AWWNR4

27 2 0
                                        

Alliston's Pov

Maaga akong nagising dahil ngayon na ang alis namin ni Robert kasama ng anak ko. Natanggap ko na rin ang text niyang malapit na siyang dumating kaya ginising ko na ang anak ko para makaayos na rin.

"Baby, wake up." mahinang tinapik tapik ko ang pisngi niya. "Hey! Your tito is coming na and yet you're still sleeping pa." mahinang bulong ko pa sa kanya.

Unti-unti naman itong gumalaw at kinusotkusot pa ang mga mata niya.
"Good morning, baby. Go to the bathroom now and mama will be there too, i'll just get your towel."

Tumango naman ito sakin kaya hinalikan ko ito sa pisngi bago ako lumabas ng kwarto at pumunta sa balcony sa first floor para kunin yung towel ni Madie.

Mabilis akong lumakad pabalik at baka lamigin na yung anak ko. Alas sais palang naman ng umaga kaya malamig pa ang tubig sa gripo. At tama nga ang hinala ko dahil bahagya na itong nanginginig habang nagsasabon ng katawan kaya mabilis ang kilos kong kinuha ang sabon at ako ang nagpaligo dito.

Tinuyo ko siya agad at pinatay ko muna yung fan sa kwarto dahil lalo itong nilalamig. Mabilis ko din na sinuot sa kanya yung mga damit na hinanda ko kanina at nilagyan ng pulbo yung likod at leeg nito.

"Mama, i still felt cold"

"Wait, i'll get your jacket" Tumayo ako para kumuha ng isa sa aparador niya at sinuot ko ito dito.

"There! It's better. Thankyou, Mama" niyakap pa ako nito kaya napangiti na lang ako.

Dinala ko ito sa baba kung nasaan si mama dahil ako naman ang magbibihis para pagdating ni Robert ay aalis na lang kami.

Mabilis ang naging pagkilos ko at ginawa ang mga dapat gawin. Naglagay lang ako ng konting face powder at liptint para hindi ako maputla tignan. Ng makita kong ayos na ang itsura ko ay kinuha ko na ang mga bag at ibinaba na ito sa sala.

Narinig ko pa ang mabining pagtawa ng anak ko kaya na-curious akong silipin kung bakit ito tumatawa. Bigla naman din akong napangiti ng makita sila ni Robert na nagkikilitian sa sofa.

"Anak, nandiyan ka na pala." malakas na sabi ni mama. Natigilan naman ang dalawa at nag-angat ng tingin sakin.

Agad na tumayo si Robert at kinuha ang mga bag na dala ko habang ako naman ay lumapit kay Madie at kinarga ito.

"Mag-ingat kayo sa maynila, anak. Tawagan mo ako kapag nakarating na kayo." may lungkot sa boses ni mama ng bilinan niya ako.

"Yes, Ma at kayo din po mag-ingat." tumango lang ito at hinaplos ang likod ko.

"Can i call you every 2hours, Granny?" sabay kaming natawa ni mama sa biglang pagsabat ng anak ko.

"Of course, i will always wait every two hours for your call, Madie." natutuwang sagot ni Mama kay Madie na ikinatuwa din naman ng isa.

"Alis na po kami, tita. Mahaba pa ang byahe papuntang maynila eh."

"Oh siya. Sige na at baka tangahaliin na kayo sa daan"

And with that ay lumabas na kami mg bahay at sumakay sa sasakyan ni Robert.
Pasipol sipol pa ito habang minamaniobra ang sasakyan niya. Nakita ko pa ang pagkaway ni mama sa labas ng pinto bago sumibat paalis si Robert.

Hindi naman kami nabored sa byahe dahil napakadaldal nitong si Madie. Talagang tinadtad niya ng mga tanong si Robert na tuwang-tuwa naman na sumasagot sa kanya. Hindi pa kami tuluyang nakakarating ay humuhirit na itong mamasyal kaagad sa mga sikat na pasyalan sa maynila na nakikita niya lang sa mga daily newspaper.

"Sige. Pupuntahan natin lahat ng mga pasyalan doon pero hindi ngayon." ngiting sagot dito ni Robert.

"But when?" naguguluhan namang tanong ulit ni Madie.

A Wife With No RightWhere stories live. Discover now