(Lyndon's POV)
Makalipas ang kalahating oras ay may nahuli na naman ang mga kidnapper at nagulat ako na si Quincy pala iyon.
"Quincy, paano ka nahuli ng mga tauhan ni Vice Mayor?" tanong ni Jefferson
"Pupuntahan ko sana si Lyndon sa bahay nila kaso lang bigla na lang akong kinidnap." sagot ni Quincy
"Buti nga lang at humingi ako ng tulong kina Geneva kanina para mailigtas si Jepoy at para mahuli na rin sina Erica ng mga pulis." tugon ko
Biglang dumating sina Mayor Malapitan, Vice Mayor Pontillas, at ang kabit ni Vice Mayor. May dalang baril si vice mayor kaya't pareho kaming natakot.
"Well, well, well! Nandito nga pala ang boyfriend ng anak ko, ang nang-agaw sa boyfriend ng anak ko, at ang kalandian ng mang-aagaw." sabi ng kabit
"Hoy! Huwag mo akong tawagin na malandi at hindi ko inagaw ang ex-boyfriend ng anak niyo!" tugon ni Jefferson at pinagtulungan akong sipain nina mayor at vice mayor.
"Dondon, pinsan ko ang mama mo. Ba't mo kasi naging syota ang ahas na nasa tabi mo?" tanong ni mayor
"Sino nga pala ang una kong papatayin?" tanong ni vice mayor habang tinutukan niya kaming tatlo ng baril.
"Puwede mo naman siguro patayin ang ahas para maging maging syota na ni Dondon si Erica." suhestiyon ni mayor at nagulat kaming tatlo.
"Oo nga para di na manggulo ang ahas sa buhay ng anak ko!" tugon ng kabit habang pumalakpak siya sa tuwa.
Tinutukan ni vice mayor si Jefferson ng baril sa ulo at ipinikit niya ang kanyang mga mata. Muntik na sanang i-putok ni vice mayor ang kanyang baril nang biglang may nagblink ang ilaw na parang nasa horror films. Biglang nabitawan ni vice mayor ang kanyang baril dahil sa takot pati kami ay natakot rin.
"Naku, baka totoo ang sinasabi ng mga matatanda na may multong nakatira sa ancestral house!" sabi ng kabit habang nanginginig sa takot
Nang narinig namin ang boses ng mga multo ay tumakbo silang tatlo at tanging kami na lang nina Quincy at Jefferson ay naiwan. Hindi kami makatakbo dahil parehong nakatali ang mga kamay at paa namin. Bigla kaming napasigaw nang biglang may mga multo sa harapan, gilid, at likod namin.
"Hoy, huwag kayong sumigaw! Si Geneva ito!" bulong ni Geneva
"Muntik na kaming atakihin kayo lang pala ang nagpapanggap na multo." sabi ni Quincy habang di pa rin naka-recover sa kanyang takot sa mukto.
"Huwag kayong maingay baka mahuli tayo nina Erica!" paalala ni Mandy
Tinanggal nina Phoebe, Mandy, at Geneva ang mga lubid na nakatali sa mga kamay at paa namin. Binilisan namin ang pagtakbo hanggang sa nakatakas na kami ngunit sa kasamaang palad ay nabaril si Geneva.
"Aray ko! Tulungan niyo ako!" sigaw ni Geneva habang nadapa siya.
Tinignan ko ang kanyang kanang hita ay nagsimula nang dumugo dahil binaril siya pero buti nga lang at hindi siya nabaril sa dibdib o sa delikadong parte ng katawan. Biglang may dumaang ambulansya at huminto. Inalalayan ng mga nurses si Geneva hanggang sa ipinasok na siya sa loob ng ambulansya.
(Jefferson's POV)
Kinabukasan, bumisita ako sa ospital para kumustahin ang kalagayan ni Geneva. Kasama ko sina Lyndon, Gwendolyn, at Penelope sa pagdalaw kay Geneva sa ospital.
"Guys, may chika ako for today!" sabi ni Mandy
"Anong chika?" tanong ni Phoebe
"Hindi pa nahuli ang mga suspek sa pag-kidnap nina Lyndon at Jeff." sagot ni Mandy at nagulat kaming lahat.
BINABASA MO ANG
Nahulog, Na-fall (COMPLETED) ✔️
RomanceNahulog sa kanal si Jefferson Montilla habang naglalakad siya galing ng palengke. Ngunit nakita siya ni Lyndon Chavez at nahulog sila sa isa't isa. Ito na ba kaya ang simula ng kanilang love story?