Alliston's Pov
"Baby, may masakit pa ba sayo? Tell it to mama para maagapan ko."
"I'm fine na po. But my hand is hurting because of this thing." Itinaas niya ang kaliwang kamay na may nakakabit na swero. "I could feel the needle inside at saka kapag may nilalagay yung nurse mas lalo pong sumasakit. Other than that wala na pong masakit sakin, Mama." She said then smiled at me, showing her perfectly white teeth.
"Don't worry. Just a few more days na lang then they will remove that tapos we will go home na." Nahawa ako ng ngiti ng masaya itong tumango sakin. Ayoko din naman na magtagal pa siya dito kaya ginagawa ko din talaga lahat para gumaling na siya agad.
Nagrereklamo kasi ito na wala daw lasa ang pagkain na nirarasiyon dito. Kaya para ganahan siya kumain ay nagluluto na lang ako then dinadala ko dito. Pinapainom ko din ito ng maraming tubig dahil isa yun sa bilin ng doctor niya.
"Mama, can you buy me an ice-cream?"
"No." Mabilis kong tanggi kaya bigla din itong nalungkot doon. "You can't eat that unless you're totally fine. Huwag matigas ang ulo, anak."
Hindi na ito sumagot pero nakita ko naman ang marahan niyang pagtango. Kahit naman mahal na mahal ko si Madie ay hindi ko parin kinukonsinti ang mga bawal at hindi niya pwedeng gawin.
Kahapon galing ako sa school niya at nakiusap na baka pwede muna siyang hindi pumasok ng isang buwan dahil nga sa naging sakit niya. Pumayag naman ang principal pero kung mas maaga daw gagaling ang bata ay pwede na daw itong papasukin na agad ko naman din sinang-ayonan. Si Robert din naman ang bantay sa kanya kahapon kaya nakaalis ako pero hindi pa ako ulit nakakapasok sa kompanya.
Mula din nung huling pamimilit sakin ni Ivy at hindi ko sinasadyang maamin sa kanya na may anak ako ay hindi na rin ito nagpakita sakin. Natutuwa din ako dahil para akong nakalaya kahit papaano sa kanya. Kung ano yung higpit na naramdaman ko noon sa kanya ay mas naging grabe ngayon na halos bantayan niya ako magdamag.
"Mama, hindi po ba pupunta ngayon si tito Robert? I want him to read bed time stories for me kasi hindi pa po niya natatapos yung last story na binasa niya sakin yesterday." She cutely asked.
Napangiti ako. My baby is so adorable.
"I'm not sure, anak. He was busy all day at hindi ko pa siya nakakausap mula kanina but I will text him, baby." Tumango lang ito at hinalikan ako sa pisngi then humiga na siya at natulog.
Natutuwa kong pinagmasdan ang anak ko. I can see that she was taking her time like a normal kids does. Yung mga hindi ko naranasan nung bata ako ay talagang sa kanya ko pinaparanas. I always bought her a toy pero hindi naman marami para lang kahit papaano ay hindi siya nababagot but my baby prefer reading a books or anything na makakadagdag sa knowledge niya.
Pinapasyal ko din siya kapag may free time ako. Nung bata kasi ako ay hindi ko naranasan makapasyal kasama si mama dahil may trabaho siya at halos lahat ng oras niya napupunta doon dahil nga mahirap lang kami at kailangan niyang kumayod para makapag-aral ako. Si papa naman busy pumasada ng jeep noon kaya madalas itong gabi na din kung unuwi. But I am still happy though kasi naintindihan ko naman kung bakit nila ginawa yun.
Then here comes my very close friend, Robert who always there to read bed time stories kaya minsan hindi na nakakatulog ang anak ko kapag hindi mo binabasahan o kaya kinukwentuhan.
Masaya akong makita na maayos ko siyang napapalaki. Lumalaki siyang matalino at wais. Kapag may mga bilin ako ay lagi niyang sinusunod. Nakikita ko na rin ang gandang taglay niya na alam ko kung kanino niya namana. Habang lumalaki siya ay mas lalo niyang nakukuha ang similarity ng itsura niya kay Ivy.
YOU ARE READING
A Wife With No Right
Romance"Ayoko na. Tama na!" -Alliston "No. I won't let you go again. Never! If I need to lock you up here in my room then so be it! You're mine, hon. Only mine!" -Ivy __ After a five long years of disappearing from her supposedly life with her wife. Allis...
