol POV:
Pagkatapos namin magsanay ay nagpahinga kami habang nagpapahinga kami ay nakita na naman namin sila Cherry at Candy na kakwentohan kasama sila Benedict at Jasper at sa ganun palagay ay nakaramdam na naman kami ng selos kaya umalis kami ni baekhyun at naglakad lakad sa gubat para magpawala ng sakit ng loob at sakit ng nararamdaman, lumipas ng buong maghapon ang paglalakad namin sa gubat hanggang sa inabot kami ng gabi kaya umupo muna kami sa ilalim ng malaking puno habang nakaupo kami ay bigla na lamang sumulpot sila Amber at Thana."Amber? Sambit ko.
"Thana? Sambit ni Baekhyun.
"Kami nga, bakit para yatang gulat na gulat kayo, sambit nil Amber at Thana.
"Anong ginagaww niyo dito, sambit ko.
"Kaya nga tsaka bakit kayo nandito, sambit ni Baekhyun.
"Bakit ayaw niyo ba kaming nandito, sambit ni Thana.
"Kaya nga tsaka actually pabalik na dapat kami sa mansion kaso nakita namin kayo kaya pinuntahan namin kayo dito, sambit ni Amber.
"Pwede ba bumalik na nga kayo sa mansion niyo iwan niyo na kami dito, sambit ko.
"Kaya nga tsaka ayaw namin kayong makita, kaya kami pumunta dito para walang makaistorbo samin, sambit ni Baekhyun.
"Hay grabe naman kayo mga mainit agad ang mga ulo niyo ok fine aalis na kami pero bago kami umalis... sambit nila Amber at Thana.
At sabay hinalikan nila kami at kinagulat naman namin ang ginawa nila at pagkatapos ay umalis na sila.
Samantala kami namang dalawa ni baekhyun ay umuwi na pag uwi namin ay sinalubong kami nila Jenny, Myra at Isabel pati na rin sila kuya chen at kuya D.O
"Oh chanyeol, baekhyun buti umuwi na kayo, sambit ni Jenny.
"Oo nga kanina pa namin kayo hinihintay na umuwi tapos na lamang kami maghaponan, sambit ni Isabel.
"Kaya nga tsaka alam niyo bang kanina pa kayo hinahanap nila Cherry at Candy, sambit ni Myra.
"Huh? Seryoso hinahanap kami nila Cherry at Candy, sambit namin ni Baekhyun.
"Oo kanina pa kaya sila wala dito sa kakahanap sainyo, sambit ni Isabel.
"Teka nga lang di niyo kasama sila Cherry at Candy? sabat ni Kuya Chen.
"Oo nga bakit hindi niyo sila(Reffering to Cherry and Candy) kasama, sabat ni Kuya D.O
"Huh? po? Hindi pa po kami nagkikita mula pa kanina, sambit ni Baekhyun.
"Oo nga po bakit nasan ba sila Cherry at Candy?Pag aalalang tanung ko.
"Huh? hindi niyo alam lumabas sila kanina para hanapin kayo, sambit ni Jenny.
"Ano! lumabas? Gulat na gulat na sambit namin ni baekhyun.
At tumango na lamang sila Jenny, Myra at Isabel.
BINABASA MO ANG
The Vampires(Chanbaek)(Completed✔)
RomanceCompleted✔ Sina Chanyeol at Baekhyun ay ang magkapatid na Bampira, sila ay Kalahating tao at kalahating Bampira, dahil ang kanilang ina ay tao at ang kanilang ama naman ay Bampira kaya hindi sila sumisipsip ng dugo ng mga tao, bagkus mas gusto pa ng...