CHAPTER 28

62 8 2
                                    

Story #1
NAHULOG, NA-FALL

Chapter 28

Pumunta ako sa farewell party ng convenience store dahil aalis na kami kasi natapos na ang working days namin para sa aming summer job.

"Jeff, kumusta ka na?" tanong ni Ate Leslie habang sinalubungan niya ako ng yakap.

"Okey lang!" sagot ko

"Sige, pasok na tayo sa loob." saad ni Ate Leslie

Pumasok na kaming dalawa ni Ate Leslie sa loob. Umupo ako sa gilid ng lagayan ng ice cream habang si Ate Leslie ay pumunta ng cooking area. Napansin ko na iba na ang security guard ng convenience store. Biglang napadaan ang isang crew sa harapan ko at nagtanong ako sa kanya.

"Pre, nasaan ba si manong guard? Ba't babae na ang security guard natin ngayon?" tanong  ko

"Nag-resign kasi siya kahapon dahil nami-miss na niya iyong Erica na nakakulong sa jail. Buti nga lang at may nag-apply sa agency na babae kaya't na-hire kaagad si miss beautiful." sagot ng crew

"Siguro, di matiis ni manong guard si Erica kaya siya nag-resign. Nakita ko rin sa FB na parati niyang binibisita si Erica." sabi ko

"Ang ganda pala ng ladyguard natin ngayon!" ani ng crew habang nakatitig sa ladyguard.

"Sige na, tulungan mo sina Ate Leslie sa cooking area." saad ko

Kaaalis lang ng crew nang biglang may humawak sa kamay ko at hinila pa niya ako kaya napatayo ako at napatakbo ako nang mabilis kasi tumakbo siya. Alam ko na si Lyndon ang humawak sa kamay ko kasi magkaparehas kami ng damit at kilala ko siya kahit nakatalikod pa siya. May nakapansin sa amin pero binalewala ko na lang. Siguro gusto niya na pumunta kami sa likod ng convenience store.

Nasa likod na kami ng convenience store at binitawan na niya ang kamay ko. Humarap siya sa akin at niyakap niya ako nang mahigpit. Bigla na lang siyang naging emosyonal dahil nakita niya ako ulit.

"Na-miss mo na ba ako?" tanong niya

"Oo, sobrang miss na kita!" sagot ko at nagsimula na rin akong umiyak.

Umupo kami sa semento habang niyayakap pa rin ako ni Lyndon. Nakasubsub ang kanyang mukha sa katawan ko habang patuloy pa rin siyang umiiyak. Hinahagod ko ang kanyang likod para patahanin siya.

"Akala mo di kita mami-miss? Kasi mahal pa rin kita. Hindi ko sinayang ang mga peace offering mo sa akin kasi ikaw lang ang nasa puso ko. Si Monica, tanggap na niya na hindi mo na siya mahal. Si Quincy, tanggap na niya na hindi ko siya mahal. Buti nga lang at may Patrick na si Quincy." sabi ko habang patuloy na hinahagod ang kanyang likod.

Dahil sa sobrang iyak ni Lyndon ay di ko namalayan na nakatulog na pala siya. Dahan-dahan kong iniayos ang kanyang sarili para di siya magising. Idinikit ko ang kanyang likod sa katawan ko para makatulog siya nang maayos. Habang natutulog si Lyndon ay nanonood ako ng video sa cellphone ko pero hindi pa rin kami nag-change position kasi natutulog pa rin si Lyndon.

"Mga lovebirds, magsisimula na ang party!" sigaw ni Ate Leslie

Ginising ko si Lyndon at pumasok na kami sa loob.

"Ladies and gentlemen, hindi tayo magtatrabaho today dahil farewell party nina Lyndon at Jeff kasi aalis na sila sa convenience store. Tapos na ang working days nila dito and I'm grateful na naging empleyado ko sila. As a manager, gusto ko magpasalamat sa konting panahon na nakasama natin sila and balita ko magiging college student na sila. To Lyndon and Jeff, good luck and keep it up!" sabi ni Miss B habang naka-mikropono.

Nagpalakpakan na ang lahat pagkatapos magsalita ni Miss B sa harapan.

"Thank you Miss Belinda for your speech. Ang susunod na magsasalita sa harapan ay si Lyndon Chavez and after him, si Jefferson Montilla na naman ang magsasalita." anunsyo ni Ate Leslie habang naka-mikropono.

Nahulog, Na-fall (COMPLETED) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon