Alliston's Pov
Ilang araw kong pinag-isipan yung alok sakin ni Robert at wala naman akong nakikitang dahilan para hindian ko pa siya dahil si mama ay uuwi sa kapatid niya sa bulacan kaya parang sign na rin yun na i-grab ko yung alok sakin.
Kinahapunan ay pumunta si Robert sa bahay at ngayon ko na rin sasabihin sa kanyang payag na akong pumunta sa maynila kasama niya.
"So anong desisyon mo?" bungad niya agad sakin. Huminga muna ako ng malalim bago sumagot sa kanya.
"Payag na ako"
Isang malawak na ngiti ang sumalubong sakin ng harapin ko siya. Halatang tuwang-tuwa ang loko na sasama kami sa kanya.
Actually noon pa ako kinukulit nito na sumama sa kanya pero talagang tinatanggihan ko siya. Hindi ko pa naman kasi kailangan na magtrabaho noon at tsaka akala noon na madali lang humanap ng trabaho dahil college graduate naman ako pero baryo nga pala yun kaya hindi nila kailangan ng architect."But we have to work on Madison's papers para mailipat natin siya ng school" akala naman niya basta-basta na lang kaming lalayas.
"Wala ng problema. Gumawa kami ng video ni Madison habang nagrerecite siya ng multiplication at nagbabasa ng english book. Yun lang naman ang kailangan para payagan nilang mag-excel sa grade one si Madison at na-send ko na yung video sa school management" ngiting-ngiti niyang litanya na pinakita pa ang cellphone niya.
Literal akong ngumanga sa mga sinabi nito.
"Wow!!" wala na akong masabi bukod doon dahil halatang nakaplano na yung mga galaw niya at kahit hindi ko pa sinasabing payag ako ay gumalaw na ito mag-isa.
"Sorry, nag-decide na ako kahit wala pa ang permiso mo. Alam ko naman kasing papayag ka dahil kinausap ako ni tita na wala kayong kasama dito dahil babalik muna daw siya sa bulacan"
Kaya naman pala. Alam niyang hindi kami kasama sa bulacan at alam din niyang papayag ako dahil ayaw kong malungkot si Madison kapag umalis na ang lola nito.
"Kelan ba tayo aalis?" tanong ko dito. Para maihanda ko na rin yung gamit namin ni Madie papunta doon.
"Bukas ng umaga."
"Bukas agad? Pero hindi ko pa sinasabi kay Madison yung tungkol dito." nag-aalala akong baka magtampo sakin yung anak ko kapag nalaman niyang hindi manlang ako nagsabi na aalis pala kami.
"Aalis muna ako. Bahala ka nang magsabi sa kanya mamaya" dali-dali siyang umalis kaya napabunga na lang ako ng hangin.
Ngayon iiwan niya ako para magpaliwanag mag-isa kay Madie. Wala sa sarili kong tinungo ang kwarto namin ng anak ko at inayos lahat ng mga gamit namin. Ilang oras din ang ginugol ko para maiayos ang mga dadalhin namin.
Iniisip ko kung ano pa yung kulang at nasagot yung tanong na yun ng nagawi ang tingin ko sa lumang aparador. Nandoon kasi yung mga pinatago ko kay mama na mga documents na pwede kong magamit kagaya na lang ng mga graduate certificates ko pati birth certificates namin ng anak ko.
Inalis ko na muna yung mga damit ni mama at tsaka ko kinuha yung bag na nasa ilalim niyon. Umupo ako sa kama at tinignan kung Kumpleto pa yung laman.
Pero agad din akong natigil ng makita ko ang kopya ng marriage certificate namin ni Ivy. Pati yung binasa naming vows ay nandito rin. Isang mapait na ngiti ang pinakawalan ko habang nakatitig doon.
Kapirasong papel lang iyon pero malaki ang impact sa pagkatao ko.
"Kinakabahan ka ba?" tanong sakin ni mama habang nasa dressing room kami at inaayusan ako.
"Yes po, Ma" mahina kong sagot.
Sinong hindi kakabahan? Mamaya na ang kasal namin ni Ivy at mapapalitan na rin yung apelyidong dala ko. Pero mas higit yung saya at excitement na nararamdaman ko dahil sa wakas ikakasal na ako sa babaeng pinakamamahal ko.

YOU ARE READING
A Wife With No Right
Casuale"Ayoko na. Tama na!" -Alliston "But hon, nagbago na ako. I won't let you go again. Never!" -Faye Alright Reserved 2022.