AWWNR1

67 2 0
                                        

Alliston's Pov

Maaga akong nagising para maghanda ng almusal namin nila mama. Nakangiti kong pinagmasdan ang pancake na hinuhulma ko dahil siguradong maglalaway na naman yung pinakamatakaw samin.

Ilang minuto lang at handa na ang pagkain namin. Lalo pang lumawak ang ngiti ko ng marinig ang mabilis na yabag pababa ng hagdan.

"Good morning, mama!" malakas na bati sakin ni Madison kaya sinalubong ko ito at agad na kinalong.

"How's my baby?" tanong ko dito at kinapa ang bandang likod niya. Baka napapawisan na pala ito at matuyuan na lang ng pawis. Mabilis pa naman siyang sipunin.

"Fine, mama" nangiti ako ng humalik ito sa pisngi ko. She's really sweet and adorable.

Inilapag ko ito sa katabi kong silya. Agad namang nagningning yung mga mata nito ng makita ang mga pancakes sa mesa.

Nilagyan ko ito sa platito niya at kinuha yung chocolate syrup. Konti lang yung nilagay ko dahil bawal ito sa matatamis.

"Good morning, Granny"

Napalingon ako sa likod at nakita si mama na nakangiti habang pinapanood si Madie na kumakain ng paborito nito.

"Kain na po,Ma" alok ko dito at kumuha ng isa pang platito para kay mama.

Masaya kaming kumain habang pinpakinggan ang mga kwento ni Madie tungkol sa mga niregalong libro ng lola niya. Ng matapos kaming kumain ay inako ni mama ang pagliligpit. Kinalong ko naman ulit si Madie paakyat sa kwarto para maligo. Ngayon kasi ang first day ng school nito at kailangan kong bantayan ito dun para masigurong hindi ito gagawa ng kalokohan.

I enrolled her in kindergarten. She was only a four year old kid but her thinking is beyond of her age. Parang matanda ito kung magsalita at palaging sabik na matuto. Ni hindi ko nga tinuruan itong magbilang basta nagulat na lang ako na nagrerecite na ito ng mga numbers kaya mula nun ay tinuruan ko na rin ito sa alphabets at paunti-unti itong natuto na bumasa kahit paputol putol pa. Last year nga dapat ito nag-start na mag-aral kaya lang hindi natuloy dahil first day palang gumawa na ng kalokohan sa teacher niya. Kaya i decided na wag muna siyang mag-aral at baka mas gusto niya pa munang maglaro.

"Behave, Madie" paalala ko pa dito habang nilalagyan ng pulbo yung likod niya.

"okay"simpleng sagot lang nito.

"Seryoso ako at babantayan kita" sinubukan kong lagyan ng konting pagbabanta yung boses ko para matakot ito pero i guess kilala talaga ako ng anak ko.

Ngumiti lang ito sakin ng pagkatamis-tamis at paulit-ulit na hinalikan yung pisngi ko.
Unti unti narin na humupa yung seryosong mukha ko at di ko na napigilan ang mapangiti. Alam talaga niya kung paano ako palambutin sa simpleng galawan niya.

"I love you, mama"

Bulong sakin nito at mahigpit na yumakap. Niyakap ko rin ito. "I love you too, baby"

Hinanda ko ang mga gamit nito at ng masigurong okay na ang lahat ay hinatid ko na ito sa daycare na papasukan niya. Inayos ko pa ulit ng konti yung buhok niya bago ko tuluyang pinapasok sa loob.

"You don't have to look for me. I'll behave, i promise!" she gave me her assuring smile and i know that she will going to do that.

Tumango lang ako dito at humalik ulit sa ulo niya. Inantay ko pa itong makapasok bago ako umalis doon.

Ng makarating ako sa bahay ay nandun si mama at hawak ang maliit na kahon na may disenyong kung ano-ano. Matagal tagal na rin ng huli ko itong nakita kaya nga tinago ko yan sa pinakasulok ng bahay. Yung hindi masyadong napupuntahan ng tao lalo na si Madie.

A Wife With No RightWhere stories live. Discover now