Hindi ko na pinayagan si Lyndon na tulungan niya ako sa pagluluto dahil sa kanyang sugat sa hinlalaki. Sa halip ay tinulungan ako ni Mark na magluto ng hapunan namin. Nang naluto na ang pagkain ay nagkataon na nakarating na sina Niccolo at Clinton dala ang mga pulutan at alak. Nakahain na sa mesa ang hapunan at nakalapag na rin sa mesa ang mga plato, kutsara, at tinidor.
Gusto sana ni Lyndon na kunin ang mga ulam at kanin para ilagay n sa kanyang plato pero sa halip ay inilagay ko ang humba, kinilaw, at kanin sa plato ni Lyndon dahil concerned lang ako baka lalong sumakit ang kanyang hinlalaki na dulot ng kanyang sugat.
"Papakainin ko muna ang baby Damulag ko." pakiusap ko sa kanya.
"Huwag mo na akong subuan dahil hindi na ako bata." pagtanggi niya
"Baka nahihiya ka lang." pang-aasar ni Ford
"Ayyyiiieee!" sabay na sabi nilang lahat at nakita kong pinagpawisan at namumula si Lyndon dahil kinilig siya.
Dahil pinagpawisan siya ay ipinahid ko ang kanyang pawis gamit ang bimpo.
"Mamaya na akong kumain dahil papakainin kita." sabi ko
Sinnubuan ko si Lyndon na parang bata at nakita ko ang lahat ng kasama ko sa hapagkainan ay kinikilig sa aming dalawa. Gusto ko lang kasi na maglambing sa kanya at naaawa rin ako sa kanya kanina nung nasugatan siya.
After 2 hours...
Naglalaro kami ng spin the bottle habang nag-iinuman kaming walo sa kuwarto ko. Dahil umalis ang family ko sa bahay namin ay di nila maririnig kapag nag-ingay kami. Kahit na ang mga kapitbahay ay di nila maririnig ang ingay namin.
Ako ang unang nag-spin the bottle at pagkatapos ng ilang segundo ay nakatutok ang bottle kay Johnson.
"Truth or dare?" tanong ko
"Truth!" sagot ni Johnson
"Masarap bang humalik si Ford?" tanong ko
Biglang nagdadalawang-isip si Johnson at nakita ko sa kanyang mga mata na di niya alam kung ano ang isasagot niya. Naririnig ko nang humihiyaw ang lahat maliban sa aming dalawa ni Johnson.
"Hindi!" sigaw ni Johnson. Nang narinig ni Ford ang sagot ni Johnson ay bigla niya itong hinalikan nang tatlong minuto.
"I think nagsisinungaling talaga si Johnson dahil nahihiya siya." ani Garret
Next na nag-spin the bottle ay si Johnson at nakatutok ang bottle kay Lyndon.
"Truth or dare?" tanong ni Johnson
"Truth!" sagot ni Lyndon
"Nasarapan ka ba pag hinawakan ni Jefferson ang abs mo?" tanong ni Johnson
"Oo!" sigaw ni Lyndon at nagulat ako dahil kaagad niyang sinunggaban ang kaliwang kamay ko at inilagay niya ang kanmay ko sa abs niya pero kaagad kong binitawan.
"Ba't ayaw mong hawakan?" natatawang tanong ni Niccolo
"Akala siguro niya na mawala ang virginity niya." sagot ni Lyndon at kaagad niya sinunggaban ulit ang kaliwang kamay ko at inilagay niya ulit ang kamay ko sa abs niya. Napilitan lang akong hawakan ang abs niya dahil nakakahiya talaga.
Nang hinawakan ko ang abs niya ay narinig kong tumibok ang puso ko at bigla na lang akong nag-hysterical na parang baliw na galing sa mental hospital.
Next na nag-spin the bottle ay si Lyndon at nakatutok ang bottle kay Niccolo.
"Truth or dare?" tanong ni Lyndon
"Dare!" sagot ni Niccolo
"Yakapin mo si Ford habang wala siyang pang-itaas." dare ni Lyndon
BINABASA MO ANG
Nahulog, Na-fall (COMPLETED) ✔️
RomanceNahulog sa kanal si Jefferson Montilla habang naglalakad siya galing ng palengke. Ngunit nakita siya ni Lyndon Chavez at nahulog sila sa isa't isa. Ito na ba kaya ang simula ng kanilang love story?