We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

AWWNR19

1.3K 48 0
                                        

Alliston's Pov

Ilang araw na ang lumipas mula ng magsimulang maging mas affectionate sakin si Robert.

Medyo nakakailang pa kasi hindi ako sanay na hahalikan niya sa noo at maya't-mayang niyayakap.

Nandito parin kasi yung pakiramdam na parang may pinagtataksilan ako, na hindi ko pwedeng gawin yun kasi may magagalit o kaya naman may masasaktan ako.

Sa nakalipas din na araw ay hindi na ako ginugulo ni Ivy. Wala akong narinig na kahit ano sa kanya at hindi rin ito nagpakita man lang.

Matapos nung nangyari nung nakaraan ay hindi na kami nagkita pa. Napansin ko din ang kakaibang tingin na pinupukol niya sakin nung mga oras na iyon.

Iba din ang trato niya kay Madie na malayo sa ugali niyang walang pakialam sa mga bata.

Hindi naman ako nagrereklamo na magaan ang loob niya sa anak ko.

Naninibago lang talaga ako kasi unang kita palang nila yun at kung ako ang tatanungin, hindi niya gawain ang magbigay ng sobrang atensiyon sa iba lalo na sa mga bata.

But Madison is not just some kind of kids, she's her daughter also. A full blooded DeVilla!!

Tila naman magandang pelikula na nag-play sa utak ko ang tagpo noon sa mall kung saan magkasundong magkasundo ang dalawa na akala mo matagal ng magkakilala.

Talaga namang tumalon ang puso ko at parang may kung anong kamay pa ang humaplos doon ng makitang magkasama ang dalawa.

Parehong tumatawa at masayang nag-uusap.

Pero mabilis din namang nawala ang saya na iyon at ang tila kamay na humaplos sa puso ko ay napalitan ng mariing pagpisil na nagpakirot sa dadamdamin ko ng maalalang wala silang alam na magkadugo sila.

Parehong walang kamalay malay na mag-ina pala sila, na buong pamilya kaming matatawag nung araw na iyon. Ang sakit lang isipin na walang may alam na nabuo na pala ang pamilya namin kundi ako lang.

Ang sarap na nararamdaman ko at gaan ng loob nung araw na iyon ay napapalitan ng bigat at konsensiya sa tuwing tatawagin ni Madie ang sarili niyang ina ng 'ate ganda'.

Ako ang nasasaktan para kay Ivy pero wala naman akong magawa. Gustohin ko man na itama ang anak ko at sabihing mama niya din yun ay hindi ko magawa kasi nauunahan ako ng takot.

Natatakot ako na baka kunin niya sakin si Madie at ilayo kagaya ng ginawa ko noon dito.

Bigla akong natauhan sa pag-iisip ng may mahinang tumapik sa balikat ko na agad ko din namang nilingon at ganon na lang ang gulat ko ng makita ang boss kong nasa tabi ko.

"Ayos ka lang ba? Kanina pa kita tinatawag pero hindi ka sumasagot!" Tanong nito habang nakatingin sakin.

Nahihiya tuloy akong tumutok ulit sa computer ko. Nakalimutan kong nasa trabaho pala ako pero ang isip ko ay lumilipad kung saan-saan.

"A-ayos lang po, ma'am!" Nauutal kong saad ng makitang hindi pa ito umaalis.

"Are you sure?"

Mabilis akong tumango. "Opo. May ipapagawa po ba kayo?" pag-iiba ko ng topic.

"Nothing. Kukunin ko lang yung draft mo para sa upcoming meeting this friday!"

"Okay po, ma'am. Send ko na lang po sa email niyo, tatapusin ko lang po muna."

"Just take your time!" yun lang ang sagot niya bago eleganteng lumakad palabas ng department namin.

Nakahinga ako ng maluwag ng tuluyan itong nawala sa paningin ko. Ang lalim naman kasi ng iniisip ko kaya hindi ako makapag-focus sa trabaho.

Himala lang na hindi siya badtrip ngayon.

Ang boss kong ubod ng sungit at parang hindi yata marunong ngumiti ay hindi ako sininghalan.

__

"Mama."

Parang bulang nawala ang pagod ko ng salubungin ako ng anak ko sa labas ng building.

"Why didn't you come inside?" Tanong ko kay Robert matapos halikan ang anak ko.

"We just wanted to surprise you."

Nangunot ang noo ko."Surprise me?"

Naguguluhan kong tanong kay Robert pero ngumiti lang ito at lumapit sakin but what shocked me more is when he kissed me on the lips, infront of my beloved baby!

Nanlalaki ang mga mata kong tumingin sa kanya at sinilip ko agad ang anak ko pero nakatakip na ito ng mata.

Palihim kong kinabig ang sarili para mawala ang pagkagulat ko.

"Mama, is that true?" Biglang tanong ng anak ko matapos tanggalin ang kamay niyang nakatakip sa mata.

"What true?"

Nagkatinginan muna sila ni Robert bago nakangiting bumaling sakin si Madie.

"That tito Robert is my official daddy from now on?" Ang laki ng ngiti niyang tinanong sakin iyon.

Ako naman ngayon ang sandaling natigilan. Tinignan ko si Robert na malaki din ang ngiti at pareho nilang inaantay ang sagot ko.

Hindi namin napag-usapan ni Robert ang tungkol dito.

Tumikhim muna ako bago nagsalita. "Do you want your tito Robert to be your daddy?"

Gusto kong malaman ang isasagot ng anak ko. Ayokong magdesisyon ng hindi siya tinatanong.

"Yes. I want it po!" Sunod-sunod  pa itong tumango.

Mabilis siyang binuhat ni Robert at sinsayaw sayaw pa, halatang natuwa sa sinagot ng anak ko.

"Thank you, baby. You don't know how much happy I am that you want me to be your daddy!" Malambing na sabi ni Robert sa anak ko.

"Me too...Daddy!"

Halos tumibok ng malakas ang puso ko sa narinig. Pinipisil ang puso ko na hindi ko maintindihan ng tawagin ng anak ko si Robert na daddy.

Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Dapat masaya ako dahil masaya ang anak ko pero bakit ganito.

Nasasaktan ako!

Palihim kong pinunasan ang luhang kumawala sa mga mata ko.

"Mama, why are you crying?" Biglang tanong ng anak ko. Nakita niya marahil ang ginawa ko.

Umiling lang ako dito.

"Nothing, baby. Mama was just so happy!"

Masaya kong saad kahit deep inside pakiramadam ko na may kulang padin, na hindi padin buo ang puso ko kasi isang tao lang ang inaasahan kong bubuo niyon pero hindi yun mangyayari.

Hindi na!

Ako ang pumili nito. Ito ang tama at dapat kong gawin para sa anak ko at ayokong maranasan niya ang mga paghihirap na naranasan ko noon.

As long as Madie is happy kahit pa hindi ko gusto ang mga desisyon ko kung para naman sa ikakabuti niya at ikakaganda ng kinabukasan niya ay pikit mata kong gagawin.

Dapat ko na talagang kalimutan ang nakaraan. Deserve ko din naman sigurong lumaya sa sakit na hanggang ngayon hindi parin nawawala.

To continued...

A Wife With No RightStories to obsess over. Discover now