CHAPTER 22

68 11 0
                                    

Chapter 22 song: Nasaan Na by Jolina Magdangal

Naglakad ako papunta sa bahay ni Lyndon ngunit biglang pumarada ang motorsiklo at huminto ako sa paglalakad. Nakita kong isang babae ang nagmaneho at nang tinanggal ng babae ang helmet ay nagulat ako na si Monica pala ang driver.

"Hi Jefferson, pupunta ka ba sa bahay ni Lyndon?" tanong niya

Masama ang kutob ko kay Monica baka may gagawin siyang kakaiba kay Lyndon sa bahay nila.

"Hindi, pupuntahan ko lang ang nililigawan ng kuya ko. Bibili kasi ako ng ice cream baka may stock pa sila." palusot ko

"Baka gusto mo na ihatid kita sa pupuntahan ko." alok ni Monica

"No, thanks!" pagtanggi ko

"Sige, bye!" pagbati ni Monica at umalis na siya habang nagmamaneho ng motorsiklo.

Bigla akong kinabahan baka may mangyayaring masama kay Lyndon. Kaya't nagmamadali na akong lumakad papunta ng bahay nila kahit na hinihingal ako. Nang malapit na ako sa bahay nila ay nagtago muna ako sa loob ng Australian bush para di nila ako makita. Sumilip ako para makita ko kung anong nangyayari.

"Lyndon, may ginawa akong kanta!" sabi ni Monica

"Anong kanta?" tanong ni Lyndon

"About sa mag-syota na nagtagal ng one year ang kanilang relationship pero hindi na sila mag-syota." sagot ni Monica

Mas lalo akong kinabahan at nalilito na ako kung ano ang gagawin ko.

"Masaya pa noon ang babae at lalaki noong mag-syota pa sila. Parati silang magkasama kahit na magkaiba sila ng campus na pinapasukan. Noong una, masaya pa ang lalaki sa piling ng babae kasi walang araw na di nila iniisip ang isa't isa. Kaya lang nakipaghiwalay ang babae sa lalaki dahil wala na silang time sa isa't isa bagkus ay parehas silang busy sa studies. Kahit na break na silang dalawa ay mahal pa rin ng babae ang lalaki." kuwento ni Monica at nagsimula siyang umiyak nang muntik na siyang matapos sa kanyang pagsasalita.

"Di ba break na tayo? Bakit tungkol sa relationship natin noon ang ginawan mo ng kanta?" tanong ni Lyndon habang nagtataka

Hindi talaga nagkamali ang kutob ko na may masamang mangyayari. Hindi ko inexpect na mahal pa rin ni Monica si Lyndon. Niyakap ni Monica nang mahigpit si Lyndon at nagmamakaawa siya. Hindi na ako nagtago sa Australian bush at tinignan ko silang dalawa.

"Lyndon, puwede bang maibabalik ang dating tayo?" pagmamakaawa ni Monica habang yakap pa rin niya si Lyndon. Biglang nasaktan ang puso ko sa nakita ko.

Nagulat ako nang niyakap rin ni Lyndon si Monica at hinimas pa niya ang likod ng babae para tumahan siya.

"Kaya lang kita pinuntahan dahil nag-aalala ako sa'yo noong kinidnap ka ni Erica at nadamay pa ang kaibigan mo sa ginawa ng bruha na iyon." ani Erica

Ako? Kaibigan ni Lyndon? Hindi niya alam na boyfriend ako ni Lyndon or sadyang bulag lang siya dahil baka naisip niya na bromance lang ang meron sa aming dalawa.

"Mahal pa rin kita Lyndon at alam ko na mahal mo ako!" sabi ni Monica at tumakbo ako dahil nagsimula na akong umiyak.

Patuloy pa rin ako sa pag-iyak habang tumakbo nang mabilis hanggang sa napadaan ako sa malaking puno ng kaymito. Dahil walang tao ay umupo ako sa ilalim ng puno at ibinuhos ko ang lahat ng sakit na nararamdaman ko.

"Hayop ka, Dondon!" sigaw ko habang sinuntok ko ang puno ng kaymito na parang si Manny Pacquiao.

May nakakita sa akin na isang matandang babae at nakita ko sa kanyang mga mata na naaawa siya sa akin pero hindi ko siya pinansin. Sa halip ay umalis ako para walang makapansin sa pag-iyak ko. Dahil hindi ko na makontrol ang emosyon ko ay bigla akong nahirapang huminga hanggang sa nawalan ako ng balanse at dumilim ang paningin ko.

Nahulog, Na-fall (COMPLETED) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon