Alliston's Pov
Abala ako sa pag-aayos ng gamit. I came back to work again dahil nakauwi naman na din si Madie.
Her condition is getting better and the doctors allowed us to take her home.
Kakatapos lang ng work ko at excited na naman akong umuwi dahil namimiss ko na ang anak ko.
Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang naglalakad papuntang parking ng biglang may kung sinong nagsalita sa likod ko.
"Can we talk?"
Natuod ako sa matinis na boses at parang biglang gusto kong huwag na lang itong pansinin pero naisip kong lalo itong mangungulit or worse baka manggulo na naman ito.
"O-okay." Yun lang ang naisagot ko.
Binuksan naman niya ang sasakyan niya. Akmang papasok ako sa sariling kotse ng marinig ang seryoso niyang tinig.
"What the hell are you doing?"
Naguguluhan ko siyang tinignan. "Susunod na lang ako sayo."
"Sakin ka sasakay." May pagkairita na niyang sabi kaya agad akong pumasok sa passenger seat ng kotse niya.
Tahimik lang ito buong byahe at dahil takot akong magsalita ay itinuon ko na lang ang tingin sa labas.
Ramdam ko ang namumuong pawis sa batok at noo ko kaya pasimple kong pinunasan iyon. Nakita ko siyang gumalaw at bahagyang hininaan ang aircon.
"You're trembling. Baka nilalamig ka." Lalong tumindi ang kaba ko sa malamig niyang boses.
Hindi naman ako nilalamig dahil sa aircon. Nanginginig ako dahil sa takot at kaba kaya kahit hinaan niya pa ang aircon ay walang mangyayari.
Manginginig parin ang mga kamay ko.
"We're here."
Bumaba na siya kaya bumaba na rin ako. Napansin kong nasa marangya kaming lugar dahil sa mga naglalakihang bahay sa paligid.
We were in a subdivision. With big houses around of us.
"Doon tayo." Tinuro niya ang isang bahay na sa labas palang ay sumisigaw na ang karangyaan.
Pumasok kami at talaga namang ganon na lang ang pagkamangha ko ng makita ko ang loob.
Puro mamahalin ang mga gamit na nakadisplay sa iba't-ibang bahagi ng bahay.
"Have a sit and wait me here. Kukuha lang ako ng makakain."
Maglalakad na sana siya ng pigilan ko.
Anong pagkain? Ano bang gagawin namin dito? Magda-date?
"Hindi na. Hindi din kasi ako magtatagal dahil may Pupuntahan pa ako." Mataman lang siyang nakatingin sakin at malalim ang buntong hininga bago tumabi sakin sa sofa.
"Why?" Yun agad ang tanong niya sakin.
"Anong why?" Naguguluhan kong tanong din. Hindi ko kasi siya maintindihan.
"Why didn't you tell me?"
Hindi niya nilinaw pero alam ko na kung ano ang tinutukoy niya. Malalim akong napahinga bago magsalita.
"Wala namang dahilan para malaman mo at saka hindi ko naman alam na magkikita pa tayo ulit dahil limang taon na din ang lumipas."
Yung kabang nararamdaman ko kanina ay nandito na naman.
"That's bullshit." Umalingawngaw ang malakas niyang sigaw sa buong sala kaya bigla na naman akong natakot.
"You're unbelievable. You run away to escaped then you will came back here at sasabihing may anak ka?" Ramdam ko ang galit niya lalo pa at masama ang tingin niya sakin. "May I remind you na kasal ka sakin kaya wala kang karapatan na magpabuntis na lang kung kani-kanino."
YOU ARE READING
A Wife With No Right
Romance"Ayoko na. Tama na!" -Alliston "No. I won't let you go again. Never! If I need to lock you up here in my room then so be it! You're mine, hon. Only mine!" -Ivy __ After a five long years of disappearing from her supposedly life with her wife. Allis...
