AWWNR18

12 2 0
                                    

Pinagkita ko na ang mag-ina sa previous chapter... Medyo mabilis, I know pero yun din naman ang inaabangan niyo hahahaha!!

Babaliwin ko lang lalo si Ivy kase inis din ako, haha. Any way happy reading everyone!!

************************

Alliston's Pov

"Alli, pwede ko ba ulit hiramin si Madie?"

Napatingin ako kay Robert ng ipaalam niya sakin si Madie. "Saan mo na naman siya dadalhin?" taas kilay kong tanong.

"Gusto ko lang siyang isama sa family dinner namin sa bahay. Darating kasi si ate Melanie sa makalawa!"

Nangunot ang noo ko. Para kasing narinig ko na ang pangalang Melanie pero hindi ko matandaan kung saan at kanino.

"Ganon ba?" sumulyap ako sa calendar na nakasabit sa likod ng pinto. "Kelan mo ba siya hihiramin?" tanong ko pa dito.

"Sa makalawa din. Yung araw ng dating ni ate Melanie para naman maipakilala ko si Madie sa kanya!"

"Sige pero Robert, ingatan mo ang anak ko. Ayokong maulit yung nangyari nung nakaraan!"

"Yes, Alli. Makakaasa ka!"

Di na lang ako sumagot dahil naghahanda ako ng pagkain at malapit ng magising yung chikiting ko. For sure, maghahanap na naman yun ng pancake with strawberry syrup.

Abala ako sa pagluluto ng biglang may mga brasong pumulupot sa bewang ko. Bigla akong natigilan at palihim na kumakalas pero mas lalo lang hinigpitan nito ang kapit sakin.

"Ro-Robert! What the hell are you doing?" pabulong kong saad. Nagpipigil akong magalit pero may konting inis na akong nararamdaman dito.

"Sandali lang." dinig ko pa ang paghinga nito dahil malapit lang sa tenga ko ang bibig niya. "Hayaan mo lang muna ako. Kahit ngayon lang, Alli!"

"Pero mali ito!" Muli akong kumalas pero sadyang mahigpit ang kapit niya.

"Kailan pa naging mali ang yakapin ka?" mas lalong humigpit ang yakap niya. "Until now ay hindi ko pa din matanggap na hindi mo ako magawang mahalin!"

Nagulat ako sa sinabi niya pero di ko pinahalata. Akala ko malinaw na sa kanya ang lahat pero mukhang hindi pa pala dahil hanggang ngayon ay umaasa parin ito. Pumikit ako para kalmahin ang sarili. Ayokong makapagsalita ng bagay na pagsisisihan ko din sa huli.

"Look, I don't want to say this but you knew what I really feel towards you. I love you but I don't love you the way you wanted me to love you!" Mahaba kong litanya, nagpapaintindi.

"Then why don't you try. Kahit paunti-unti lang muna hanggang sa makayanan mo na akong mahalin ng buo. Hanggang sa mahalin mo ako ng higit pa sa pagmamahal mo kay Ivy!" Puno ng sinsero niyang saad, nagmamakaawa na hindi ko maintindihan ang tono ng boses niya.

Natahimik ako. Hindi ko alam kung paano ako sasagot dahil alam kong masasaktan ko siya pero kahit saan ko tignan ay talagang masasaktan ko siya dahil hindi ko naman kayang ibalik ang nararamdaman niya para sakin. Hindi ko siya kayang mahalin ng higit pa sa pagmamahal ko kay Ivy.

Dahil kahit na sabihin pa na sukdulan ang galit ko sa taong yun at mahirap na para sakin ang magpatawad ay hindi ko parin maikakaila na hanggang ngayon...hanggang ngayon ay may nararamdaman parin ako at hindi ko alam kung kelan yun magbabago!!

Pilit kong kinalas ang yakap niya at nagtagumpay ako kaya mabilis ko itong hinarap. Kita ko sa mga mata niya ang pagsusumamo at sakit pero wala akong alam na paraan para gumaan ang pakiramdam niya.

"I'm sorry." halos pabulong kong saad. "Sorry but I can't love you that way. God knows that I tried to love you, Robert but my heart won't let me." I tried my best para ipaintindi sa kanya na hindi ko kayang ibigay ang hinihingi niya.

"Dahil ba hanggang ngayon mahal mo parin yung babaeng yun? Ganon ka na ba katanga para patuloy mo parin siyang mahalin?" Sunod-sunod niyang tanong kaya napapalingon ako sa kwarto ni Madie dahil lumalakas na ang boses ni Robert. "Niloko ka na nga niya eh. Pinaglaruan at sinaktan tapos hanggang ngayon hindi mo parin kinalilimutan yung nararamdaman mo para sa babaeng iyon. Ni hindi ka nga niya pinanagutan sa pagbubuntis mo, ako yung nandoon at nag-alaga sayo at sa anak mo tapos wala man lang akong pwesto diyan sa puso mo!"

Sa tagal na naming magkaibigan at sa tagal na ng panahon na alam kong may nararamdaman siya sakin ay hindi ko pa narinig sa kanya ang mga ganitong salita.

"Robert, Hindi mo naiintindi-"

"Anong hindi ko naiintindihan?" Agad niyang putol sa dapat na sasabihin ko. "Na hindi mo ako kayang mahalin at si Ivy parin hanggang ngayon?" nasasaktan niyang tanong sakin.

Huminga ako ng malalim. "Hindi kasi ganon kadali na kalimutan yung pinagsamahan namin, Robert. Intindihin mo naman yung pinanggagalingan ko!" nauubusan na din ako ng pasensiya dahil paulit-ulit na lang kami sa ganitong usapin.

"Then paano naman ako, Ano na lang ako sa buhay mo, Alli?" nasasaktan niyang tanong, hindi ako nakaimik. "Ako yung nandito pero bakit ako pa yung walang pwesto! Ano bang kailangan kong gawin para mahalin mo din ako?" napapagod na din niyang tanong. Waring pilit din na pinapaintindi sakin yung pinupunto niya.

Walang akong maisagot na napapaiwas ng tingin. Hindi ko alam ang sasabihin ko at natataranta na ako na baka madinig ni Madie ang mga pinagsasabi ni Robert.

Hindi ko din alam kung paano ko siya sasagutin ng hindi siya tuluyang masasaktan. Masyado ng masakit sa pandinig ang mga sinasabi niya at inaamin kong tinatablan ako niyon.

Mataman akong tumingin sa kanya at ako na ang kusang yumakap dito. Batid kong nagulat siya doon pero hindi naman niya ako tinulak pero hindi rin siya gumanti ng yakap. Kailangan may gawin ako para kahit papaano ay kumalma siya.

"Sorry." malambing kong saad bago huminga ng malalim. Ito lang ang paraan na pwede kong gawin para hindi na siya masaktan. "Don't worry, Robert because from now on ay pipilitin kong ibaling sayo ang nararamdaman ko. Just please..huwag mo akong madaliin!!"

Dama ko ang paninigas niya dahil sa sinabi ko pero kalaunan din ay gumanti na ito ng yakap. Mas mahigpit pa kesa sa yakap niya kanina sakin.

"I'm sorry din sa mga sinabi ko. Hindi ko lang talaga napigilan na sabihin yung matagal ko ng kinikimkim eh! Ang tagal ko ng naghihintay and thank god dahil pinagbigyan mo na din ako sa wakas." bakas sa boses niya ang saya pero bakit wala akong maramdaman.

Parang namanhid ang buong katawan ko at bigla akong nanlata na hindi ko maintindihan. Ganito ba talaga ang pakiramdam kapag pinag-aaralan mo lang na mahalin ang isang tao?

Kahit pa gusto kong matuwa ay nagiging pilit lang iyon na lalong nagpapabigat sa nararamdaman ko.

But i still want to try things with him because maybe..just maybe i can love him the way i love Ivy or even way better than her!!

Pagod na din kasi ako sa nararamdaman ko at sa paulit-ulit na tinitibok ng puso ko. It's always been craving, longing and calling for her name and her alone.

At gusto ko ng baguhin iyon dahil wala naman ng patutunguhan itong nararamdaman ko. Atleast Robert is here and ready to catch me even though his not the one I'd fell into.

Baka pwede ko naman subukan. Wala naman sigurong masama kung pipilitin ko ang sarili. After all hindi na din iba sakin si Robert. Matagal na din kaming nagkasama kaya lang ngayon ko palang binuksan ang sarili ko para sa kanya.

Hindi madali ang gagawin ko pero sana kayain ng puso ko.

To be continued...

A Wife With No RightWhere stories live. Discover now