Alliston's Pov
Kasalukuyan akong nakatingala sa magarang bahay na nasa harap ko. Kung ano yung reaksiyon ko nung una akong makapunta dito ay ganon pa din at hindi nagbago. Namamangha padin ako at hindi makapaniwala sa ganda ng pagkakagawa ng modern house.
Lumunok muna ako bago pinindot ang doorbell. Dinig ko ang malalakas na tibok ng puso ko dahil sa kaba. Ilang saglit lang ay bumungad sakin ang mukha ng dati kong asawa. Nakamessy bun ito na bumagay sa puting t-shirt na suot at maikling sport shorts.
"Come in!" Nakangiti niya akong pinapasok at hindi na ako nagdalawang isip pumasok.
Dumaretso kami sa sala na gaya ng labas ay naghuhumiyaw din sa karangyaan. Kung hindi ko kilala si Ivy ay iisipin kong nabibilang siya sa royal family sa sobrang gara ng mga gamit na nakikita ko.
"Please be seated. Feel at home!"
Napansin niya siguro ang hindi ko pag-upo kaya niya iyon sinambit. Dahan dahan akong naupo at kinalma ulit ang sarili.
"I.. I want to talk about my daughter!" Wala ng paligoyligoy kong saad. Yun naman talaga ang pinunta ko dito.
Mataman niya akong tinignan. "Let's eat first. Pag-usapan natin habang kumakain!"
Naguguluhan ko siyang tinignan.
"Sorry pero hindi ito simpleng problema, Ivy. I need to find my daughter as soon as possible!" Akala ba niya pumunta ako dito para kumain or pag-usapan ang maliliit na bagay.
This is a serious matter for Pete's sake. My daughter is at stake right now and I need to find her or else who knows what is happening to my baby right now.
"I know and I want us to eat first para maayos tayong makapag-usap."
Tinalikuran niya na ako at wala akong nagawa kundi sundan siya sa hapag. Halos manlaki naman ang mga mata ko ng makitang nakahanda ang lahat ng paborito ko at ni Maddie.
Pinanliitan ko siya ng mata dahil hindi maganda ang kutob ko. Masyado naman ata niyang pinaghandaan ang pagdating ko na nagawa niya pang magpaluto ng ganito karaming pagkain.
"Come and sit." She said and grinned. "Let's talk about our dau... I mean your daughter!" Naupo na siya sinimulang magsandok.
At dahil na din siguro sa wala akong choice ay naupo na lang din ako at sinilbihan ang sarili. Gusto ko ng matapos ito para mahanap na ang anak ko.
"So how does it feel being a mother?"
Natigil ako sa pagnguya ng kinakain bago siya sinulyapan na prente lang na kumakain. "Do I need to answer that right now?" Hindi makapaniwala kong tanong din dahil Wala na kaming oras para diyan ngayon.
"Just answer it!" May diin niyang saad, waring naiinis sa hindi ko malamang dahilan.
"It was good. The feeling is unexplainable pero hindi ito tungkol sakin kundi sa anak ko. Pag-usapan natin kung paano ko siya mahahanap!" Ayokong makipagtalo sa kanya ngayon dahil umaandar ang oras at baka kung napano na ang anak ko.
Saglit siyang natahimik bago muling nagsalita. "Does it hurt you, now that she was gone?"
"Ano bang tanong yan? Of course, kaya ko nga siya hinahanap diba dahil nasasaktan ako na hindi ko siya kasama ngayon!" Tumataas na ang boses ko dahil sa inis. Mukha atang nagkamali akong humingi ng tulong sa kanya.
"So what about me?"
Naguguluhan ko siyang tinigan. " Anong What about you? Anak ko ang issue dito, Ivy!"
Sa lahat ba naman ng oras ngayon pa siya sinumpong ng pagmamaktol niya.
Pagak siyang tumawa. Hindi ko siya maintindihan at mas lalo akong kinabahan ng masama na ang tingin niya sakin.
YOU ARE READING
A Wife With No Right
De TodoAlliston Sudalga is a married woman who always do everything for her beloved wife named Ivy Faye DeVilla even if it hurts her to the core but that seems to have an end because she was tired to the point that she runaway and escaped to their so calle...