Chapter 1 song: Fallin' by Janno Gibbs
Gabi na nang pauwi na ako ng bahay mula sa palengke. Habang naglalakad ako ay di ko namalayan na may malaking butas pala sa sidewalk. Nagulat ako nang aksidenteng akong nahulog sa kanal kasabay nun ay nahulog ang mga binili ko kanina sa palengke.
Pinagtawan lang ako ng mga taong nakakita sa akin sa pangyayaring 'yun. Sa halip na tulungan nila ako ay binalewala lang nila ako. May halong hiya at pagsisisi sa sarili ko dahil hindi ako nag-ingat sa ginawa ko. Naiinis ako sa mayor namin dahil hindi niya inayos ang sidewalk kaya't maraming nabibiktima dahil sa malaking butas.
Habang nasa kanal ako, inamoy ko ang aking polo shirt at hindi ko gusto ang amoy. Buti nga lang at hindi nadumihan ang mga binili ko dahil nakasilid ito nang maayos sa ecobag.
"Ayoko ng madumi! Ayoko ng mabaho! Ayoko ng mahulog sa kanal!" sumigaw ako na hindi nahihiya sa sarili ko at wala akong pakialam kung napagkamalan akomg baliw.
Biglang may dumaan na lalaki at huminto siya nang nakita niya ako na nasa ilalim ako ng manhole. Tinawanan rin niya ako pero sa halip na mainis ay bigla akong na-inlove sa kanya dahil sa kanyang ngiti ay lumalabas ang kanyang dimples. Nakapikit rin ang kanyang mga mata at masarap pisilin ang kanyang mga pisngi.
Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kanya at nakatitig rin siya sa akin na parang di niya nagustuhan ang pagsulyap ko sa kanya.
"Hoy! Ba't mo ako tinititigan?" tanong ng lalaki sa akin
"Eh, ikaw! Ba't mo ako tinatawanan? Inaasar mo rin ba ako katulad ng mga tao sa paligid?" tanong ko sa kanya
"Ang cute mo pala tignan kapag nadumihan ka sa mabahong kanal!" kinilig ako sa sagot niya pero hindi ako nagpahalata para 'di niya ako mahuli.
"Anong cute? Tutulungan mo ba ako dito o hindi?" sinungitan ko siya.
"Ang sungit mo naman! Daig mo pa ang may regla!" tugon niya.
Umalis siya sandali at pagkatapos ng isang minuto ay bumalik siya na may dalang lubid. Binigay ko sa kanya ang malaking ecobag tsaka niya hinulog ang lubid sa manhole. Kumapit ako sa lubid at hinila niya ito nang dahan-dahan hanggang sa natapos.
"Teka, ano nga pala pangalan mo?" tanong ko
"Ako nga pala si Lyndon." pagkilala ng lalaki
"I'm Jefferson." pagkilala ko sa kanya sabay shake hands.
"Doon ka muna sa bahay namin para makapagligo at makabihis ka na ng damit mo." offer niya sa akin at tumango ako bilang pagsang-ayon.
Umuwi si Lyndon sa bahay niya kasama ko at pagdating namin ng bahay ay kaagad kaming sinalubong ng mama niya sabay man ni Lyndon sa kanyang mama.
"Anak, sino ba iyang kasama mo? Ba't siya nadumihan?" tanong ng mama niya habang nagtataka
"Auntie, ako po si Jefferson. Nakita kasi ako ni Lyndon kanina na nasa ilalim ng manhole dahil nahulog ako sa kanal kaya't nadumihan ako." pagpapaliwanag ko
"Naku, sa susunod mag-ingat ka lalo na kung gabi!" paalala ng mama niya
"Ma, puwede po ba siya makiligo at makikain sa bahay natin?" paalam ni Lyndon
"Sure, mabuti pa at pumasok na lang tayo sa bahay at makakain na tayo." ani ng mama niya
Katatapos ko lang maligo pero nagulat ako nang biglang binuksan ni Lyndon ang pinto. Napasigaw ako nang malakas at dali-dali kong tinakpan ang katawan kong walang saplot. Patuloy pa rin ako sa pagsigaw hanggang sa tinakpan niya ang bibig ko.
"Grabe ka naman, kung makasigaw para ka'ng takot na mawala ang virgiity mo." ani Lyndon sabay bitaw ng kamay niya.
"Bakit mo kasi binuksan ang pinto?" tanong ko habang naiinis
"Kasalanan mo, eh! Dahil hindi mo ni-lock ang pinto." sagot niya habang galit
Binigay niya sa akin ang kanyang damit pati underwear.
"Pagkatapos mong magbihis, pumunta ka na sa kusina para makakain na tayo." saad ni Lyndon sabay pa-cute sa akin at sinarado ang pinto.
Pagkatapos kong magbihis ay pumunta na ako sa kusina para maghapunan. Umupo ako sa tabi ng upuan ni Lyndon sa hapagkainan pero bigla akong naiinis dahil nakatingin sa aming dalawa ang nakababatang kapatid na babae ni Lyndon habang kinikilig.
"Hoy, nandito tayo para kumain at hindi tayo nandito para mag-imagine sa pinanood mong Thai drama!" sermon ng mama ni Lyndon sabay kurot sa siko at napasigaw sa sakit ang kanyang kapatid.
"Ma, hindi ko akalain na dadalhin ni kuya ang kanyang jowa!" tugon ng kanyang kapatid habang kinikilig
"Wenwen, huwag kang gagawa ng fake news sa hapagkainan!" sabi ni Lyndon habang nagagalit
"Sige na, huwag na kayong magtalo diyan nang makakain na tayo dahil kanina pa ako gutom." saad ng papa niya
Nagdasal muna kami tsaka kumain pero hindi pa rin tumigil sa kanyang kalokohan ang kanyang kapatid.
Pagkatapos naming kumain ay ibinigay ni Lyndon sa akin ang mga binili ko na nakasilid sa bagong ecobag.
"Ma, pa, Wenwen, ihahatid ko po muna si Jefferson sa bahay nila." paalam ni Lyndon
"Sige, basta uuwi ka rito pagkatapos mo siyang ihatid." saad ng papa niya
"Hindi ako uuwi ngayong gabi." sabi ni Jefferson at nagulat kaming lahat sa sinabi niya
"Bakit kuya?" tanong ni Wenwen
"Doon po sana ako makikitulog sa bahay nina Jefferson." paalam niya habang nahihiya.
"Sure, basta siguraduhin mo na hindi siya mabubuntis." biro ng mama niya at tumawa na lang kaming lahat.
"Promise po auntie, mag-iingat ako!" sinabayan ko ang mama ni Lyndon sa biro niya.
"Sige po, aalis na kami!" paalam ni Lyndon at lumabas kami ng bahay.
"Mag-ingat kayo!" sigaw ng mama niya habang paalis na kami.
Sinarado ni Lyndon ang gate ng bahay at sinuot niya ang kanyang helmet. Binigay niya sa akin ang isang helmet at sinuot ko ito. Ginawa kong shoulder bag ang ecobag para di ako mahirapan sa kakahawak nito. Pinaandar niya ang kanyang motorbike at umangkas ako.
"Yakapin mo ako para di ka mahulog." sabi niya at niyakap ko siya habang hawak ko pa rin ang ecobag
Habang nakasakay ako sa kanyang motorbike ay tinuro ko sa kanya ang direksyon ng daan papuntang bahay. Hindi masyadong malayo ang bahay ni Lyndon at ang bahay namin kaya't hindi tumagal at nasa bahay na kaming dalawa.
"Jepoy, sino iyang kasama mo?" salubong ni mama sa aming dalawa habang nakaabang siya sa gate ng bahay namin at nagmano ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Nahulog, Na-fall (COMPLETED) ✔️
RomanceNahulog sa kanal si Jefferson Montilla habang naglalakad siya galing ng palengke. Ngunit nakita siya ni Lyndon Chavez at nahulog sila sa isa't isa. Ito na ba kaya ang simula ng kanilang love story?