We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

AWWNR 23

1.5K 59 14
                                        

Ivy's Pov

I drove my car back to my mansion to where I left my wife.

She can't leave the village just like that dahil binilin ko na sa guard ng village na wag palalabasin yung babaeng bumisita sakin kanina.

I'm furious. Nanginginig na ang kamay kong madiin na nakakapit sa steering wheel at kating kati na akong makarating pabalik sa mansion.

Malayo palang ay nakita ko na ang bulto ng babaeng nakaupo sa gatter ng bahay ko at nakayukong habang yakap ang mga tuhod.

She is shaking and when I approached her, I heard her silent cries.

I felt guilty once again and somehow, I'm hurt because I know that she is hurting right now.

All because of me.

I ignored the feeling that seeping through my chest then grabbed her arm, not that hard but not that gentle too.

Nagulat siya syempre pero hindi ko na siya pinansin at agad na hinila ito papasok ulit ng bahay. Padarag ko siyang kinaladkad at marahang tinulak sa sofa bago ko kinuha yung portable chair sa gilid at paharap akong umupo sa kanya.

"Now talk!" I said, coldly.

Hindi siya sumagot at tuloy padin sa pag-iyak kaya naman bago pa ako tuluyang bumigay ay sinabi ko na ang dapat.

"Kapag hindi ka nagsalita ay hindi ko na talaga ihaharap ang anak natin sayo!"

Sukat sa narinig ay mabilis itong napalingon sakin at galit akong tinignan.

"What are you talking about? I have a right to see her, Ivy. So don't you dare take her away from me. She is mine!" She said while glaring at me angrily.

Pagak akong natawa.

"So what about me? Isn't it my right too since I am her mother? Pinagkait mo din siya sakin ng wala akong kaalam alam na may anak tayo. You run away as if you hadn't took something important from me!" Hindi ko na napigilan ang pagsigaw kaya napaiwas siya ng tingin.

Nauubusan ako ng pasensyang tumingin sa kanya. Gusto ko ilabas lahat ng nararamdaman ko ngayon dahil hindi ko parin matanggap ang sinabi ng anak ko.

"It hurt me, knowing that I became a mother but I am clueless about that. That there is a small fragile baby who was born and I am her mother pero wala akong alam. Yung pagkakataon na makarga ko siya at maalagan kapag umiiyak siya sa gabi or the times that you were on your pregnancy and your craving something tapos ibibigay ko yun sayo. Yung marinig ko yung lahat ng first ng anak ko at makita ko lahat ng iyon ay hindi ko nagawa." Mariing sigaw ko dito.

Ang daming oras na nasayang dahil sa putanginang pagtatago niya. Ang sama sama ng loob ko at hindi ko alam kung paano ko pagagain ang lahat.

Wala parin siyang imik kaya, nasasaktan akong nagpatuloy.

"Her first cries to her first words, her first crawl to her first walk and everything. I badly want to witness all of that but I missed my chance because you took her away from me!"

Ayokong manumbat pero yun yung naging dating ng tono ko dahil yun yung nararamdaman ko. Gusto kong sabihin lahat ng hinanakit ko pero masyadong marami lahat ng iyon para matapos ko lahat sa isang gabi lang.

"Hindi ko ginusto yun!" Mahina niyang sagot.

Sa haba at dami ng sinabi ko, yun lang ang isasagot niya kaya nakakaputol ng pasensiya.

"Hindi mo ginusto pero ginawa mo? Anong klaseng dahilan yan? Lalo mo lang akong pinagmumukhang tanga sa mga dahilan mo!" Galit ako at dahil siya ang dahilan nito mas mabuting sa kanya ko maibunton tutal naman hindi ako magkakaganito kung hindi dahil sa kanya.

A Wife With No RightStories to obsess over. Discover now