Alliston's Pov
Masakit ang katawan ko at nanunuyo ang lalamunan pagkagising. Hindi ko din maramdaman ang mga binti na para akong na-paralized.
That woman is insatiable.
Wala itong kapaguran at kada matatapos kami ay lagi itong humihirit ng isa hanggang sa hindi ko na mabilang. Hindi ko na din alam kung anong oras kami natapos at basta na lang ako natulog nung maramdaman kong wala na akong lakas.
Pasalamat na lang ako ng makitang wala na akong katabi sa kama.
Mabilis akong tumayo at lumakad papuntang banyo kahit masakit ang gitna ko na dahilan para mahirapan akong lumakad ng maayos.
Pinilit kong mag-ayos ng sarili kahit himihiyaw ang kirot at hapdi sa buong katawan ko.
Maingat akong lumabas ng kwarto, matapos mag-ayos. Walang tao at tahimik na paligid ang bumungad sakin.
Mabilis naman ang kilos kong kinuha ang mga gamit at nagmamadaling tinungo ang pinto pero hindi ko iyon mabuksan. Ilang pihit pa ang ginawa ko sa seradura pero ayaw talaga niyon bumukas.
Right. She won't just let me leave just like that!
Nanghihina na lang akong napayuko dahil sa inis.
Sa backdoor na lang ako dadaan kung sakali pero ganon na lang ang gulat ko ng makitang nakahamba sa railings ng hagdan ang babaeng tinatakasan ko.
Matalas ang mga mata nitong nakatingin sakin.
"So eager to leave. I see!" She coldly said habang mabagal na lumalapit sakin. Umiling iling pa ito habang mahinang natatawa. "You never learn, hon. Matigas parin ang ulo mo!"
Sinamaan ko siya ng tingin. "Anong gusto mo matuwa ako sa mga ginagawa mo?"
Hindi siya sumagot at nakangising patuloy na naglakad hanggang sa makalapit ito sa harap ko.
"I can't help it. It's your fault, hon. You're too sexy." Hinapit pa niya ang bewang ko at hinila ako palapit sa kanya. Napaiwas nalang ako ng tingin dahil ayokong masamyo ang amoy niya. "And you're mine."
"Nasaan na ang anak ko?" Rekta kong tanong.
Wala na akong panahon makipag-lokohan sa kanya.
"Ours. Anak natin!"
Mabilis akong bumaling sa kanya at masama ang mga tinging pinupukol ko dito.
"Anong sinasabi mo?" Pagak pa akong natawa na hindi makapaniwala sa sinasabi ng babaeng nasa harap ko.
Her gripped on my waist tighten. Napapikit naman ako dahil masakit nga ang katawan ko kaya nararamdaman ko ang kirot lalo pa ng pisilin niya ang bewang ko.
"Don't start with me, Alliston. Anak ko din si Maddie and I have a Fair share and right on her!!" She's fuming mad.
Alam ko naman iyon, but she can't just keep my daughter away from me like it was nothing.
"Sinabi ko na sayo. Okay lang na magpaka-ina ka sa kanya."
Sumilay naman ang ngiti nito pero saglit lang iyon dahil nawala din iyon agad.
"How about you? May karapatan din naman ako sayo." Mahina niyang saad!
Naningkit naman ang mga mata ko. Masyado na siyang namimihasa porket alam niyang na sakanya ang anak ko.
"Wala kang karapatan. Wala na!" Daretso ang tingin ko dito.
I felt her arms loosen and she looked at me with her eyes filled with emotions.
YOU ARE READING
A Wife With No Right
Romance"Ayoko na. Tama na!" -Alliston "No. I won't let you go again. Never! If I need to lock you up here in my room then so be it! You're mine, hon. Only mine!" -Ivy __ After a five long years of disappearing from her supposedly life with her wife. Allis...
