CHAPTER 9

99 14 0
                                    

Nang pumasok na kami ni Lyndon sa bahay nila ay kaagad kamimg sinalubong ng isang babaeng kasing-edad lang namin. Sa palagay ko ay ito iyong Jennifer alyas baby girl na sinasabi ni Lyndon na kababata niya.

"Hi guys!" pagbati ng babae sabay beso nito kay Lyndon at nagbeso rin siya sa akin.

"Jepoy, siya si Jennifer and Jennifer, this is Jefferson alyas Jepoy." pagpapakilala ni Lyndon sa aming dalawa.

"Ma-o ni imong uyab nga gi-istorya nimo sa ako-a kagabi-i?" (Ito ba 'yung syota mo na kinuwento mo sa akin kagabi?) tanong ni Jennifer habang namangha siya sa akin.

"Oo, siya ang sinabi ko sa'yo." sagot ni Lyndon

"Tara, pasok tayo sa loob." saad ko

Nang pumasok kami sa loob ay nakita kong nagulat si Lyndon dahil nakita siguro niya ang kanyang mga kakilala na kasama ni Jennifer galing Cebu. Habang ako ay kaagad akong umupo sa tabi ni Jennifer.

"Roldan, Marcus, long time no see!" sabi ni Lyndon sabay manly hug sa lalaki.

Bigla kong napansin ang katabi ni Roldan at napangiti ako dahil ang ganda talaga ng girl. Medyo katamtaman lang ang kutis niya pero masasabi kong para siyang anghel. Hindi naman siguro magagalit si Lyndon dahil paghanga lamang ang naramdaman ko kay girl. Di ko namalayan na tulala na naman ako hanggang sa...

"Jepoy!" sigaw ni Jennifer, nagulat ako at nagising ako mula sa pagkatulala ko.

"Jeff, akala ko bakla ka. Ba't mo tinititigan ang twin sister ko?" pang-aasar ni Jennifer

"Twin sister? Ba't di kayo magkamukha?" tanong ko habang nagdududa.

"Actually, quadruplets kami. Kakambal ko si Roldan iyong nasa tabi ng girl. Habang may isa pa akong kakambal na boy na nasa tabi ni Dondon." paliwanag ni Jennifer

"Anong pangalan ng girl?" tanong ko habang kinikilig sa girl

"Siya si Denise. Crush iyan ni Lyndon dati pero hindi naging sila." pagpapakilala ni Jennifer sa girl.

"Anong pangalan ng nasa tabi ni Dondon?" tanong ko

"Siya si Marcus. Siya ang pinaka-heartthrob sa kanilang dalawa ni Roldan." pagpapakilala ni Jennifer sa boy.

Lumapit ako kay Denise at nagpapa-cute ako sa kanya. Hindi naman siguro masama kasi hanggang crush lang ang kaya ko dahil may Lyndon na ako.

"Hi miss, I'm Jefferson but just call me Jepoy." pinakilala ko ang sarili ko sa girl.

"Hi, I'm Denise." pinakilala rin niya ang kanyang sarili sa akin at magshake-hands kaming dalawa.

Nagtitigan kaming dalawa at kinalimutan ko na boyfriend ko si Lyndon nang mga sandaling iyon. Nang maalala ko si Lyndon at bigla kong binitawan ang kamay ni Denise at hindi ko na siya tinignan. Bumalik na lang ako sa tabi ni Jennifer at pinagalitan pa niya ako na parang si mama.

"Ikaw talaga Jepoy ang hilig mong lumandi." bulalas ni Denise sabay kurot niya sa tenga ko at napasigaw ako sa sakit.

"Jen, hindi ko naman iyon hinaluan ng malisya." napakadefensive na palusot ko.

"Hala! Kasab-an jud ka sa imong uyab kay nag-inigat kang bayota ka!" (Naku! Pagagalitan ka talaga ng syota mo dahil lumandi kang bakla ka!) pananakot ni Jennfer sa akin.

Dahil takot akong mapagalitan ni Lyndon ay pumasok na lang ako sa kuwarto niya at nagtago ako sa likod ng napakalaking lumang aparador para di niya ako makita. Pero bigla kong narinig na may nagbukas ng pinto at pumasok sa loob. Lumabas ako sa likod ng aparador at nagulat ako dahil si Gwendolyn pala ang pumasok sa kuwarto ni Lyndon.

Nahulog, Na-fall (COMPLETED) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon