We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

AWWNR17

1.5K 62 4
                                        

Alliston's Pov

"Anak, do you want to eat outside?" Nakangiti kong tanong sa anak ko. Sahod ko kasi kahapon kaya gusto kong kumain kami sa labas.

"Yes po, mama! Sasama din po ba si tito Robert?"

I smiled when I heard her excited voice.

"Sorry, baby but your tito Robert are still busy on his work so it will be just the two of us!" nakangiti kong sagot sa anak ko.

Binihisan ko lang ito ng pink floral dress at dinampian ng konting cologne sa leeg at iginaya ito papuntang sasakyan.

"Mama, saan po tayo kakain?" Tanong pa nito matapos umupo ng maayos sa car seat.

"Pupunta muna tayong mall bago tayo kumain. Is that okay with you, baby?"

Sunod-sunod naman itong tumango.

"Yes po, Mama." Maingat kong kinabit ang seatbelt niya saka pinausad ang sasakyan.

I can't help but to smile widely habang nagmamaneho.

My baby is so smart and a nice kid na ipinagpapasalamat ko dahil alam ko sa sarili kong nagagampanan ko ng maayos ang pagiging ina ko sa kanya.

"Mama, can I ask you something?" Dinig kong tanong ng anak ko.

Nakangiti ko naman siyang sinulyapan ng mabilis. "Yes, anak. What is it?"

Ilang segundo pa ang lumipas na tahimik ang anak ko kaya nilingon ko na ito. Napakunot noo nalang ako ng makitang medyo malalim ang iniisip nito.

"Hey, baby." Tawag pansin ko dito pero lumingon lang ito saglit at nagbaba ng tingin.

"Tell me what's wrong? May masakit ba sayo? Gusto mo bang umuwi na lang at magpahinga?" Sunod-sunod kong tanong sa kanya dahil kinakabahan na ako sa kinikilos ng anak ko.

"Hindi po yun, mama." Mahina nitong sagot parang nag-iisip kung sasabihin ba ang gusto niyang sabihin.

"Then what is it?" Tanong ko pa.

Hindi na ako mapakali sa sasabihin ng anak ko.

"Wala po ba akong Papa?"

Natutop ko ang dila at sandaling natigilan sa tanong ng anak ko. Nilingon ko ito at nakatunghay lang ito sakin habang nag-aantay ng isasagot ko.

Paano ko ba sasabihin sa kanyang wala naman talaga siyang papa dahil dalawang mama ang meron siya.

Baka hindi niya maintindihan at maguluhan lang siya kapag sinabi ko sa kanya iyon.

"Nakita ko po kasi yung classmate ko na sinusundo ng daddy niya and I wonder where is my daddy!"

Huminga ako ng malalim. "Baby, Do you remember when you ask me why your lolo is no longer with us?"

Mabilis naman itong tumango.

"Opo, because grandpa is in heaven na po!"

"And you ask me why is he there, right?" Muli kong tanong.

Nasa daan lang lang tingin ko at panaka-nakang sumusulyap lang sa kanya.

Tumango lang ito ulit bago sumagot.

"Because he died in heart attack when he knew that you were pregnant with me!" Malungkot niyang saad na ikinalingon ko sa kanya. 

"Is that also the reason why my papa is in heaven? Is he also mad at me, mama?"

"No, baby!" mabilis kong tanggi dito dahil nakikita ko kung gaano talaga ito kalungkot at nasasaktan ako sa nasasaksihan ko.

"Your grandpa is not mad at you. He was mad at mama but I know that he loves you!" masuyo kong saad, nagpapaintindi at naglalambing.

A Wife With No RightStories to obsess over. Discover now