Alliston's Pov
Hindi maayos ang naging tulog ko kagabi. Paulit-ulit akong naaalimpungatan at hindi ko alam kung bakit.
Siguro dahil sa nangyari kahapon.
Nilulukob ng kung anong takot ang sistema ko at hindi ko maiwasang ma-paranoid. Pakiramdam ko kasi may hindi magandang mangyayari, na ano mang oras may pupunta dito. Idagdag pang halos katapat lang ng building ng condo ang grocery store kung saan ako nakita ni Irina.
"Are you okay?"
Napabaling ako kay Robert ng marinig ko ang nag-aalala niyang boses. Tumango lang ako bago tipid na ngumiti dito.
Hindi ko alam kung anong sasabihin. Ayoko na siyang bigyan ng problema. Marami na siyang naitulong at sobra na lahat ng iyon.
"Are you sick po ba?" Nag-aalalang tanong na din ng anak ko. Umiling ako. "You don't look well po, Mama." Ngumiti ako bago ko siya hinalikan si pisngi.
Pilit kong pinasigla ang boses. "Okay lang si mama, anak." Sandali ko pa siyang niyakap ng mahigpit bago ako tumayo para kumuha ng tubig.
"Ready kana ba sa interview mo mamaya?"
Nagulat ako ng marinig si Robert sa likod ko. Hindi ko namalayang sinundan niya ako dito sa kusina.
Oo nga pala, buti pinaalala niya. Muntik ko pa makalimutan.
Ngayon ang punta ko sa kompanyang sinasabi ni Robert na pwede kong pagtrabahuhan. Mabilis kong tinapos ang pag inom bago ko siya muling hinarap.
"Medyo kinakabahan lang ako ng konti." Napahawak ako sa dibdib ko ng matapos magsalita.
Hindi ko na din alam kung anong kaba ba ang meron ako. Nag-halo halo na sa loob ko ang mga hindi maipaliwanag na pakiramdam.
"Ihahatid na kita."
Ngumiti ako. "Kaya ko na, Robert. Thank you."
Tinitigan lang niya ako. Matagal iyon at alam kong may gusto siyang sabihin. "Are you really okay?" Mahina ang boses niyang tanong. Saglit pang lumingon kung nasaan si Madie bago ako muling hinarap. "You look pale. Para kang balisa."
Ganon na ba kahalata sa itsura kong wala akong maayos na tulog?
"I'm really okay." Pag-uulit ko.
But knowing him. His too pushy when he knows that there is something wrong.
I heard him sighed."Tell me. Is it about yesterday right?"
Natahimik ako. Balak kong hindi na lang sana sumagot dahil ayoko ng isipin pa pero hindi ko na kaya ang mga scenario na pumapasok sa utak ko. It's getting worst to the point that I could hear their voices calling me, my name ng paulit ulit.
Daretso kong tinitigan si Robert sa mata."Can we...go back?" Nagulat ito sa tinuran ko. Halatang hindi niya inaasahang itatanong ko iyon.
Wala sa sariling nagyuko na lang ako ng ulo.
"Alli, look at me." Hindi ako nag-angat ng tingin but she he cupped my face and gently hold it as we stared to each other. "Stop overthinking. Hindi ka nila guguluhin. I'm here and I won't leave you. Just think about of getting a new start here with, Madie. With me." Mariin niyang ani. May lambing sa bawat salita.
He's assuring me that everything will be alright. That he will be there.
Dahan dahang tumango na din ako. Agad akong ngumiti ng bitawan niya ako.
"Thank you, Robert. You're right and sorry for being paranoid." Ngiti kong saad. Ngumiti lang din ito pabalik sakin at ng masigurong okay na ako ay nagpaalam na itong pupunta kung nasaan si Madie.
YOU ARE READING
A Wife With No Right
Romantik"Ayoko na. Tama na!" -Alliston "No. I won't let you go again. Never! If I need to lock you up here in my room then so be it! You're mine, hon. Only mine!" -Ivy __ After a five long years of disappearing from her supposedly life with her wife. Allis...
