CHAPTER 24

58 11 0
                                    

Chapter 24 song: Dahil Mahal Na Mahal Kita by Roselle Nava

(Jefferson's POV)

Umuwi na ang ibang kaibigan namin sa kani-kanilang mga bahay pagkatapos nilang makikain sa birthday ni Phoebe. Tanging kaming apat na lang nina Phoebe, Mandy, at Geneva ang natira sa bahay. Dahil wala ang parents ni Phoebe sa kanilang bahay, nagkantahan at nag-inuman kami sa loob pero buti nga lang at sound proof ang bahay nila kasi di maririnig ng kapitbahay ang ingay.

Ang unang kumanta sa amin ay si Geneva at pinili niya ang "It's All Coming Back To Me Now" ni Celine Dion.

🎵 𝑇ℎ𝑒𝑟𝑒 𝑤𝑒𝑟𝑒 𝑛𝑖𝑔ℎ𝑡𝑠 𝑤ℎ𝑒𝑛 𝑡ℎ𝑒 𝑤𝑖𝑛𝑑 𝑤𝑎𝑠 𝑠𝑜 𝑐𝑜𝑙𝑑
𝑇ℎ𝑎𝑡 𝑚𝑦 𝑏𝑜𝑑𝑦 𝑓𝑟𝑜𝑧𝑒 𝑖𝑛 𝑏𝑒𝑑
𝐼𝑓 𝐼 𝑗𝑢𝑠𝑡 𝑙𝑖𝑠𝑡𝑒𝑛𝑒𝑑 𝑡𝑜 𝑖𝑡 𝑟𝑖𝑔ℎ𝑡 𝑜𝑢𝑠𝑖𝑑𝑒 𝑡ℎ𝑒 𝑤𝑖𝑛𝑑𝑜𝑤 🎵

"Go Geneva! Kaya mo 'yan! Woohoo!" nag-cheer si Mandy kay Geneva kahit na masyadong sintunado ang pagkanta nito.

"Mag-ingat ka baka uulan!" biro ko habang sumisigaw.

Ang sumunod na kumanta sa amin ay si Mandy. Ang pinili niyang kanta ay "Narito Ako" ni Regine Velasquez.

🎵 𝑁𝑎𝑟𝑖𝑡𝑜 𝑎𝑘𝑜 𝑛𝑎 𝑙𝑎𝑔𝑖 𝑛𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑘𝑎𝑡𝑖𝑛𝑔𝑖𝑛
𝑆𝑎 𝑚𝑔𝑎 𝑢𝑙𝑎𝑝 𝑎𝑡 𝑏𝑖𝑡𝑢𝑖𝑛 🎵

"Wow! Ang ganda pala ng boses ni Mandy kapag nakainom ng tequila!" sigaw ni Geneva

To be honest, lahat ng kaibigan ko ay sintunada pero mahilig silang kumanta ng mga birit songs. Tsaka lang gumanda ang kanilang boses kapag lasing sila lalo na kumg naka-inom sila ng beer.

Ang sumunod na kumanta sa amin ay ang birthday celebrant. Ang pinili niyang kanta ay "I Have Nothing" ni Whitney Houston.

🎵 𝐼 ℎ𝑎𝑣𝑒 𝑛𝑜𝑡ℎ𝑖𝑛𝑔, 𝑛𝑜𝑡ℎ𝑖𝑛𝑔, 𝑛𝑜𝑡ℎ𝑖𝑛𝑔
𝐼𝑓 𝐼 𝑑𝑜𝑛'𝑡 ℎ𝑎𝑣𝑒 𝑦𝑜𝑢 🎵

Biglang akong natawa dahil wala sa tono ang kinanta ni Phoebe dahil sa sobrang taas ng kanta.

"Tequila, Jeff!" sabi ni Geneva habang binigyan niya ako ng tequila at kalamansi na may asin.

Nag-enjoy kami habang nagkakantahan at nag-iinuman. Di talaga magpapahuli si Geneva sa pulutan dahil ang lakas talaga niyang kumain pero konti lang ang ininom niya. Sa aming apat, ako ang pinakalasing dahil gusto ko lang uminom.

Marami pa akong kinanta pero hindi pa ako umiiyak sa kalasingan hanggang sa pinili ko ang kantang "Dahil Mahal Na Mahal Kita" ni Roselle Nava.

🎵 𝐾𝑎ℎ𝑖𝑡 𝑛𝑎 𝑛𝑎𝑔𝑚𝑢𝑚𝑢𝑘ℎ𝑎𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑚𝑔𝑎
𝐾𝑎ℎ𝑖𝑡 𝑛𝑎 𝑠𝑖𝑛𝑎𝑠𝑎𝑘𝑡𝑎𝑛 𝑎𝑘𝑜
𝑈𝑚𝑖𝑖𝑦𝑎𝑘 𝑎𝑘𝑜 𝑑𝑎ℎ𝑖𝑙 𝑠𝑎'𝑦𝑜
𝐻𝑒𝑡𝑜 𝑝𝑎 𝑟𝑖𝑛 𝑎𝑘𝑜, ℎ𝑎𝑙𝑜𝑠 𝑏𝑎𝑙𝑖𝑤 𝑠𝑎'𝑦𝑜 🎵

"Grabe naman shi Jeff, malalim ang pinaghuhugutan!" sabi ni Mandy

"Oo nga, nakita kashi niya shi Lyndon na kashama niya ang kanyang ex before pa siya na-ospital." tugon ni Geneva

🎵 𝐾𝑎ℎ𝑖𝑡 𝑛𝑎 𝑛𝑖𝑙𝑜𝑙𝑜𝑘𝑜 𝑚𝑜 𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑎𝑘𝑜
𝐾𝑎ℎ𝑖𝑡 𝑛𝑎 𝑡𝑢𝑚𝑖𝑛𝑔𝑖𝑛 𝑘𝑎 𝑠𝑎 𝑖𝑏𝑎
𝑀𝑎𝑔𝑚𝑎ℎ𝑎𝑙 𝑘𝑎 𝑛𝑔 𝑖𝑏𝑎
𝑀𝑎𝑔𝑏𝑢𝑏𝑢𝑙𝑎𝑔-𝑏𝑢𝑙𝑎𝑔𝑎𝑛 𝑎𝑘𝑜
𝑀𝑎𝑠𝑎𝑘𝑖𝑡 𝑚𝑎𝑛 𝑖𝑡𝑜 𝑑𝑖𝑡𝑜 𝑠𝑎 𝑝𝑢𝑠𝑜 𝑘𝑜 🎵

Nahulog, Na-fall (COMPLETED) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon