AWWNR20

9 2 0
                                    

Alliston's Pov

"How are you?"

Sa ilang araw na nagdaan ay ngayon lang ulit nagparamdam sakin ang babaeng ito. Huminga ako ng malalim bago ko sinagot ang tanong niya.

"I'm okay." Mula sa pag-aayos ng gamit ko sa working table ay mahina ko iyong sinaad.

Matagal na katahimikan muli ang namutawi sa pagitan namin bago siya muling nagsalita.

"Why didn't you tell me?"

"Tell you what?"

Hindi ko alam kung ano na naman ang sinasabi ni Ivy pero masyadong tense yung pag-uusap namin. Sa tinanong ko ay para itong nagalit pero nagawa niyang ikalma ang sarili ng humugot siya ng malalim na hininga.

"Nevermind!" Nagmamadali siyang umalis matapos iyong sabihin. Nangunot ang noo ko dahil parang may kakaiba sa kanya at tsaka hindi ko maintindihan kung ano yung mga sinabi niya kanina lang.

Ito na naman yung kakaibang pakiramdam sa tuwing hindi ko alam yung mga susunod niyang gagawin. Ipinilig ko na lang ang ulo at nagfocus sa trabaho dahil mukhang sasakit lang ang ulo ko kapag naiisip ako ng kung ano ano.

Ilang oras din ang nagdaan bago ko natapos ang mga dapat tapusin. Inaayos ko na lang ang gamit ko ng makita kong tumatawag sa Robert. Sasagutin ko na sana pero nawala na iyon at nakita kong pangwalo na niya itong tawag.

Muli na namang nagring ang cellphone ko ay agad ko iyong sinagot. "Hello?"

"Hello, Alli?"

"Bakit Robert may problema ba?"

"Si.. S-Si Maddie..."

Kinabahan ako bigla. "Why? What Happened to my baby?!"

Walang sumagot sa kabilang linya kaya lalo akong nataranta. Ano ba kasing nangyayari?

"Robert?...Hello?"

"Im sorry...Madison, she was..."

"She was what?" Mabilis kong tanong sa kabilang linya.

Nafru-frustrate na ako at parang may gustong kumawala sa dibdib ko.

"She was... She was missing, Alli!"

Nabitawan ko ang telepono sa narinig. Para akong nabingi at may kung anong ugat ang malakas na pumitik sa may dibdib ko dahilan para kumirot iyon. Nanginig na din ang mga kamay ko at hindi din nakakatulong ang katahimikang nagpapabingi sakin na siyang dahilan ng kung ano anong senaryong pumapasok sa isip ko ngayon.

Just wait for Mama, baby!

Mabilis kong tinakbo ang parking kung nasaan ang kotse ko. Makailang beses akong huminga ng malalim para kumalma dahil hindi ako tiwala sa sarili ko kapag nag drive ako habang nagpapanic.

Binagtas ko ang daan pauwi at parang ang bagal ng takbo ng oras. Tumatagaktak din ang pawis ko kahit pa nakabukas naman ang aircon ng sasakyan. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong nag over take para lang makauwi ng mabilis at ng matanaw ko ang building kung nasaan ang condo ni Robert ay mabilis ko din iyong ipnarada at sinalubong si Robert na mukhang kanina pa ako hinihintay.

"Where is Maddie?!" Yun agad ang bungad kong tanong.

"I don't know!"

Kumunot ang noo ko. "What do you mean, you don't know? Ikaw ang kasama niya!" Hindi ko na naiwasan ang pagtaas ko ng boses.

"I..I j-just bought a bottle of water pero nung bumalik ako wala na siya!"

"You bought a water? Kabibili ko lang ng mineral water kahapon!"

Sa sinabi ko ay mabilis siyang nag-iwas ng tingin.

"D-Don't tell me..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ng mapagtanto kong tama ang hinala ko.

"Gusto kasi niyang pumasyal kaya dinala ko sa park. Hindi ko naman alam na ganito ang mangyayari eh!" Mahina niyang saad na animoy nagpapaliwanag pero mas lalo lang ikinainit ng ulo ko iyon.

"Kung hindi mo naman pala alam na mangyayari ito, eh di sana sa bahay na lang kayo at nanood ng movie!"

"Pero gusto ng bata na lumabas!"

"Sino bang mas matanda sa inyong dalawa? Kilala ko ang anak ko at kung sinabi mong hindi pwede, makikinig yun!" Singhal ko pa na nagpatahimik sa kanya.

Kalokohan ang mga dahilan niya. Kahit na anong gawin ko ay hindi ko maintindihan ang mga rason na sinasabi niya sakin.

"Tumawag na ako sa pulis at ang sabi ay kailangan pa daw maghintay ng 24 hours bago nila i-declare na missing!"

Napalingon ako bigla. "Sana sinabi mong kasama mo siya at naiwala mo!"

Siguro naman kikilos ang mga pulis na iyon kung ganon ang sinabi niya pero sa tingin ko ay hindi iyon ang dinahilan niya.

"Sorry, Alli."

Hindi ako umimik. Huminga ako ng malalim at padarag na binuksan ang kotse. "Babalik ako sa park. Maghiwalay tayo sa paghahanap!"

Walang kwenta ang sorry niya dahil nangyari na ang kinatatakutan ko.

Pinatakbo ko ang sasakyan papunta sa park pero konti na lang ang mga tao. Nilabas ko ang wallet ko at pinakita sa mga tao doon ang picture ni Maddie at nagbabakasakali na nakita nila ang anak ko pero ni isa walang may alam.

Unti unting pumatak ang luha sa mga mata ko. Hindi ko na malaman ang gagawin at baka natatakot na ngayon ang anak ko. Tinignan ko ang wrist watch na suot ko at mas lalong umagos ang luha sa mga mata ko ng makitang alas cinco na ng hapon. Dumidilim na pero hindi ko parin nakikita ang anak ko.

Wala nakong choice. Kahibangan man pero wala nakong pwedeng lapitan.

I need her help.

Siguro naman pwede ko siyang tawagan ngayon dahil wala ng ibang pwedeng makahanap sa kanya. Marami siyang koneksiyon at kung makakatulong siya sa paghahanap ay wala na akong pakialam kahit malaman pa niya basta maibalik lang ang anak ko ng buo at ligtas.

Kinapa ko ang cellphone sa bulsa at mabilis na dinial ang number niya. Ilang ring lang ay sinagot na niya ito.

"Hello?"

"......"

Walang sumasagot pero alam kong nakikinig siya. "I need your help!"

"......"

"Pl- please.."

Hindi ko na napigilan ang pagpiyok at kumawala ang impit na hikbi sa bibig ko.

"Please he-help me! Yung anak ko." Hindi ko na napigilan ang mapahikbi.

"......"

"Please, my baby is missing at ikaw na lang ang pwede kong lapitan!" Pagmamakaawa ko at narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

"You called me. Naisip mo din ako sa wakas!"

"This is not the right time for that." Nagsisimula na naman akong mainis.

"Well, atleast you called. You asked for me and it's more than enough...for now!"

"Let's find my baby. I really need your help!"

"Just come here at my house. Alam mo naman na yung lugar diba at kapag nandito kana paguusapan natin ang tungkol sa bata!"

Tooot... tooot....toooot...

Napatingin ako sa cellphone ko ng babaan niya ako ng tawag. Hindi ko alam pero pakiramdam ko parang may ibang kahulugan ang mga sinabi niya.

Iwinaksi ko na lang ang mga naiisip ko at muling sumakay sa kotse patungo sa village kung saan ako dinala ni Ivy.

Sa magarang mansion na pag-aari niya.

To be continued.....

****

Salamat sa mga sumusuporta sa story ko, specially kay AnotherMe2002. Sobrang thank full po talaga ako na may nakaka-appreciate ng gawa ko. 

A Wife With No RightWhere stories live. Discover now