Alliston's Pov
Marami na akong iniisip sa trabaho at dumagdag pa ngayon si Ivy. Matapos nung nangyari sa mall ay hindi na niya ako tinantanan, maya't maya siyang sumusulpot para guluhin ako.
Hindi ko na alam kung may patutunguhan pa ba yung mga ginagawa niya sakin kasi kahit sabihin ko sa kanyang ayoko na at napapagod na ako ay hindi naman siya makikinig. Nakakaawa na lang siya kung titignan dahil para siyang asong sunod ng sunod. Kung nasaan ako, nandoon din siya at pati kung sinong mga nakakausap ko sa trabaho, aawayin niya.
Pati yung tungkol sa anak ko ay nahihirapan akong itago dito. Muntik na kasi niyang malaman kung saan ako nakatira kung hindi ko lang napansin ang sasakyan niyang nakasunod sakin nung nakaraan.
Sumasakit na ang ulo ko at hindi ko alam kung kelan matatapos ito. Takot, galit, inis...pagkadismaya—hindi ko na alam kung anong dapat kong maramdaman.
"Bakit nakapasok yung lalaking iyon dito!?" Galit niyang bungad sakin ng pumasok siya sa department namin. "Didn't I told you na ayokong nakikita ang lalaki mong umaaligid dito!?"
Madiin akong napapikit at pagod na umupo sa swivel chair, nandiyan na naman siya.Pumipintig na ang ulo ko at naririndi na ang tenga ko sa kakasigaw niya.
"Ayoko ng gulo, Ivy." Nakapikit ko paring saad. Masakit na talaga ang ulo ko at hindi ko na kayang makipag-diskusiyon sa kanya.
Suminghap siya bago ulit magsalita. "Talagang magkakagulo kapag hindi ka pa tinigilan ng lalaking iyon!"
"Walang ginagawa si Robert sayo kaya wag siya ang pag-initan mo!" Mariin kong minasahe ang ulo matapos kong sumagot.
Pero wala yata talaga siyang balak tumigil dahil narinig ko na lang ang malakas niyang pagsara sa pinto kasabay ng pag-click ng seradura kaya mabilis din akong napadilat.
Salubong ang kilay niya at masama ang tingin sakin. Dahan dahan din siyang lumakad papunta sa pwesto ko kaya kumabog na naman sa takot ang puso ko.
"Ano na naman ang gagawin mo?" Napapagod ko siyang tinignan. Hindi ko pinahalatang kinakabahan ako sa titig niya.
Huminto siya sa mismong harap ko at dahil nakaupo ako ay wala sa sariling nag-angat ako ng tingin para magtama ang mga mata namin.
"Sinabi ko na sayong ayoko ng makita ang lalaking iyon dito. Bakit hindi ka nakikinig?" Mahihimigan ang inis sa boses niya.
"Sinabi ko na din sayong tigilan mo ako diba? Bakit hindi ka nakikinig!?" Pabalik kong tanong sa kanya. Natahimik siya kaya malalim akong napahinga. "Wala ka ng mapapala sakin. Just accept the fact that I no longer feel anything for you!"
Natigilan ako ng makitang lumambot ang tingin niya.
"How could I stop pursuing you when you are still my wife?" Mahina niyang sabi habang daretso ang tingin sakin.
"I'm not your wife, Ivy. Hindi na."
Ilang beses ko ba dapat sabihin sa kanya iyon para maintindihan niya.
Mabilis siyang umiling at nasasaktang tumingin sakin. "No, hon. Don't say that, hmm? We're still married...look!" Inangat niya ang kamay at pinakita sakin ang daliri niya kung saan nakakabit ang— ang wedding ring naming dalawa. "I am still wearing our ring. I-I never take this off of my finger. Not even once!"
Malungkot akong napangiti ng makita ang singsing. Makinang parin iyon katulad ng dati at may kung anong karayom ang tumusok sakin ng maalala ko kung paano ko isinuot sa kanya iyon nung araw na ikasal kami.
Pinigilan ko ang sariling maluha pero taksil ang mga mata ko dahil mabilis iyong tumulo sa pisngi ko.
Damn. Sinabi kong hindi na ako iiyak e, putangina!
"U-Umalis kana!" Mabilis akong tumayo para tumalikod dahil ayokong makita niyang nasasaktan ako pero pinigilan niya ako. Hindi ko na tuloy naitago ang mga luhang kusang lumalabas.
Natigilan siya ng makita ang itsura ko.
"Hon, stop. Please...do-don't cry!" Hinawakan niya ang mukha ko para punasan ang luha pero malakas ko lang iyong tinabig.
She looks so hurt pero wala akong pakialam.
Wala siyang karapatang punasan ang luhang siya rin ang dahilan kung bakit pumapatak. Kasalanan niya kung bakit naging miserable ang buhay ko.
She's a bitch. A merciless psycho with two horn on her head. A total devil that manipulates everything, including me at iyon yung masakit kasi nagtiwala ako e.
I fucking trusted her—With my heart. But what did she do? She broke me... She hurt me... She lied to me...she...she..she cheated on me!
Tangina hindi ko na mabilang ang kasalanan niya sakin para isa-isahin ko pa ngayon. Masyado yung marami at masakit para alalahanin ko pa at balikan.
"Are you happy now?" Malamig kong tanong dito. Wala na akong emosyong maipakita dahil naubos na at daretso na lang ang tingin sa mata niya.
Umiiyak na itong hinawakan ang mukha ko. Pagod na ako at wala na akong lakas na pumalag kaya hinayaan ko siya.
"Stop, cr-crying. Pl..please... Don't cry!" Patuloy niyang pinupunasan ang luha sa mata kong ayaw padin tumigil. "Please, baby...I-I can't see you like th-this... Don't...no..stop!"
I don't know what's happening. My eyes are tired but not from crying kasi hindi naman napapagod ang mata kong umiyak. Sanay na iyan na maglabas ng sandamakmak na luha kaya hindi na ako nagtatakang ayaw tumigil nito ngayon.
Pagod na lang akong nakatingin sa kawalan na parang tangang nakatulala habang tumutulo ang mga luha. Ganon ka sakit ang nararamdaman ko na pinili na lang ng utak kong mamanhid.
It's funny to think that the person who cause this pain.... this tears... Is now the one who's wiping it.
Grabe ang tadhana magbiro. Nakakagago!
If I could have a conversation with destiny then I will tell her or him—what ever their gender is, to fucking get a life, na damn you siya para paglaruan kami ng ganito. Fuck you for giving me a hard time and another fuck you for playing with my heart. Bullshit kang kingina ka!
"Baby, stop..I don't w-want to see your tears anymore....smile please. Th-that's all I want to see. Not this stupid tears, hon!" Umiiyak niyang saad. Patuloy ang pagpunas niya sa pisngi ko pero hindi talaga iyon tumitigil.
How could I stop something that I have no control of? Kusang nalalaglag sa mata ko at hindi ko din alam kung paano pa iyon patitigilin.
"It's your fault... Sinaktan mo ako. Wala kang ibang ginawa kundi lokohin ako at pahirapan!"
Narinig ko ang lalong paghikbi niya. Her face is wet from her own tears pero yung luha ko ang pinupunasan niya.
Her eyes are swollen too. Namumula na din ang mga iyon pero nasa akin lang ang atensiyon niya. Pinipilit padin pahintuin ang mga luhang lumalabas sa mata ko.
"I'm.. I'm sorry. Please, hon forgive me." Nakikiusap niyang saad. "I love you. I love you so much, baby!"
Ang tagal ko ng gustong marinig sa kanya iyon kaya bakit ngayon lang niya sinasabi sakin iyan. Kung kelan...Kung kelan hindi ko na kailangan
Tangina talaga!
"You don't love me. Don't say that ever again."
Mabilis siyang umiling habang umiiyak. "No... I love you! Please, hon. I really do love you!"
Niyakap na niya ako. Mahigpit at parang batang sumuksok sa leeg ko habang humahagulgol sa iyak.
"I love you...so much! I love you to the moon and back, hon!"
To be continued...
YOU ARE READING
A Wife With No Right
Romance"Ayoko na. Tama na!" -Alliston "No. I won't let you go again. Never! If I need to lock you up here in my room then so be it! You're mine, hon. Only mine!" -Ivy __ After a five long years of disappearing from her supposedly life with her wife. Allis...
