AWWNR11

10 2 0
                                    

Alliston's Pov

Kanina pa ako gising at halos hindi ako nakatulog sa pag-aalala kay Madison. Inaapoy kasi ito ng lagnat nung umuwi ako galing sa trabaho. Kada oras kong mino-monitor ang lagay nito at hindi ako mapakali lalo na kapag may mga pagkakataon na nanginginig ito.

"Ano ba kasing nangyari? Bakit inaapoy ng lagnat si Madie, Robert?" hindi ko maiwasang magtaas ng boses sa kanya dahil ayaw ko talaga ng nagkakasakit ang anak ko.

"I don't know. Sinundo ko siya kanina then sabi niya masakit daw ang ulo niya kaya inisip kong baka gutom lang yun." Inabot niya sakin yung planggana na may maligamgam na tubig. "Then nung nakauwi kami ay bigla na lang tumakbo sa sink then sumuka na siya ng sumuka."

Mahina akong napamura. "Then why didn't you call me para naasikaso ko siya agad?" kung kanina pa pala siya nagsusuka ay baka may kung anong nakain ang anak ko or worst na-food poison na pala!"

Hanggang ngayon ay mataas parin ang lagnat niya at hindi bumababa. Mas lalo akong nataranta ng umungol ungol na ito at nanginginig. Maski si Robert ay nataranta na kaya agad niyang binuhat si Madie.

"Ready the car. Dadalhin na natin sa ospital si Madie!"

Mabilis kong kinuha ang susi sa bedside table at tumakbo papuntang garahe para buksan ang sasakyan at nang makita ko na sila ay agad kong pinausad sa harap ni Robert para maipasok na niya si Madie.

Bumaba ako at si Robert ang pinagmaneho ko. Hindi ko kayang magmaneho ngayon dahil nagpapanic na ang sitema ko. Baka lalo kaming hindi makarating sa ospital.

Baby, Mama is here na. You'll be fine, i promise!!

Ilang minuto lang at nakarating na kami. Mabilis ang kilos ni Robert at agad na dinala sa ER ang anak ko. Dalawang doctor agad ang rumesponde at apat na nurse para matignan ang lagay ng anak ko.

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko ng ipasok nila ang anak ko sa isa pang kwarto. Ramdam ko ang yakap ni Robert at pati ang paulit-ulit nitong pagsabi na magiging maayos ang lahat. Pero wala doon ang isip ko kundi sa anak kong ngayon ay nasa loob at hindi ko alam ang lagay ngayon.

Ilang oras na pero hindi parin lumalabas ang mga doctor sa loob. Gusto ko ng makita ang anak ko.

"Umupo ka nga muna. Huwag ka masyadong mag-alala."

"Paanong hindi ako mag-aalala kung nasa loob ang anak ko at may nilalabanang sakit na hindi ko alam kung ano. Mababaliw ako, Robert kung uupo lang ako sa tabi!" naiiyak na naman ako ng maalala ang itsura ng anak ko kanina nung huli ko siyang makita.

Pakiramdam ko pumayat siya agad at nangayayat dahil literal na lupaypay ito at sobrang putla ng mukha. Ni hindi nga niya maubos yung kalahating baso ng tubig nung pinainom ko siya bago matulog.

"Stop crying. She'll be fine." mariin niyang pinunasan ang mga luha ko pero lalo lang yung tumulo ng husto. "The doctors are treating her already. Antayin na lang natin ang results."

As on cue ay bigla na lang lumabas ang dalawang doctor na tumingin kay Madie. Tinapik lang ng isang doctor yung isa at umalis na. Para naman akong kinabahan ng umiling ang naiwang doctor sa harap namin para sabihin ang lagay ng anak ko.

"Ano pong..la-lagay ng anak ko?" pigil ang hikbing tanong ko pero may tumulong luha parin sa kaliwang mata ko.

"Sorry, ma'am pero hindi maganda ang lagay ng bata. Meron siyang severe dengue kaya mataas ang lagnat niya na siya rin ang dahilan kung bakit kinombulsiyon ang anak niyo kanina." mahabang paliwanag ng doctor sakin.

Hindi ko na napigilan ang pag-agos ng mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

Severe. That means malala, right? In short malala ang lagay ng anak ko.

A Wife With No RightWhere stories live. Discover now