Chapter 26 song: Sa Puso Ko by Tootsie Guevarra
(Jefferson's POV)
1 week later...
Isang linggo after kami naghiwalay ni Lyndon at nakita ko siyang may kasamang iba. Hindi naman sila masyadong sweet ng kanyang bago pero malakas ang pakiramdam ko na girlfriend niya iyong kasama niya. Mahal ko pa rin siya pero mahal pa ba rin niya ako?
Malapit na ang farewell party naming dalawa ni Lyndon dahil aalis na kami pagkatapos mag-end ang summer job namin.
"Jeff, okey ka lang ba?" tanong ni Ate Leslie habang nagbibilang ng pera.
"Oo, ayos lang ako." sagot ko sa napakatamlay na tono.
"Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Hindi ako naniniwalang okey ka kasi alam ko na mahal mo pa rin si Lyndon." sabi ni Ate Leslie at binigyan niya ng sukli ang customer.
"Ayoko na siyang guluhin kasi may iba na siya." tugon ko at inakbayan niya ako.
"Jeff, hindi ako naniniwalang maghahanap kaagad ng iba si Lyndon. Baka malay mo hindi niya girlfriend ang kasama niyang babae." sabi ni Ate Leslie.
Biglang lumapit si Lyndon sa cashier habang inalalayan niya ang isang customer para magtanong kay Ate Leslie sa presyo ng malaking pakete ng junkfoods. Nang nakita ko siya ay umalis ako kaagad papunta sa likod ng convenience store. Nagulat ako nang biglang nasa likuran ko si Lyndon.
"Jepoy, miss na kita!" sigaw ni Lyndon
Hindi ako kumibo dahil ayoko siyang kausap at ayoko rin makita ang kanyang mukha.
"Jepoy, kung naisip mo na may girlfriend ako. Nagkakamali ka kasi pinsan ko iyong kasama ko." sabi ni Lyndon habang umiiyak pero hindi ako humarap sa kanya.
Kanina pa ako umiiyak pero hindi ko kayang magsalita dahil napakabigat ng nararamdaman ko.
"Sorry kung sinabuyan kita ng tubig noon kasi nagseselos ka. Akala ko na malandi ka pero lasing ka lang pala nang dahil sa akin." sabi ni Lyndon at umalis na lang ako.
(Quincy's POV)
Pinuntahan ko si Lyndon sa convenience store pero buti nga lang at pinayagan ako ng manager na kausapin siya dahil naaawa na ang manager kina Lyndon at Jeffersonpati na ang mga kasama nila sa trabaho.
"Pre, gusto ko sana mag-sorry sa'yo kasi nag-aaway tayo dahil kay Jepoy." sabi ni Lyndon at tinapik ko ang kanyang balikat.
"Ok lang pre, gusto sana kina kausapin." tugon ko
"Anong kailangan mo?" tanong ni Lyndon habang umiinom ng ice tea.
"Gusto ko nang ipaubaya sa'yo si Jepoy kasi alam ko na hanggang crush lang ang turing niya sa akin." sagot ko
Nakita kong nagulat si Lyndon dahil di siya makapaniwala sa sinasabi ko. Biglang kaming tumahimik at walang nagsalita ni isa sa aming dalawa ng ilang minuto.
"Ano? Ipaubaya mo na sa akin si Jepoy? Di ba may gusto ka sa kanya? Di ba pinag-aagawan niyong dalawa ni Patrick si Jepoy?" tanong ni Lyndon na parang gulat na gulat pa rin siya.
"Puwedeng magdahan-dahan ka sa mga tinatanong mo?" pakiusap ko
Huminga ng malalim si Lyndon at uminom siya ulit ng iced tea.
"Oo, ipapaubaya ko na siya sa'yo at gusto ko siya pero ikaw ang mahal niya. Totoong pinag-aagawan namin ni Patrick si Jepoy pero wala na talagang pag-asa kasi ikaw lang talaga ang nasa puso niya." sabi ko habang ngumunguya ng french fries.
"Sinong gusto mo ngayon?" tanong ni Lyndon at bigla akong nabilaukan pero buti nga lang at ininom ko kaagad ang aking iced tea.
Bigla kong naalala sa isip ko noong nilaplap ni Patrick ang bibig ko at pinicturan pa ni Jefferson noong nasa labas ng isang pizzeria.
BINABASA MO ANG
Nahulog, Na-fall (COMPLETED) ✔️
RomanceNahulog sa kanal si Jefferson Montilla habang naglalakad siya galing ng palengke. Ngunit nakita siya ni Lyndon Chavez at nahulog sila sa isa't isa. Ito na ba kaya ang simula ng kanilang love story?