CHAPTER 23

61 10 0
                                    

(Jefferson's POV)

Kagigising ko lang nang biglang pumasok si Monica sa room ko. Nakita ko sa kanyang mga mata na naaawa siya sa akin at parang may gusto siyang sabihin sa akin. Ginising ko si Quincy na nasa tabi ko para kausapin nang maayos si Monica.

"Quincy, labas ka muna dito at kakausapin ko lang si Monica." sabi ko habang ginising ko siya at tumayo naman siya sa kama tsaka umalis.

"Ano bang kailangan mo sa akin?" tanong ko habang nagagalit

"Jeff, gusto ko sana mag-apologize!" ani Monica

"Anong apologize? Di ba niyakap mo si Lyndon at nagmamakaawa ka na magbalikan kayo?" tanong ko habang nagagalit at nagsimula na akong umiyak.

"Oo, pero maniwala ka man sa akin o hindi. Ikaw ang mahal niya. Kaya lang niya ako niyakap kasi akala ko na magbalikan kami pero pinatahan lang niya ako sa pag-iyak ko kanina." sagot ni Monica at nagsimula na rin siyang umiyak.

* FLASHBACK *

(Third POV)

"Mahal pa rin kita Lyndon at alam ko na mahal mo ako!" sabi ni Monica

Biglang bumitaw si Lyndon sa pagyakap niya kay Monica nang makita niya si Jefferson na tumakbo nang mabilis.

"Monica, wala nang tayo at matagal na tayong hiwalay!" sigaw ni Lyndon at sinampal siya ni Monica.

"Sabi ko nga ba, si Jefferson ang boyfriend mo! Akala ko kasi magkaibigan kayo! Iyon pala, bulag ako sa katotohanan." sabi ni Monica at umalis siya kaagad sakay ng kanyang motorsiklo.

* END OF FLASHBACK *

(Jefferson's POV)

"Gusto ko lang sana ibigay sa'yo ang litrato na nakalagay sa picture frame noong junior high school pa kami." sabi ni Monica at ibinigay niya sa akin.

Nagulat ako sa nakita ko sa litrato dahil nag-selfie si Lyndon habang naka-white na polo siya at aksidente niya akong nakunan sa litrato habang naglalakad ako. Naka-white rin ako na polo pero light brown ang slacks ko. Hindi ko kasi namalayan na nakunan pala ako ng litrato at umalis.

Biglang dumating sina Ford, Johnson, at Niccolo. Dinalhan pa nila ako ng arroz caldo na nakasilid sa tupeprware

"Hi Jeff, kumusta ka naman?" pagbati ni Johnson at nag-fist bomb kaming apat.

"Okey lang ako!" sagot ko sa malamyang tono ng pananalita.

"Hinahanap mo ba si Lyndon?" tanong ni Ford pero hindi ako sumagot.

"Nasa bahay nila si Lyndon ngayon. Hindi na siya lumabas ng kuwarto niya simula noong isinugod ka sa ospital." sabi ni Johnson

"Naawa na kasi ako kay insan. Tsaka siya lumabas ng kuwarto niya kapag kumakain siya or gusto niya maligo. Minsan lumabas rin siya kapag gusto niyang magbanyo. Pero buong araw na siya nasa kuwarto niya." tugon ni Niccolo

Ipinakita ko sa kanilang tatlo ang litrato na nakalagay sa picture frame.

"Gusto mo bang ipaliwanag namin ang kuwento behind the picture?" tanong ni Niccolo at tumango ako. Di na ako nagsalita dahil kumain ako ng arroz caldo.

"Sa totoo lang, matagal ka nang hinintay ni Lyndon na magkita muli." sabi ni Johnson

"Pagkatapos niyang mag-selfie, masaya siya noong aksidente kang nakunan ng litrato habang naglalakad ka." tugon ni Ford

"Nasabi na rin ba niya sa inyo na magkaibigan kami noong kinder?" tanong ko

"Oo, masaya nga siya habang kinukuwento niya ang patungkol sa friendship niyo noon. Kaya lang nalulungkot siya dahil hindi pa kayo nagkikita." sagot ni Ford

Nahulog, Na-fall (COMPLETED) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon