Alliston's Pov
Ilang linggo na akong hindi mapakali at nung araw na nagkausap kami ni Ivy ay parang gusto ko na namang umalis at bumalik na lang sa probinsiya. Pumapasok parin ako sa kompanya pero lagi ng may kaba kapag nandoon na ako.
Hindi ko siya maintindihan. Umalis na ako sa buhay niya dahil alam kong hindi na niya ako mahal at hindi ko na din kayang tiisin ang pagpapahirap na ginagawa niya sakin noon. Yung mga pambabalewala, yung mga kasinungalingan, yung mga panloloko niya—lahat iyon ayoko ng maalala at mas lalong ayoko ng maulit ulit.
But that day...
That day is different. She sound so... sorry. So sincere at hindi ko man aminin ay alam ko sa sarili kong naapektuhan ako.
"Gusto mo bang lumipat ng trabaho? Pwede kitang kunin agad." Nag-aalalang alok pa sakin ni Robert. I told him what happend. Kumpleto at buo.
Umiling ako. "Wag na. Hindi nadin naman siya ulit nagpakita."
Matapos ng nangyari nung nakaran ay wala na itong paramdam. Mas maigi na din iyon dahil ayoko ng makarinig ng kung anong kasinungalingan galing sa kanya.
"Dahil hinahatid sundo na kita kaya hindi siya lumalapit." Pabalya niyang saad. Nahihimigan ko ang inis sa boses nito kaya hinawakan ko siya sa braso.
Tulog pa si Madison at ayaw kong magising ito dahil gumawa pa siya ng assignment kagabi. Nagsimula na rin kasi itong pumasok nung mga nakaraang araw.
"Calm down, baka magising mo si Madie." Saway ko dito.
Kita ko ang mabilis nitong paghinga na tandang sinusubukang kalmahin ang sarili niya. Hindi kasi nito namamalayang lumalakas ang boses niya kapag nagagalit.
"Tara na. Ihahatid kita ulit pero this time hanggang sa department mo na!" Seryoso niyang saad kaya natahimik na lang ako at hinayaan na lang siya.
Tulad ng sabi nito ay hinatid niya nga ako hanggang sa loob ng kompanya. Nagulat pa ako ng bigla itong yumakap sakin at humalik sa pisngi ko. Pinili kong hindi na lang pansinin iyon at nginitian na lang ito saka ako dumaretso sa cubicle ko.
Maayos naman ang trabaho ko at hindi ko namalayan na lunch time na pala kung hindi pa ako tinapik ng isa sa mga ka-office mates ko. Tinanguan ko lang ito at sinabing susunod na lang ako.
Ilang minuto pa ang lumipas at ako nalang ang naiwan pero bigla akong nakaramdam ng ilang na parang may nakatingin. Hindi ako nagkamali dahil agad na nagtama ang mata namin ng mag-angat ako ng ulo.
She's here. Again.
Nakangiti siya. Ngiting alam kong pilit dahil hindi iyon umabot sa mata.
"What are you doing here?" Malamig ang boses kong tanong. Hindi ko inaasahan ang bigla niyang pagsulpot ngayon dahil ilang araw na ang nakalipas nung huli naming pagkikita.
Hindi siya umimik. Nagsimula lang siyang maglakad papalapit, kasabay din niyon ang biglang paglakas ng tibok ng puso ko.
"Let's eat lunch, malapit ng matapos ang break time kaya dinalhan na kita!" Inangat pa niya ang magkabilang kamay na may hawak na plastic bags.
Tinignan ko lang siya habang isa-isa niyang nilalabas ang mga food container at maayos na sinalansan iyon sa mesa ko.
Ang totoo ay nagugutom na talaga ako pero ayokong makasabay siya sa pagkain kaya tumanggi ako. "No, thanks. Busog pa ako at marami rin akong ginagawa."
"Come on, hon. I know your hungry and I bought your favorite spicy chicken!" She smiled at me.
Bahagya akong natigilan. Wala sa pagkain ang atensiyon ko dahil ang tanging pumukaw sa pandinig ko ay ang pagtawag nito sakin ng 'Hon'. We used to call each other with that endearment when we were still okay five years ago.
Malalim akong napahinga. Bigla ko na naman naalala ang mga nangyari noon.
"I am not hungry." Tanging sambit ko dito pero talagang matigas ang ulo niya dahil parang wala lang itong narinig na binuksan ang mga container.
Umalingasaw ang mabangong amoy ng mga iyon at hindi ko napigilan ang pagkulo ng aking tiyan. Nahihiya tuloy akong nag-iwas ng tingin.
"Yeah, you're not hungry!" natatawa pa niyang bulong pero narinig ko. Nakangiti niya pang inaabot sakin ang utensils kaya wala na akong nagawa kundi tanggapin iyon.
Naiilang ako dahil nakatingin lang ito sakin at pinapanood akong kumain habang nakangiti. Pinilit ko na lang ang sariling ubusin ang kinakain kahit nawawalan na ako ng gana.
Tumikhim ako at niligpit ang mga pinagkainan ng matapos.
"I'm done. Makakaalis kana!" Pagtataboy ko dito kasabay ng pagtayo ko para itapon ang mga kalat pero nakabalik na ako't lahat ay nandoon parin ito kaya inis ko siyang tinignan.
"Bakit nandito ka pa?" Tanong ko ng makalapit ako dito. Naninita.
"Ihahatid kita mamaya!" Mabilis niyang sagot.
Halos lumuwa naman ang mga mata ko sa narinig kaya agad na naman dinagsa ng kaba ang dibdib ko. Hindi niya pwedeng malaman kung saan ako nakatira at mas lalong hindi nito pwedeng makita ang anak ko.
"No need. May sundo na ako!" Mabilis kong tanggi and I want to congratulate myself for not stuttering in front of her.
Nakita ko ang pagsalubong ng kilay nito at parang dumilim bigla ang mga mata niya. She deeply sighed then walk towards me kaya umatras ako.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Naguguluhan kong tanong at patuloy akong umatras ng muli siyang humakbang palapit. "Stop it. Don't come near me!"
Diretso niya akong tinignan sa mga mata. Gusto kong matakot sa klase ng tingin na binibigay niya pero nilakasan ko ang loob at sinalubong iyon.
"Gusto lang kitang ihatid!" Mahina ngunit may diin niyang saad sakin. Nagpupumilit.
"And I told you na may sundo na ako!" Pag-uulit ko.
Ano bang mahirap intindihin sa sinabi ko para ipilit niya ang gusto niya?
Nakita ko ang pagtiim ng bagang niya na pawang konokontrol ang sarili at hindi ko maintindihan kung bakit siya pa nagagalit kung ako itong pilit niyang ginugulo ngayon.
Madiin siyang pumikit bago ako muling hinarap pero mas natakot ako ng nag iba ang paraan niya ng pagtingin. Malinaw kong nakikita sa mata niya ang galit na mas lalong nagpatakot sakin.
Nanlilisik at matalim. Kung nakamamatay lang ang tingin ay baka nakabulagta na ako ngayon.
"Don't make it hard for me, hon. You know how pushy I am and I don't take no as an answer, lalo na kung galing sayo. I dont want to get mad and trust me... You don't want to see me go mad either!" Madiin niyang saad habang igting ang panga.
Hindi ako makapag-salita at gulat lang na nakatingin sa kanya. Bigla naman itong lumayo at ngumiti sakin na parang walang ginawa. Wala nga naman siyang ginawa pero yung mga sinabi niya ay malinaw na may pagbabanta.
"I'll fetch you here later, hmm?" Malambing na niyang saad. Nakakagulat ang bilis nito sa pagbabago ng ekspresiyon at ang mas nagpagulat pa sakin at nagpakabog sa dibdib ko ay nung dumukwang ito at mabilis akong hinalikan sa gilid ng labi. "Bye, hon." Paalam niya pa bago ako talikuran.
Gusto ko siyang sampalin, sigawan pero hindi ko magawa. Tila nag-shutdown ang lahat sa sistema ko dahil hindi ko din magawang gumalaw.
Nakatingin lang ako sa papalayong pigura niya at dahan dahang napahawak pa ako sa bibig. Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa pintong nilabasan niya habang kumakabog ng malakas ang dibdib ko.
Ilang minuto pa akong nakatulala bago muling gumana ang utak ko saka mabilis na hinablot ang bag. Hinalungkat ko iyon at hinanap ang cellphone ko then I dialed Robert's number.
Sinabihan kong sunduin ako ng maaga dahil magha-half day na lang ako ngayon. I didn't tell him the truth and I just said na masakit ang ulo ko kaya pumayag naman siya.
Ayoko ng nararamdaman ko ngayon. Gusto kong iumpog ang ulo hanggang maalis sa isip ko ang nangyari. Pakiramdam ko masasayang ang limang taon kong pagbuo sa sarili ng dahil sa hindi ko padin kayang lumaban sa kanya. Na kahit anong maisipan niyang gawin magagawa niya dahil alam niyang mahina ako.
And I hate myself for that!
To be continued...
YOU ARE READING
A Wife With No Right
Romance"Ayoko na. Tama na!" -Alliston "No. I won't let you go again. Never! If I need to lock you up here in my room then so be it! You're mine, hon. Only mine!" -Ivy __ After a five long years of disappearing from her supposedly life with her wife. Allis...
