CHAPTER 25

61 10 0
                                    

Chapter 25 song: Sana by I Belong To The Zoo

(Lyndon's POV)

Pumunta ako sa bahay ni Jefferson dahil miss na miss ko na talaga siya. Pumasok ako sa kuwarto niya pero nasaktan ako dahil hindi lang isa ang kayakap niya kundi dalawa. Pumasok ako ng banyo para kumuha ng tubig sa balde. Dahil sa galit na nararamdan ko ay sinabuyan ko silang tatlo ng tubig.

"Dondon, bakit mo ako sinabuyan ng tubig?" tanong ni Jefferson habang nagulat siya sa ginawa ko. Nahirapan siyang tumayo dahil hangover siguro siya.

Dahil sa ginawa ko ay sinuntok ako ni Quincy at sinubukan sanang awatin ni Patrick kaming dalawa pero hindi talaga namin mapigilan ang suntukan.

"Dondon, Quincy, tama na! Pleeeeaaassseee!" pagmamakaawa ko pero di pa rin sila tumigil.

Biglang may nagbukas ng pinto at tsaka kami tumigil.

"Anong kaguluhan dito?" tanong ni Kuya Conrad

"Kanina pa kasi namin narinig ni Kuya Kokoy na may nangyaring kaguluhan sa kuwarto ni Kuya Jepoy." sabi ni Penelope

Umupo sina Patrick at Quincy sa kama habang si Jefferson naman ay nakaupo sa sahig at ako lamang ang nakatayo.

"Kaya ko lang naman sinabuyan ng tubig si Jeff dahil napakalandi niya at wala siyang pinagkaiba kay Erica!" sigaw ko at sinampal ni Jefferson ang mukha ko.

"Anong pinagsasabi mo? Sinaktan mo rin ang puso ko dahil nakita kong niyakap mo si Monica." tugon ni Jefferson at sinampal ko rin siya.

Balak sana akong suntukin ni Kuya Conrad pero pinigilan siya ni Penelope.

"Kaya ko lang siya niyakap para patahanin siya sa kanyang pag-iyak." sabi ko

"Mabuti na rin na dalawang tao ang nagmamahal sa akin para at least makalimutan ko na ikaw ang nasa puso ko." tugon ni Jefferson

Nagsimula na ang pag-iyak naming dalawa ni Jeffson dahil sa sakit na nararamdaman namin.

"Break na tayo!" deklara ni Jefferson at umalis na ako sa bahay nila.

(Jefferson's POV)

Nag-duty ako sa convenience store pero late ako at hindi katulad ng dati na kasama ko si Lyndon. Habang nasa cashier ako ay di mawawala ang distraction habang nasa trabaho. Hindi ako makapagtrabaho nang maayos dahil di pa rin mawawala sa isip ko ang hiwalayan namin. Nagalit sa akin ang customer nang di ko sinadyang basagin ang binili niyang alak na nasa bote.

"Sir, pakiayos naman ng trabaho niyo! Di niyo ba alam na nagmamadali ako?" reklamo ng lalaking costumer.

"Sir, pagpasensyahan niyo na itong kasama namin kasi nag-summer job lang siya dito!" sabi ni Ate Leslie

Nang kinausap ni Miss B ang customer ay pumunta kami ni Ate Leslie sa likod ng convenience store. Walang tao doon maliban sa aming dalawa.

"Jeff, okey ka lang ba?" tanong ni Ate Leslie habang hawak niya ang kaliwang kamay ko pero di ko siya sinagot.

Biglang tumulo ang mga luha ko at nagsimula na akong humagulgul. Nakasubsub ang mukha ko sa dibdib niya at niyakap niya ako.

"Jeff, alam naming lahat na nag-break na kayo ni Lyndon. Sinabi kasi ni Miss B sa amin kanina dahil nag-text daw si Patrick." sabi ni Ate Leslie

"Mahal ko pa rin siya, Ate Leslie! Sobrang mahal ko po siya!" sabi ko at nagpatuloy na humagulgul.

"Marami naman mas deserving kaysa kay Lyndon at balang araw makakahanap ka rin ng iba pero kung mahal mo pa rin siya, ikaw na ang bahala kung magbalikan ba kayo o hindi." payo ni Ate Leslie

Nahulog, Na-fall (COMPLETED) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon